KRISTO PASADO TAWAGING DIOS SA SUKATAN NG DIOS



May malalabag ba  sa utos ng Dios Ama kung maniniwala ang isang tao na si Kristo ay Dios?


Kung gagamitin natin ang pamantayan ng Dios walang may malalabag sa utos ng Dios 

Ano patunay natin:


"Aking sinabi, Kayo'y mga dios, at kayong lahat ay mga anak ng Kataastaasan. (Awit 82:6)


Dito maliwanag na tinatawag ng Panginoon na mga dios ang lahat ng mga anak ng Kataastaasan ngayon mas may lalong may karapatan si Kristo matawag na Dios 

sa dahilang si Kristo ay Anak ng Kataastaasan 


"At narito, maglilihi ka sa iyong tiyan, at manganganak ka ng isang lalake, at tatawagin mo ang kaniyang pangalang JESUS. Siya'y magiging dakila, at tatawaging Anak ng Kataastaasan:.."(Luc.1:31-32)



Kaya safe na maniwala o tawaging Dios si Kristo dahil anak siya ng Kataastaasan ,at ang Anak ng kataastaasan tinatawag na dios.

Si Kristo ang SALITA Ng Dios?


"At nakita kong bukas ang langit; at narito, ang isang kabayong maputi, at yaong nakasakay dito ay tinatawag na Tapat at Totoo; at sa katuwiran siya'y humahatol at nakikipagbaka.At ang kaniyang mga mata ay ningas ng apoy, at sa kaniyang ulo ay maraming diadema; at siya'y may isang pangalang nakasulat, na sinoman ay di nakaaalam kundi siya rin. At siya'y nararamtan ng damit na winisikan ng dugo: at ang kaniyang pangalan ay tinatawag na Ang Verbo ng Dios. At ang mga hukbong nasa langit ay sumusunod sa kaniya na mga nakasakay sa mga kabayong puti, at nangararamtan ng mahalagang linong maputi at dalisay. At sa kaniyang bibig ay lumalabas ang isang tabak na matalas, upang sa pamamagitan nito'y sugatan niya ang mga bansa: at kaniyang paghaharian ng tungkod na bakal: at niyuyurakan niya ang pisaan ng ubas ng kabangisan ng kagalitan ng Dios na Makapangyarihan sa lahat. At siya'y mayroong isang pangalang nakasulat sa kaniyang damit at sa kaniyang hita, HARI NG MGA HARI AT PANGINOON NG MGA PANGINOON. (Apoc.19:11-16)

At ang Bawat Dinatnan ng salita ng Dios ay tinatawag na dios.

"Sinagot sila ni Jesus, Hindi baga nasusulat sa inyong kautusan, Aking sinabi, Kayo'y mga dios?Kung tinawag niyang mga dios, yaong mga dinatnan ng salita ng Dios (at hindi mangyayaring sirain ang kasulatan), (Juan 10:34-35)

Kung ang dinatnan lang ng salita ng Dios tinatawag na Dios mas may lalong karapatan si Kristo sapagkat siya mismo ang SALITA NG DIOS ang kanyang PANGALAN tatawaging ang SALITA NG DIOS.

Siya Ang Salita ng Dios na nagkatawang tao ang bugtong na Anak ng Dios na kasama ng Dios sa pasimula na pamamagitan niya ay ginawa ang lahat ng mga bagay at walang ginawa kung wala Siya.



"Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios. Ito rin nang pasimula'y sumasa Dios. Ang lahat ng mga bagay ay ginawa sa pamamagitan niya; at alin man sa lahat ng ginawa ay hindi ginawa kung wala siya..."At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan. (Juan 1:1-3,14)


Ang Bugtong na Anak ng Ama na sa sinapupunan ng Ama.(Juan 1:18)

Sa Greek ang Ginamit ay "Monogenes Theos" Only Beggoten God " μονογενὴς Θεὸς" [Bukod-tangi Pinanganak na Dios ] o Dios Anak.


Ang "Dios Anak" na pangalan ay ang SALITA ng Dios sa pasimula.siya ang bugtong na  Anak ng Ama.(Kaw.30:4)mula sa walang pasimula.(Isaias 63:16)


Jn 1:18 [Ang Salita ng Dios] “Wala pang nakakita sa DIOS AMA kahit kailan, ngunit ipinakilala siya sa atin ng DIOS ANAK, ang kaisa-isang Anak na nasa piling ng Ama.”


Jn 1:18 [Biblia Ng Sambayanang Pilipino] Kailanma’y walang sinumang nakakita sa Diyos; ang Diyos na Anak na bugtong siyang nasa kandungan ng Ama – ang nagpahayag sa kanya.

Na bagamat nasa likas at tunay na "Dios" ay hindi niya ipinagpilitang manatiling kapantay ng Dios sa halip  kusa niyang hinubad ang pagiging kapantay ng Dios at naging katulad ng isang alipin  at pinanganak siyang tulad ng isang karaniwang tao.


 "Nawa'y magkaroon kayo ng kaisipan na tulad ng kay Cristo Jesus.Kahit siya'y likas at tunay na Diyos,hindi niya ipinagpilitang manatiling a kapantay ng Diyos.Sa halip, kusa niyang hinubad ang pagiging kapantay ng Diyos,at naging katulad ng isang alipin.Ipinanganak siyang tulad ng mga karaniwang tao.At nang si Cristo'y maging tao,(Filipos 2:5-7 Magandang Balita Biblia)

Kaya si Kristo pinapasamba dahil siya ay Dios?Dahil Dios lamang ang dapat sambahin.



"Nang magkagayo'y sinabi sa kaniya ni Jesus, Humayo ka, Satanas: sapagka't nasusulat, Sa Panginoon mong Dios sasamba ka, at siya lamang ang iyong paglilingkuran. (Mat.4:10)

Kaya inutos ng Dios Ama na Sambahin si Kristo ng Lahat niyang nilalang maging ito ay anghel o Tao upang sa Pangalan ni Jesus ay iluhod ang lahat ng tuhod.



"At muli nang dinadala niya ang panganay sa sangkalupaan ay sinasabi, At sambahin siya ng lahat ng mga anghel ng Dios. (Heb.1:6)

"Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang lahat ng tuhod, ng nangasa langit, at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa, At upang ipahayag ng lahat ng mga dila na si Jesucristo ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Dios Ama. (Fil.2:10-11)

Dahil dito ang sinomang sumampalataya at kumilala na si Kristo ay Dios ay hindi hahatulan sa Harap ng luklukan ng Dios Ama.(Rom.8:1) sapagkat Justified ito ayon sa panukat na ang Anak ng Kataastaasan ay tinatawag na dios.kaya walang pangamba kung tatawagin nating Dios si Kristo sa dahilang hindi naman diosdiosan si Kristo kundi siya ang Bugtong na Anak ng Amang Dios.

Na isugo ng Ama bumaba mula sa Langit upang gawin ang kalooban ng Amang nagsugo sa kanya.(Juan 6:38,Gal.4:6)upang matupad ang hula na inihula ni Propeta Amos na darating ang Panginoon sa Israel at yayapak sa lupa.

Kaya't ganito ang gagawin ko sa iyo, Oh Israel; at yamang aking gagawin ito sa iyo, humanda kang salubungin mo ang iyong Dios, Oh Israel. Sapagka't, narito, siyang nagaanyo ng mga bundok, at lumilikha ng hangin, at nagpapahayag sa tao kung ano ang kaniyang pagiisip; na nagpapadilim ng umaga, at yumayapak sa mga mataas na dako ng lupa, ang Panginoon, ang Dios ng mga hukbo ay siya niyang pangalan.(Amos 4:12-13)

Dahil Anak ng Dios tunay na Dios.(1 Juan 5:20)kaya nung magkatawang tao.(Juan 1:1-3,14,Fil.2:5-7,1 Tim.3:16) tinawag siyang Dios na Makapangyarihan.

"Sapagka't sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalake; at ang pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat: at ang kaniyang pangalan ay tatawaging Kamanghamangha, Tagapayo, Makapangyarihang Dios, Walang hanggang Ama, Pangulo ng Kapayapaan. (Isaias 9:6)

Comments

Popular Posts