ALAM BA NG ANAK ANG ARAW AT ORAS NG KANYANG PAGPARITO AT NG KATAPUSAN NG SANLIBUTAN"


ANG PAKSA:
ALAM BA NG ANAK ANG ARAW AT ORAS NG KANYANG PAGPARITO AT NG KATAPUSAN NG SANLIBUTAN"

BASAHIN NATIN ANG NASABING TALATA 

At lumabas si Jesus sa templo, at payaon sa kaniyang lakad; at nagsilapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad upang sa kaniya'y ipamalas ang mga gusali ng templo. Datapuwa't siya'y sumagot at sa kanila'y sinabi, Hindi baga ninyo nangakikita ang lahat ng mga bagay na ito? katotohanang sinasabi ko sa inyo, Dito'y walang maiiwang isang bato sa ibabaw ng ibang bato, na hindi ibabagsak. At samantalang siya'y nakaupo sa bundok ng mga Olivo, ay nagsilapit sa kaniya ng bukod ang mga alagad, na nagsisipagsabi, Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga bagay na ito? at ano ang magiging tanda ng iyong pagparito, at ng katapusan ng sanglibutan?..."Ang langit at ang lupa ay lilipas, datapuwa't ang aking mga salita ay hindi lilipas.Nguni't tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang.(Mateo 24:1-3,35-36)

DITO MAPAPANSIN NATIN NA TINATANONG ANG ATING PANGINOONG JESU KRISTO NG KANYANG MGA ALAGAD NG MGA TANDA TUNGKOL SA KANYANG MULING PAGPARITO AT NG KATAPUSAN NG SANLIBUTAN .KUNG BABASAHIN NATIN ANG BOUNG TALATA NG MATEO 24 IBINIGAY NG ATING PANGINOON JESU CRISTO ANG MGA TANDA NA MANGYAYARI BAGO MAGANAP ANG KANYANG PAGPARITO AT ANG KATAPUSAN NG SANLIBUTAN NA KUNG SAAN LILITAW ANG MGA BULAANG PROPETA AT ANG MGA BULAANG KRISTO ILILIGAW ANG MARAMI NA ANUPAT ANG MGA BANSA MAGSISINTINDIG LABAN SA KAPWA BANSA AT ANG KAHARIAN LABAN SA KAHARIAN ,MAGKAKAGUTOM AT LILINDOL SA IBAT-IBANG DAKU ,AT LILITAW ANG IBAT IBANG URI NG SALOT DATAPUWAT ANG MGA BAGAY NA ITO AY PASIMULA NG MALAKING KAPIGHATIAN ISINAYSAY DIN NIYA ANG PAGSAGANA NG KATAMPALASAN AT ANG PAG -IBIG NG MARAMI AY LALAMIG NA BAGO ANG KANYANG MULING PAGPARITO AT ANG KATAPUSAN NG SANLIBUTAN AY DARATING MUNA SA MUNDO ANG ISANG MALAKING KAPIGHATIAN NA HINDI PA NANGYARI BUHAT NG ITATAG ANG SANLIBUTAN (MATEO 24:1-39) NA KUNG MAKITA NATIN ANG MGA BAGAY NA ITO NA TANDA NG KANYANG PAGPARITO ANG SABI NIYA.

Gayon din naman kayo, pagka nangakita ninyo ang lahat ng mga bagay na ito, ay talastasin ninyo na siya'y malapit na, nasa mga pintuan nga.(Mateo 24:33) 

KAYA PAGNAKITA NATIN ITONG MGA KAGANAPAN NA ITO PAKATALASTASIN NATIN NA SIYA AY MALAPIT NA ,NASA MGA PINTUAN NA NG KATAPUSAN. KUNG PAPANSININ NATIN ALAM NG ATING PANGINOONG JESU KRISTO ANG MAGAGANAP SA KANYANG MULING PAGPARITO AT NG KATAPUSAN NG SANLIBUTAN SAPAGKAT BINANGGIT NIYA ITO MISMO KUNG ANO ANG MAGAGANAP SA ARAW AT ORAS NG KANYANG PAGPARITO. 

Sapagka't gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao. Saan man naroon ang bangkay, ay doon mangagkakatipon ang mga uwak.Datapuwa't karakarakang pagkatapos ng kapighatian sa mga araw na yaon ay magdidilim ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag, at mangalalaglag ang mga bituin mula sa langit, at magsisipangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit: At kung magkagayo'y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo'y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian. At susuguin ang kaniyang mga anghel na may matinding pakakak, at kanilang titipunin ang kaniyang mga hinirang mula sa apat na hangin ng sanglibutan, mula sa isang dulo ng langit hanggang sa kabila...."At kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao.Sapagka't gaya ng mga araw bago nagkagunaw, sila'y nagsisikain at nagsisiinom, at nangagaasawa at pinapapagaasawa, hanggang sa araw na pumasok si Noe sa daong, At hindi nila nalalaman hanggang sa dumating ang paggunaw, at sila'y tinangay na lahat; ay gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao.(Mateo 24:27-31,37-39) 

DINITALYE NIYA PA NGA ANG SENARYO NG KANYANG PAGPARITO NA PARANG KIDLAT NA MULA SA SILANGAN AT MAKIKITA HANGGANG SA KANLURAN NA KUNG SAAN MAGDIDILIM ANG ARAW AT ANG BUWAN AY HINDI MAGBIBIGAY NG KANIYANG LIWANAG ,AT MANGALALAGLAG ANG MGA BITUIN MULA SA LANGIT AT MAGSISIPANGATAL ANG MGA KAPANGYARIHAN SA MGA LANGIT ,AT LILITAW ANG TANDA NG ANAK NG TAO AT ANG MGA ANGKAN SA LUPA AY MAGSISITAGHOY AT MAKIKITA NILA ANG PANGINOONG JESUS AY NAPARITONG NASA MGA ALAPAAP NA MAY KAPANGYARIHAN AT DAKILANG KALUWALHATIAN AT KANYANG SUSUGUIN ANG KANYANG MGA ANGHEL NA MAY MATINDING PAKAKAK AT KANILANG TITIPUNIN ANG KANIYANG MGA HINIRANG SA APAT NA HANGIN NG SANGLIBUTAN MULA SA ISANG DULO HANGGANG SA KABILA .BINIGAY RIN NG PANGINOON ANG SENARYO NA GINAGAWA NG MGA TAO SA ARAW NA YAON BAGO ANG ARAW AT ORAS NA KUNG SAAN ITINULAD NIYA ITO SA PANAHON NI NOE BAGO ANG BAHANG GUNAW NA DUMATING NA KUNG SAAN NAGSISIKAIN AT NAGSISIINOM ,AT NANGAGAASAWA AT PINAPAPAGAASAWA HANGGANG SA SA ARAW NA PUMASUK SI NOE SA DAONG AT SUMAPIT ANG GUNAW . 

ALAM NG ATING PANGINOONG JESUS ANG MAGAGANAP SA ARAW AT ORAS NG KANYANG PAGPARITO AT NG KATAPUSAN NG SANLIBUTAN ?NGAYON ANG TANONG NATIN?

KUNG ALAM NIYA BAKIT NIYA SINABI NA ANG ARAW AT ORAS AY WALANG MAKAKAALAM KAHIT ANG MGA ANGHEL SA LANGIT ,KAHIT ANG ANAK ,KUNDI ANG AMA LAMANG. 

Nguni't tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang.(Mateo 24:36) 

NANGANGAHULUGAN BA ITO NA HINDI ALAM NG ANAK 0 NG ATING PANGINOONG JESUS KRISTO ANG ARAW AT ORAS ??? 

HINDI PO -----ALAM NG ANAK ANG ARAW AT ORAS NG KANYANG PAGPARITO AT NG KATAPUSAN NG SANLIBUTAN SAPAGKAT SIYA MISMO ANG PAPARITO SA ARAW AT ORAS NA YAN.(JN 21:17) HINDI NAMAN KALABISAN SA ANAK NA ILIHIM NIYA ANG ARAW AT ORAS NA YAON SA KANYANG MGA ALAGAD SAPAGKAT ANG DIOS AY MAY KAKAYAHANG MAGLIHIM NG ALAM NIYA NA PARANG HINDI NIYA ALAM (GEN.3:9-11,JOB 1:7). 

INILIHIM NG ANAK O NG ATING PANGINOONG JESU KRISTO ITO SA KANYANG MGA ALAGAD KASI TALASTAS NG PANGINOON ANG PUSO NG MGA ITO .(JN.2:24) KASI KUNG SASABIHIN YON PANGINOON NA ALAM NIYA ITATANONG NG MGA ALAGAD KUNG ANONG ARAW AT ORAS YON . 

PARA HINDI NA SILA MAGTANONG INILIHIM NIYA NALANG ITO NA ANG KANYANG AMA NA LAMANG ANG NAKAKAALAM NG ARAW AT ORAS. 

AT ANG ISA PANG DAHILAN NA INILIHIM ITO NG ANAK SA KANYANG MGA ALAGAD ALAM NG ATING PANGINOONG JESU KRISTO NA HINDI PARIHO ANG BAWAT ARAW AT ORAS SA LAHAT NG DAKU NG MUNDO. 

PARA SAFE WAG NIYA NG SABIHIN ANG ARAW AT ORAS KASI HINDI NAMAN MAGKAKATULAD ANG BAWAT ARAW AT ORAS SA IBAT IBANG DAKU NG MUNDO MAARING FRIDAY SA PILIPINAS HINDI FRIDAY SA IBANG DAKU ,DIBA KASI ALAM NG PANGINOON NA KUNG SASABIHIN NIYA KUKUMPLEKTO ITO SA ORAS AT ARAW SA IBANG DAKU.DAHIL HINDI LANG NAMAN ISANG LUGAR ANG ANG MAKAKA-SAKSI SA PAGPARITO NG PANGINOON KUNDI MASASAKSIHAN ITO NG LAHAT NG MATA MAGING ANG MGA NAGSIULOS SA KANYA.KAYA MAKAKASAKSI SA PAGPARITO NG PANGINOON AY BOUNG SANLIBUTAN .(MAT.13:38-39)

LOGICAL NA HINDI SABIHIN NG PANGINOON ANG ARAW AT ORAS DAHIL ALAM NG PANGINOON NA SA BOUNG MUNDO IBAT-IBA ANG ARAW AT ORAS 

Narito, siya'y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita siya ng bawa't mata, at ng nangagsiulos sa kaniya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa kaniya. Gayon din, Siya nawa.(Apoc.1:7) 

KAYA MALIWANAG NA ALAM NG PANGINOON ANG ARAW AT ORAS NG KANYANG PAGPARITO AT ANG KATAPUSAN NG SANLIBUTAN AT DARATING SIYA NA GAYA NG MAGNANAKAW SA GABI NA HINDI MO NALALAMAN AY DARATING SIYA AT ANG SABI PA NG PANGINOON "AKOY MADALING PUMAPARITO "? KUNG HINDI NIYA ALAM BAKIT NIYA SASABIHIN ITO. 

Ang sumasaksi sa mga bagay na ito ay nagsasabi, Oo: ako'y madaling pumaparito. Siya nawa: pumarito ka Panginoong Jesus. (Apoc.22:20) 

(Narito, ako'y pumaparitong gaya ng magnanakaw. Mapalad siyang nagpupuyat, at nagiingat ng kaniyang mga damit, na baka siya'y lumakad na hubad, at makita nila ang kaniyang kahihiyan.).(Apoc.16:15) 

Alalahanin mo nga kung paanong iyong tinanggap at narinig; at ito'y tuparin mo, at magsisi ka. Kaya't kung hindi ka magpupuyat ay paririyan akong gaya ng magnanakaw, at hindi mo malalaman kung anong panahon paririyan ako sa iyo.(Apoc.3:3) 

KAYA ANG TANONG NA? ALAM BA NG PANGINOON ANG ARAW AT ORAS NG KANYANG PAGPARITO AT ANG KATAPUSAN NG SALIBUTAN ?------ALAM NIYA SAPAGKAT SIYA MISMO ANG CHARACTER NA GAGAWA NITO.

He (Peter) said, "Lord,(Jesus) you know all things;......(JOHN 21:17)....JESUS KNOW ALL THINGS

Comments

Popular Posts