PANGINOON ANG IPAPANGANAK NG BERHIN



ANG PAKSA: 

PANGINOON ANG IPAPANGANAK NG BERHIN  



BAGO PA IPANGANAK ANG ATING PANGINOONG JESU KRISTO AY NAKAHULA NA ANG IPAPANGANAK NG DALAGA AY ISANG "MAKAPANGYARIHANG DIOS " NA HINULA NG PROPETA ISAIAS 


Sapagka't sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalake; at ang pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat: at ang kaniyang pangalan ay tatawaging Kamanghamangha, Tagapayo, Makapangyarihang Dios, Walang hanggang Ama, Pangulo ng Kapayapaan.(Isaias 9:6)



AT ITO AY HINULA RIN NG PROPETA MALAKIAS NA DARATING ANG DAKILA AT KAKILAKILABOT NA KAARAWANG NG PANGINOON NA ISUSUGO SI ELIAS NA PROPETA NA ANG KATUPARAN AY SI JUAN BAUTISTISTA.(MAT.11:14) NA ISINUGO SA UNAHAN NG PANGINOON.(MAR.1;2-4) 



Narito, aking susuguin sa inyo si Elias na propeta bago dumating ang dakila at kakilakilabot na kaarawan ng Panginoon.(Malakias.4:5)


ANG KAARAWAN NG PANGINOON NA ITO AY NAKITA NA ITO NI ABRAHAM BAGO MAGKATAWANG TAO ANG ANAK NG DIOS AT SIYA AY NATUWA  .


Sinabi nga sa kaniya ng mga Judio, Wala ka pang limangpung taon, at nakita mo si Abraham?Sinabi sa kanila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Bago ipinanganak si Abraham, ay ako nga...."Nagalak ang inyong amang si Abraham na makita ang aking araw; at nakita niya, at natuwa.(Jn.8:57-58,56)

ANG ARAW NG PAGSILANG NG PANGINOON NA NAGKATAWANG TAO AY ARAW NA GINAWA NG PANGINOON PARA TAYO'Y MANGAGAGALAK AT ATING KATUTUWAAN



Ito ang araw na ginawa ng Panginoon; tayo'y mangagagalak at ating katutuwaan.Magligtas ka ngayon, isinasamo namin sa iyo, Oh Panginoon: Oh Panginoon, isinasamo namin sa iyo, magsugo ka ngayon ng kaginhawahan. Mapalad siya na dumarating sa pangalan ng Panginoon: aming pinuri kayo mula sa bahay ng Panginoon.(Awit 118:24-26)


NATUPAD ITO NG IPANGANAK NG ISANG BERHIN ANG CRISTO ANG PANGINOON SA BETHLEHEM SA ISANG PASABSABAN NG MGA HAYOP.



At may mga pastor ng tupa sa lupain ding yaon na nangasa parang, na pinagpupuyatan sa gabi ang kanilang kawan.At tumayo sa tabi nila ang isang anghel ng Panginoon, at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay nagliwanag sa palibot nila: at sila'y totoong nangatakot.At sinabi sa kanila ng anghel, Huwag kayong mangatakot; sapagka't narito, dinadalhan ko kayo ng mabubuting balita ng malaking kagalakan, na siyang sasa buong bayan: Sapagka't ipinanganak sa inyo ngayon sa bayan ni David ang isang Tagapagligtas, na siya ang Cristo ang Panginoon. At ito ang sa inyo'y magiging pinakatanda: Masusumpungan ninyo ang isang sanggol na nababalot ng lampin, at nakahiga sa isang pasabsaban. At biglang nakisama sa anghel ang isang karamihang hukbo ng langit, na nangagpupuri sa Dios, at nangagsasabi: Luwalhati sa Dios sa kataastaasan, At sa lupa'y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya.(Luc.2:8-14)

ANG ANAK NG DIOS AY NAGKATAWANG TAO:

Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios. ..."At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan.(Jn.1:1,14)

ANG "AKO NGA" BAGO IPANGANAK SI ABRAHAM:

Kaya't makikilala ng aking bayan ang aking pangalan: kaya't matatalastas nila sa araw na yaon, na ako yaong nagsasalita; narito, ako nga.(Isaias 52:6)

Sinabi sa kanila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Bago ipinanganak si Abraham, ay ako nga.(Juan 8:58)

Comments

Popular Posts