KALIKASAN TUMATALIMA SA PANGINOON


A DIOS LAMANG TUMATALIMA ANG KALIKASAN PINATUTUNAYAN NG MGA PANGYAYARI ANG PAGKA DIOS NG ATING PANGINOONG JESU CRISTO SAPAGKAT MAGING ANG MALAKAS NA UNOS NG HANGIN SA DAGAT AY TUMATALIMA NG KANIYANG SALITA . 

ANG UNOS NA HANGIN AY TUMALIMA KAY JESUS:

At pagkalulan niya sa isang daong, ay sinundan siya ng kaniyang mga alagad. At narito, bumangon ang isang malakas na bagyo sa dagat, na ano pa't inaapawan ang daong ng mga alon: datapuwa't siya'y natutulog. At nagsilapit sila sa kaniya, at siya'y ginising, na sinasabi, Panginoon, iligtas mo kami; kami'y mangamamatay. At sinabi niya sa kanila, Bakit kayo'y nangatatakot, Oh kayong kakaunti ang pananampalataya? Nang magkagayo'y nagbangon siya, at sinaway ang mga hangin at ang dagat; at humusay na totoo ang panahon. At ang mga tao ay nangagtaka, na sinasabi, Anong tao ito, na maging ang mga hangin at ang mga dagat ay nagsisitalima sa kaniya? (Mateo 8:23-27)

ANG MALAKAS NA UNOS NG HANGIN AY TUMATALIMA SA SALITA NG PANGINOON.

Purihin ninyo ang Panginoon. Purihin ninyo ang Panginoon mula sa mga langit: purihin ninyo siya sa mga kaitaasan...."Apoy at granizo, nieve at singaw; unos na hangin, na gumaganap ng kaniyang salita: (Awit 148:1,8)

Comments

Popular Posts