ANG HULING ADAM NA ESPIRITUNG NAGBIBIGAY BUHAY
Sino ang Huling Adam na siyang espiritu na nagbibigay buhay?
"And above the firmament that was over their heads was the likeness of a throne ,as the appearance of a sapphire stone and upon the likeness of the throne was the likeness as the appearance of a man above upon it .(Ezek.1:26 KJV)
Sa isang pangitain ni Propeta Ezekiel nakita nya ang Panginoon na nakaupo sa kangyang trono na kung saan nakita nya ito sa wangis ng tao "as the appearance of a man".sa hebrew itong "A man" isinalin ito na "Adam"
"Lakari al rosham demut kisse e'ven kemar 'eh de mut hakkise kemar 'eh Adam"
Nasa wangis pala ni Adam ang Panginoon na nakita ni Propeta Ezekiel sa kanyang pangitain na nakaupo sa kanyang Trono sa kalangitan.
Ngayon Sino itong Panginoon na nakita ni Propeta Ezekiel na nakita nya sa wangis ni Adam?
"Gayon din naman nasusulat ang unang taong si Adam ay naging kaluluwang buhay ,ang huling Adam ay naging espiritung nagbibigay buhay ...."ang ikalawang Adam ay taga langit .(1Cor.15:45,47)
Si Cristo pala ang Huling Adam na siya rin ang Panginoon na nasa wangis ni Adam na nakaupo sa kanyang trono sa Langit.
Ngayon itong Panginoon na nasa wangis ni Adam na ito rin ang Huling Adam ay bumaba sa Langit?
"Ikiling mo ang iyong mga langit Oh Panginoon at bumaba ka..."(Awit 144:4)
"Oh buksan mo sana ang Langit ,na ikaw ay bumaba...(Isa.64:1)
"Na gaya ng kasintahang lalake na lumalabas mula sa silid at nagagalak na gaya ng malakas na tao na tatakbo ng kaniyang takbo at kaniyang labasan ay mula sa wakas ng mga langit at kaniyang ligid ay sa mga wakas niyaon at walang bagay na nakukubli sa pag iinit niyaon.(Awit 19:5-6)
"Sapagkat bumaba akong mula sa langit hindi upang gawin ko ang aking sariling kalooban ,kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin.(John 6:38)
Nang bumaba mula sa Langit itong Huling Adam na espiritung nagbibigay buhay nakatawang tao at nagayong alipin ito at nakitulad sa mga tao.
"Na siya bagamat nasa anyong Dios ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios ,kundi bagkus hinubad niya ito ,at naganyong alipin ,na nakitulad sa mga tao.(Fil.2:6-7)
"Nang pasimula siya ang Verbo ,at ang verbo ay sumasa Dios ,at ang Verbo ay Dios..."At nagkatawang tao ang verbo at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian ,kaluwalhatian gaya ng bugtong ng Ama)na puspos ng biyaya at katotohanan.(John 1:1,14)
"...Ang mga hindi nangagpapahayag na si Jesu Cristo ay naparitong nasa laman .ito ang magdaraya at ang Anti Cristo.(3 John 7)
Comments
Post a Comment