ANO ANG IBIG SABIHIN NG PANGINOONG JESUS NA ANG ESPIRITU WALANG LAMAN AT MGA BUTO




May isang Nagtanong sa atin kung Ano daw ang Ibig sabihin ng sinabi ni Kristo na ang espiritu ay walang laman at mga buto?Patunay ba ito na hindi si Dios si Kristo?Totoo ba na espiritu na tinutukoy ng talata ay ang Dios? Totoo bang na ang Dios hindi pwede makita ng mata.


Ngayon ating isa-isahing sasagutin:Una alamin natin Ano ba ang kalagayan ng tunay na Dios.

Ito ang sagot ng Banal na Kasulatan;

"Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya'y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan. (Juan 4:24)

Ang kalagayan ng Dios ay Espiritu kaya ang nagsisisamba sa Dios kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan dahil ang Dios ay espiritu.

Ngayon Kontradiksyon ba ito sa sinabi ng Panginoon Jesu kristo na ang espiritu ay walang laman at buto gaya ng sa kanya. na ibig sabihin ng Panginoon na siya ay may laman at mga buto samantala ang espiritu ay walang laman at buto. ito talata na kanilang ginamit.

"At sila'y nagsitindig sa oras ding yaon, at nangagbalik sa Jerusalem, at naratnang nangagkakatipon ang labingisa, at ang kanilang mga kasama. Na nangagsasabi, Tunay na nagbangong muli ang Panginoon, at napakita kay Simon, At isinaysay nila ang mga bagay na nangyari sa daan, at kung paanong siya'y nakilala nila nang pagputolputulin ang tinapay.At samantalang kanilang pinaguusapan ang mga bagay na ito, siya rin ay tumayo sa gitna nila, at sa kanila'y nagsabi, Kapayapaa'y suma inyo. Datapuwa't sila'y kinilabutan, at nangahintakutan, at inakala nila na nakakakita sila ng isang espiritu.At sinabi niya sa kanila, Bakit kayo'y nangagugulumihanan? at bakit nangyayari ang pagtatalo sa inyong puso? Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin. At pagkasabi niya nito, ay ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang mga paa. (Luc.24:33-40) 

Una hindi ito tumutukoy sa Dios lamang sa dahilan hindi lang Dios ang may kalagayang espiritu kundi maging ang mga Anghel ng Dios ay nasa kalagayang espiritu rin .(Heb.1:7,14)maging mga karumaldumal na espiritu o mga demonyo ito nasa kalagayang espiritu rin.(Mat.12:43-45,Apoc.16:14) 

At ng panahong sinabi ito ng Panginoon Jesu Kristo ang Panginoon ay nasa kalagayan nasa maluwalhating katawang maka-langit o katawang ukol sa espiritu.(1 Cor.15:40,44) kaya nga Kahit sa silid na sarado ay tumatagos ang panginoon.(Juan 20:19) ito ang katawan ukol sa espiritu may Laman at Buto ito na hindi tulad sa laman at mga buto ng karaniwang tao. ito ay katawan at buto na gaya sa Panginoon.(Fil.3:20-21).ito rin ang katawan na taglay ng mga anghel.(Luc.20:36,Mat.22:30) 

Tinaglay ito ng Panginoon Jesus ng mabuhay siya mag uli sa mga patay. na pinatay sa laman ngunit binuhay sa espiritu.(1 Ped.3:18)kaya sinabi ng Panginoon na may laman siya at mga buto na tinutukoy niyang laman at mga buto ay hindi karaniwang laman at buto kundi laman at buto na ukol sa espiritu. 

Ito ngayon ang napagkamalian ng mga INC 1914 akala nila ay ordinaryong laman at buto ito. pero hindi ito karaniwang laman at buto ito ay laman at mga buto na katawang ukol sa espiritu. 

At ito ay pwedi makita at pwedi mahipo sapagkat ang kalagayang espiritu ng mga anghel ay kahalintulad nito. 

At ang isang Anghel na espiritu ay pwedi makita at pwedi mahipo kung naisin nilang magpakita at magpahipo.(Gen.18:1-8,Gen.32:22-30,Hukom 13:3-21,Luc.1:11-13,26-30)maraming tagpo sa loob ng Banal na kasulatan na ang mga anghel na espiritu ay nagpapakita sa mga tao o mga lingkod ng Dios.

Kaya kung pwedi magpakita ang anghel na espiritu pwedi rin magpakita ang Panginoon at ang patunay maraming mga pagkakataon o tagpo na nagpakita ang Dios sa kanyang mga lingkod.(Gen.35:7,9)

halimbawa ang Panginoon nagpakita sa Patriarkang si Abraham.

" At nang si Abram ay may siyam na pu't siyam na taon, ay napakita ang Panginoon kay Abram, at sa kaniya'y nagsabi, Ako ang Dios na Makapangyarihan sa lahat lumakad ka sa harapan ko, at magpakasakdal ka. At ako'y makikipagtipan sa iyo at ikaw ay aking pararamihing mainam. At nagpatirapa si Abram: at ang Dios ay nakipagusap sa kaniya, na sinasabi, Tungkol sa akin, narito, ang aking tipan ay sumasaiyo, at ikaw ang magiging ama ng maraming bansa. At hindi na tatawagin ang pangalan mong Abram, kundi Abraham ang magiging iyong pangalan; sapagka't ikaw ay ginawa kong ama ng maraming bansa. At ikaw ay aking gagawing totoong palaanakin at papanggagalingin ko sa iyo ang mga bansa; at magbubuhat sa iyo ang mga hari.At aking papagtitibayin ang aking tipan sa iyo at sa iyong binhi pagkamatay mo sa buong kalahian nila, na tipang walang hanggan, na ako'y magiging iyong Dios, at ng iyong binhi, pagkamatay mo. (Genesis 17:1-7)

Nagpakita rin ang Panginoong Dios kay Propeta Moses nakita ni Moses ang LIKOD NG DIOS ngunit hindi ang mukha.

"At kaniyang sinabi, Hindi mo makikita ang aking mukha: sapagka't hindi maaaring makita ako ng tao at mabuhay. At sinabi ng Panginoon, Narito, may isang dako sa tabi ko, at ikaw ay tatayo sa ibabaw ng batong iyan: At mangyayari, na samantalang ang aking kaluwalhatian ay dumadaan, na aking ilalagay ka sa isang bitak ng bato, at tatakpan kita ng aking kamay hanggang sa ako'y makaraan: At aking aalisin ang aking kamay, at iyong makikita ang aking likod: datapuwa't ang aking mukha ay hindi makikita.(Exo.33:20-23)

Nagpakita ang Panginoon kay Solomon.

"Nang gabing yaon ay napakita ang Dios kay Salomon, at nagsabi sa kaniya, Hingin mo kung ano ang ibibigay ko sa iyo. At sinabi ni Salomon sa Dios, Ikaw ay nagpakita ng malaking kagandahang loob kay David na aking ama, at ginawa mo akong hari na kahalili niya. (2 Cro.1:7-8) 

Ngayon ito ba ay Kontradiksyon sa sinabi ng Panginoon Jesu Cristo na walang taong may nakakita kailan man sa Dios.

"Walang taong nakakita kailan man sa Dios; ang bugtong na Anak, na nasa sinapupunan ng Ama, siya ang nagpakilala sa kanya. (Juan 1:18)

Hindi po!!!! 

Sapagkat ang nakita ni Abraham ,ni propeta Moses at ni Solomon ay Hindi ang Dios Ama sapagkat ang Anyo ng Dios  AMA ay hindi pa nakita ng sinomang Tao.(Juan 5:37) kundi ang nakita nila ay ang  Panginoong Jesu Kristo ang Anak ng Dios na buhay.(Dan.3:25) na nuon pa man ay espiritong gumagabay na at nagtuturo sa mga Propeta ng Dios ng una. 

"Tungkol sa pagkaligtas na ito ay nagsikap at nagsiyasat na maigi ang mga propeta, na nangagsihula tungkol sa biyayang dadating sa inyo: Na sinisiyasat ang kahulugan kung ano at kailang panahon itinuro ng Espiritu ni Cristo na sumasa kanila, nang patotohanan nang una ang mga pagbabata ni Cristo, at ang mga kaluwalhatiang hahalili sa mga ito. (1 Ped.1:10-11) 

Dito maliwanag kahit sa panahon ng mga mga magulang hanggang sa panahon ng mga propeta ang Panginoong Jesu Kristo ay nagpapakita na at nagtuturo sa mga lingkod ng Dios si Amang Abraham nakita niya ang araw ng Panginoon at natuwa. 

Nagalak ang inyong amang si Abraham na makita ang aking araw; at nakita niya, at natuwa.Sinabi nga sa kaniya ng mga Judio, Wala ka pang limangpung taon, at nakita mo si Abraham?Sinabi sa kanila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Bago ipinanganak si Abraham, ay ako nga. (Juan 8:56-58) 

Si Kristo ang AKO NGA na ang araw ay nakita ni Abraham at siya ay natuwa na ang ARAW ay mula ng magkaroon ng araw. 

Kayo'y aking mga saksi, sabi ng Panginoon, at aking lingkod na aking pinili: upang inyong maalaman at magsisampalataya kayo sa akin, at inyong matalastas na ako nga; walang Dios na inanyuan na una sa akin, o magkakaroon man pagkatapos ko.Ako, sa makatuwid baga'y ako, ang Panginoon; at liban sa akin ay walang tagapagligtas....."Oo, mula nang magkaroon ng araw ay ako nga; at walang sinomang makapagliligtas sa aking kamay: ako'y gagawa, at sinong pipigil?Ganito ang sabi ng Panginoon, na inyong Manunubos, na Banal ng Israel,..."(Isaias 43:10-11,13-14) 

na dumating ang Panahon na isinugo ito ng Ama sa sanlibutan.(Juan 3:16)upang sa pagkahayag ng Anak ng Dios ay mawasak ang gawa ng diablo.(1Juan 3:8) 

"... ay sinugo ng Dios ang Espiritu ng kaniyang Anak sa ating mga puso, na sumisigaw, Abba, Ama.(Gal.4:6) 

Dito maliwana bago magkatawang tao ang Anak ng Dios.(Juan 1:1-3,14,Fil.2:6-7,1Tim.3:16) ito ay nasa kalagayang espiritu gaya ng Dios sapagkat ang Dios ay espiritu,gayon din ang Anak.(Juan 4:23-24)

Ang patunay pinaghanda siya ng Ama ng Katawan ng pumarito siya sa sanlibutan.at inihanda ang kanyang Daan ng isang Tinig na sumisigaw sa ilang na walang iba kundi si Juan Bautista.(Mat.3:1-3) 

Kaya't pagpasok niya sa sanglibutan, ay sinasabi, Hain at handog ay hindi mo ibig. Nguni't isang katawan ang sa akin ay inihanda mo;(Heb.10:5) 

Sapagka't ito yaong sinalita sa pamamagitan ng propeta Isaias, na nagsasabi, Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang, Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon, Tuwirin ninyo ang kaniyang mga landas.(Mateo 3:3) 

At ng maipaghanda ng katawan at inihanda rin ang kanyang Daan para sa kanyang pagkakatawang tao na mabubuo sa sinapupunan ng isang dalaga: 

"As thou knowest not what is the way of the SPIRIT, nor how the bones do grow in the womb of her that is with child:(Eccle.11:5) 

Na Ipinanganak ng isang dalaga na ang kanyang pangalan ay tatawagin Immanuel na kung liliwanagin ay sumasa atin ang Dios sapagkat Tunay na Anak ng Dios na buhay ay Sumasa atin.(Juan 1:18,14)o nagkatawag tao ang Bugtong na Anak ng Dios na siya ang sinag ng kaluwalhatian ng Ama ,ang Larawan ng kanyang pagka -Dios.(Hebreo 1:2-3) 

"Therefore the Lord himself shall give you a sign; Behold, a virgin shall conceive, and bear a son, and shall call his name Immanuel.(Isaiah 7:14) 

And she shall bring forth a son, and thou shalt call his name JESUS: for he shall save his people from their sins.Now all this was done, that it might be fulfilled which was spoken of the Lord by the prophet, saying,Behold, a virgin shall be with child, and shall bring forth a son, and they shall call his name Emmanuel, which being interpreted is, God with us.(Mateo 1:21-23) 

Sapagka't sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalake; at ang pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat: at ang kaniyang pangalan ay tatawaging Kamanghamangha, Tagapayo, Makapangyarihang Dios, Walang hanggang Ama, Pangulo ng Kapayapaan.(Isaias 9:6) 

Comments

Popular Posts