ANG KATANGIAN NG LAMAN NA SIYA RING KATANGIAN NG ESPIRITU

Ngayon pag-aaralan natin ang mga ginagamit ng Manalo Cults para sabihin nila ang ating Panginoon Jesu Cristo ay tao lamang dahil daw ito nakikitaan ng mga limetasyon at kahinaan na gaya sa isang tao.Ano -ano ang mga ito na sa pakiwari nila ito daw ang patunay na tao lang si Cristo at hindi Dios.


Si Cristo napagod:

"At naroon ang balon ni Jacob si jesus nga ,nang napagod sa kaniyang paglalakbay ,ay naupong gayon sa tabi ng balon ,magiikaanim na nga ang oras.(John 4:6)

Sasabihin ng mga Manalo Cults ..."May Dios bang napapagod "ayan ika si Cristo napagod.ngayon dahil ba napagod hindi na Dios .paano kung may mabasa tayo na ang Dios napagod.

Ang Dios napagod:

"Ipinagdaramdam ng aking puso ang inyong mga bagong buwan at ang inyong mga takdang kapistahan mga kabagabagan sa akin ,akoy pata ng mga pagdadala ng mga yaon.(Isa.1:14)

Ano ba ang kahulugan ng "pata" diba napagod rin ang sabi ng Dios "Ako'y pata ng mga pagdadala ng mga yaon.kita mo may espiritwal na pagkapagod ang Dios ,kaya may espiritwal din siya na pamamahinga.

"At nang ikapitong araw ay nayari ng Dios ang kaniyang gawang ginawa at nagpahinga ng ikapitong araw sa madlang gawa niyang ginawa .(Gen.2:2)

Si Cristo ay natulog:

"At narito bumangon ang isang malakas na bagyo sa dagat na ano'pat inaapawan ang daong ng mga alon datapuwat siya'y natutulog at nagsilapit sila sa kaniya at siya'y ginising na sinabi Panginoon ,iligtas mo kami ,kamiy mangangamatay .(Mat .8:24-25)

Ang Dios ay natulog:

"Nang magkagayo'y gumising ang Panginoon na gaya ng mula sa pagkakatulog gaya ng malakas na tao na humihiyaw dahil sa alak.(Awit 78:65) at may kakayahan  din ang Dios ng mga Kristiano na magpahinga.(Genesis 18:3-4)

Si Cristo ay nagutom:

"Pagka umaga nga nang siya'y bumabalik sa bayan nagutom siya.(Mat.21:18)

Pwede rin ba Magutom at mabusog ang Dios:

Ito ang sabi ng Dios ..."Hindi mo ako ibinili ng mabangong kalamo sa halaga ng salapi ,o binusog mo man ako ng taba ng iyong mga hain...(Isa.43:24)

May Espiritwal din palang pagkabusog ang Dios Aba natural may espiritwal din siyang kinakain.at ang Dios ng mga Kristiano ay may kakayahang kumain.(Genesis 18:1-18)

"Sapagkat Ikaw Oh Dios tinikman mo kami..."(Awit 66:10)

Ang Dios pala tumitikim din pag hindi nagustuhan ng Dios ang lasa sinusuka nya ito.

"Kaya sapagkat Ikaw ay malahininga ,at hindi mainit o malamig man ay isusuka kita sa aking bibig.(Apoc.3:16)

Si Cristo nauhaw:

"Pagkatapos nito pagkaalam ni Jesus na ang lahat ng mga bagay ay naganap na nga upang matupad ang kasulatan ay sinabi nauuhaw ako.((John 19:28)

Ang Dios nauuhaw rin ba:

"Siya'y iinom sa batis sa daan kayat siya'y matataas.(Awit 110:7)

Kung ang mga kahinaan man ito ay naranasan ng ating Panginoong Jesus sa laman patunay lang ito na nung magkatawang tao siya.(John 1:1,18) ay nag-anyong alipin siya at nakitulad sa mga tao.(Fil.2:6-7)

Comments

Popular Posts