KUNG DIOS SI CRISTO BAKIT PA SIYA NANALANGIN SA DIOS
Ngayon ating tatalakayin ang paksa ang tanong na " kung Dios si Cristo bakit pa siya Nanalangin sa Dios Ama ito ang isa sa malimit pinagkakamalian ng mga INC 1914 ayon sa kanila kung Dios daw si Cristo bakit pa si Cristo nanalangin sa Dios.(Mateo 26:36-44) kaya ang Kongklusyon nila hindi Dios ang ating Panginoong Jesu Cristo.
Kung Dios si Kristo Bakit Nanalangin si Kristo sa Dios Ama?
Kung Dios si Kristo Bakit Nanalangin si Kristo sa Dios Ama?
Ito ngayon ang ating pag-aaralan? Ang unang tanong natin Ano ba ang pananalangin?
"Huwag kayong mangabalisa sa anomang bagay kundi sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan at daig na may pagpapasalamat ipakilala ninyo ang inyong mga kahilingan sa Dios.(Filipos.4:6)
Dito makikita natin na ang buod ng pananalangin ay paghiling at pagdaing sa Dios na may pagpapasalamat in short ang pananalangin ay isang anyo ng pakikipag usap sa Dios (a form of communication) na kung saan ang isang nanalangin ay nakikipag usap sa Dios.
What is prayer?
Prayer is the communication to God.
Dinggin mo nga sa langit ang kanilang dalangin at ang kanilang samo, at alalayan mo ang kanilang usap. (2 Cronica.6:35)Ang mga mata ng Panginoon ay nakatitig sa mga matuwid, at ang kaniyang mga pakinig ay nakabukas sa kanilang daing. (Awit 34:15)
Kaya walang masama kung manalangin ang ating Panginoong Jesu Cristo sa Dios Ama sapagkat ang panalangin ay isang anyo ng pakikipag usap sa Dios ,wala naman sigurong masama kung ang Anak ay makipag usap sa kanyang Ama sa pamamagitan ng pananalangin sapagkat siya naman ay Anak.
Ang"communication" ng Ama at Anak bahagi na ito ng ugnayan at pagkakaisa sa Godhead.(Genesis.1:26) naguusap ang magka-NATIN?
At dinirinig naman ng kanyang Ama ang ating Panginoong Jesu Cristo.
"At nalalaman ko na Ako'y lagi mong dinirinig ,ngunit ito'y sinabi ko dahil sa karamihang nasa palibot upang magsisampalataya na ikaw ang nagsugo sa akin.(John 11:42)
Ngayon kung ang pananalangin ay isang anyo ng pakikipag usap sa Dios ...Ang tanong ang Dios ba nakiikipag usap rin ba sa tao.
"Ang aking lingkod na si Moses ay hindi gayon siya'y tapat sa aking buong buhay .sa kaniya'y makikipagusap ako sa bibig ng maliwanag at hindi sa malabong salita,at ang anyo ng Panginoon ay kaniyang makikita.(Mga Bilang.12:7-8)
Ang Dios mismo nakikipag -usap din sa tao kaya walang posible na makipag usap ang Ama sa kaniyang Anak.
Tao lang ba ang tumatawag sa Dios ...Ang Dios mismo tumatawag rin sa Tao.
"Sapagkat ako'y tumawag at kayo'y tumanggi aking iniunat ang aking kamay at walang makinig.(Kawikaan .1:24)
Kaya walang problema kung si Cristo ay manalangin sa kaniyang Ama sa Langit sapagkat sapagkat ito ay bahagi ng communication ng Ama at ng Anak ng ang Anak ay nagkatawang tao at nasa lupa.(Juan 1:1,14,18)sa dahilang ang Dios AMa naman ay Dios ng mga Dios.(Deut.10:17,Awit 138:1) dito maliwanag na may mga dios na dumidiyos rin sa DIOS AMA.(Awit 136:2-3) si KRISTO ay TUNAY NA DIOS at ANAK NG DIOS .(1Juan 5:20) na dumidiyos sa kanyang AMA ,kaya hindi katakataka na ang Anak ay tatawag sa kanyang AMA na DIOS.
Kaya ang konklusyon kung nanalangin man ang JESUS sa kanyang AMA ito ay PAKIKIPAG-USAP NG ANAK SA AMA .at NORMAL lang na ang ANAK ay MAKIPAG-USAP sa kanyang AMA na nasa LANGIT dahil AMA niya ito.
Sa pamamagitan ng PANANALANGIN ang ANAK NG DIOS na nasa LAMAN ay nakikipag-usap sa kanyang AMA sa LANGIT kaya hindi DAHILAN na nanalangin ang ANAK sa DIOS AMA ay HINDI NA SIYA DIOS ang PANANALANGIN ay isang URI ng Kuminikasyon ng ANAK sa AMA
Comments
Post a Comment