JUAN 8:40
Isa sa mga ginagamit ng mga tao na hindi naniniwala sa pagiging Dios ni Cristo ay ang "Juan 8:40" ito ay malimit na ginagamit ng mga INC 1914 at ng mga Muslim para patunayan na hindi Dios si Cristo kundi "TAO"tama ba ang kanilang pag unawa sa nabanggit na talata ito ngayon ang ating pag-aaralan ,kung ano ang kahulugan ng talatang ito.
"Datapuwa't ngayo'y pinagsisikapan ninyo akong patayin, na taong sa inyo'y nagsaysay ng katotohanan, na aking narinig sa Dios: ito'y hindi ginawa ni Abraham.(Juan 8:40)
Ayon sa mga gumagamit sa talatang ito dito daw ay inamin ni Cristo na siya ay "TAO" na nagsasaysay ng katotohanan na kaniyang narinig sa Dios ? Hindi daw siya ang Dios kundi siya ay tao na nagsasaysay ng katotohanan na narinig niya sa Dios.kaya ang sa congclution nila tao si Cristo ?Tama ba ganitong pag unawa sa talata.
Ngayon titignan natin ang boung Kontexto ng talata sa kabuhuan kung bakit ito sinabi ni Cristo kaya sisimulan natin sa boud ng pangyayari .
Muli ngang nagsalita sa kanila si Jesus, na sinasabi, Ako ang ilaw ng sanglibutan: ang sumusunod sa akin ay hindi lalakad sa kadiliman, kundi magkakaroon ng ilaw ng kabuhayan. Sinabi nga sa kaniya ng mga Fariseo, Nagpapatotoo ka sa iyong sarili; hindi totoo ang patotoo mo. Sumagot si Jesus at sa kanila'y sinabi, Bagama't ako'y nagpapatotoo sa akin din, ay totoo ang aking patotoo; sapagka't nalalaman ko kung saan ako nanggaling, at kung saan ako paroroon; datapuwa't hindi ninyo nalalaman kung saan ako nanggaling, o kung saan ako paroroon. Nagsisihatol kayo ayon sa laman; ako'y hindi humahatol sa kanino mang tao. Oo, at kung ako'y humahatol, ang hatol ko'y totoo; sapagka't hindi ako nagiisa, kundi ako at ang Ama na nagsugo sa akin. Oo, at sa inyong kautusan ay nasusulat, na ang patotoo ng dalawang tao ay totoo. Ako ang nagpapatotoo sa akin din, at ang Amang nagsugo sa akin ay nagpapatotoo sa akin. Sa kaniya nga'y kanilang sinabi, Saan naroroon ang iyong Ama? Sumagot si Jesus, Hindi ninyo nakikilala ako, ni ang aking Ama: kung ako'y inyong makilala, ay makikilala rin ninyo ang aking Ama. Sinalita niya ang mga salitang ito sa dakong kabang-yaman, nang nagtuturo siya sa templo: at walang taong humuli sa kaniya; sapagka't hindi pa dumarating ang kaniyang oras. Muli ngang sinabi niya sa kanila, Yayaon ako, at ako'y inyong hahanapin, at mangamamatay kayo sa inyong kasalanan: sa aking paroroonan, ay hindi kayo mangakaparoroon. Sinabi nga ng mga Judio, Siya kaya'y magpapakamatay, sapagka't kaniyang sinabi, Sa aking paroroonan, ay hindi kayo mangakaparoroon. At sa kanila'y kaniyang sinabi, Kayo'y mga taga ibaba; ako'y taga itaas: kayo'y mga taga sanglibutang ito; ako'y hindi taga sanglibutang ito. Sinabi ko nga sa inyo, na kayo'y mangamamatay sa inyong mga kasalanan: sapagka't malibang kayo'y magsisampalataya na ako nga ang Cristo, ay mangamamatay kayo sa inyong mga kasalanan.(Juan 8:12-24)
Kung itaas natin ang pag-basa hindi ito nagpapatunay sa pagiging tao ni Cristo bagkus pinatunayan ni Cristo na hindi siya tao sapagkat nung tanungin ng mga escriba at fariseo ang kanyang kapamahalaan sa paghatol sinabi ni Cristo na hindi siya humahatol na mag-isa kundi kasama niya ang Ama na nagsugo sa kanya at kang paghatol ay totoo at sinabi niya na siyay hindi taga sanlibutan kundi siya ay taga itaas.
Bakit sinabi ni cristo na hindi siya taga sanlibutan bagkus siya ay taga Itaas,Ano ang ibig sabihin nito?
Sinabi sa kanila ni Jesus, Kung ang Dios ang inyong ama, ay inyong iibigin ako: sapagka't ako'y nagmula at nanggaling sa Dios; sapagka't hindi ako naparito sa aking sarili, kundi sinugo niya ako.(Juan 8:42)
Dito isinaysay ni cristo na kaya siya hindi taga sanlibutan kundi taga -itaas sapagkat siya ay nanggaling o nagmula sa Dios at isinugo ng Dios .samakatuwid hindi talaga si Cristo tao kundi siya ay MULA SA DIOS at isinugo ng Dios sa sanlibutan at bumaba mula sa langit.
Sapagka't bumaba akong mula sa langit, hindi upang gawin ko ang aking sariling kalooban, kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin.(Juan 6:38)
Kaya dito maliwanag na hindi tao si Cristo kundi siya ay nagmula sa Dios at bumaba mula sa langit para gawin ang kalooban ng Amang Dios na nagsugo sa kanya ,kaya may misyon ang pagparito ni Cristo sa sanlibutan kaya siya bumaba mula sa langit at ito ay gawin ang kalooban ng Dios Ama na nagsugo sa kanya.
Ngayon bakit sinabi ni Cristo na siya ay TAONG nagsasaysay ng katotohanan narinig niya sa Dios? Nangangahulugan ba ito na hindi siya Dios ?Ngayon ang tanong natin paano naging "TAONG " nagsasaysay si Cristo ng katotohanan narinig niya sa Dios?
Na siya, bagama't nasa anyong Dios, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios, Kundi bagkus hinubad niya ito, at naganyong alipin, na nakitulad sa mga tao:(Fil.2:6-7)
Paano naging TAONG nagsasaysay ng katotohanan si Cristo sinagot mismo ng Biblia ang dahilan na siya bagamat nasa anyong Dios.ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios bagkus hinubad niya ito at naganyong alipin ,na nakitulad sa mga tao at nasumpungan sa anyong tao (Filipos 2:8).kaya itong cristo na Anak ng Dios na buhay ay nag-anyong alipin at nakitulad sa mga tao upang saysayin sa mga tao ang katotohanan narinig niya sa Dios.
Ipinadala siya ng Ama sa sanlibutan para saysayin ang katotohanan ng Dios ito ang misyon ni Cristo kaya siya ay nagkatawang tao.(Juan 1:1,14) kaya si Cristo ay Dios o Anak ng Dios na nagkatawang tao para maging tao na magsasaysay ng katotohanan ng narinig niya sa kanyang Ama.
Ang patunay bago ipanganganak Abraham ay nanduon na si Cristo ?
Dakila ka pa baga sa aming amang Abraham, na namatay? at nangamatay ang mga propeta: sino ang ipinalalagay mo sa iyong sarili? Sumagot si Jesus, Kung niluluwalhati ko ang aking sarili, ang kaluwalhatian ko ay walang anoman: ang aking Ama'y siyang lumuluwalhati sa akin; na tungkol sa kaniya'y sinasabi ninyo, na siya'y inyong Dios; At hindi ninyo siya napagkilala: nguni't nakikilala ko siya; at kung aking sasabihin, na hindi ko siya nakikilala, ay ako'y matutulad sa inyo, na sinungaling: datapuwa't nakikilala ko siya, at tinutupad ko ang kaniyang salita. Nagalak ang inyong amang si Abraham na makita ang aking araw; at nakita niya, at natuwa.Sinabi nga sa kaniya ng mga Judio, Wala ka pang limangpung taon, at nakita mo si Abraham? Sinabi sa kanila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Bago ipinanganak si Abraham, ay ako nga.(Juan 8:53-58)
Sa anong dahilan bakit isinugo ng Diyos ang kanyang Anak?
ReplyDeleteANG TANONG DIOS BA ANG NASA ANYONG DIOS PA?
ReplyDeleteKUNG DIOS SI CRISTO HINDI NA NIYA KAILANGAN NA NASA ANYONG DIOS PA SIYA..
DIOS NA NGA DI BA?