CRISTO ISINUGO NA PROPETA AY ANAK NG DIOS "SPOKESPERSON NG AMA"
Isa sa malimit ipinapangatuwiran ng mga INC ni Manalo o ng mga Muslim kaya daw hindi Dios si Cristo dahil daw sa BIBLIA ang atingPanginoong Jesu Cristo daw ay tinawag na "SUGO NG DIOS" o "PROPETA NG DIOS" ito daw ang patunay ayon sa kanila na hindi si Cristo ang Dios.
Ito ngayon ang ating hihimayhimayin kung tama ba ang ganitong pananaw ito ba ay makatuwiran una yong salitang SUGO NG DIOS nagpapatunay ba ito hindi Dios ang ating Panginoong Jesu Cristo.
Ang salitang "SUGO" sa tamang kahulugan nito ay "IPINADALA" o isinugo sa isang misyon o tungkulin. hindi ito tumutukoy sa likas na kalagayan.
Halimbawa ang "Presidente ay nagsugo ng kanyang AMBASADOR " ang nagsugo yong "PRESIDENTE" at ang "ISINUGO " ay ang "AMBASADOR" sa kalagayan ng NAGSUGO at ang ISINUGO ,,,iisa lang kanilang kalagayan "ang PRESEDENTE ay TAO ang kalagayan at ang "isinugo na "AMBASADOR " ay TAO rin ang kalagayan sa pagiging TAO pareho silang TAO,,,Biologically pareho silang tao.
Ang magkaiba lang sa kanila ay ang tungkulin na ginampanan ang na isa ay gumaganap ng tungkuling PRESIDENTE at ang isa naman ay AMBASADOR.
Kaya hindi nakakabawas ng kalagayan ang pagiging "SUGO"Lalo na kung nagsugo at ang isinugo ay pareho ng kalagayan
Halimbawa :May Ama na isinugo ang Anak niya na bumili ng suka nawala ba kalagayan ng Anak bilang tao ng isinugo siya ng kanyang Amang tao .HINDI NAMAN ,,
Ngayon itatanong nalang natin "ANONG URI NG PAGKA SUGO ang ating Panginoong Jesu Cristo kasi maraming isinusugo ang Dios ,Pwede magsugo ang Dios ng anghel ,pwede magsugo ang Dios ng mga bagay na kanyang naisin isugo.
"Sinugo niya ang kaniyang SALITA, at pinagaling sila, at iniligtas sila sa kanilang mga ikapapahamak.(Awit 107:20)
Pansinin ninyo "ISINUGO NG DIOS ANG KANIYANG SALITA" dito maliwanag na ang Salita ng Dios ay isinusugo mismo ng DIOS? Ngayon ano itong SALITA na isinususugo ng Dios .
Nang pasimula ay naroon na ang Salita; ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos. Sa pasimula ay kasama na siya ng Diyos. Nilikha ang lahat ng bagay sa pamamagitan niya, at walang anumang nalikha nang hindi sa pamamagitan niya. Ang nilikha.(Juan 1:1-3 MBB)
Dito maliwanag na itong SALITA na isinusugo ng Dios ito ay naroon na sa pasimula at kasama ng Dios at ang SALITA AY DIOS
Sino ito'ng Salita na kasama ng Dios sa pasimula na...na ayon kay Apostol Juan na itong SALITA ay "DIOS"?
"At nagkatawang-tao ang SALITA, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan...."Walang taong nakakita kailan man sa Dios; ang bugtong na Anak, na nasa sinapupunan ng Ama, siya ang nagpakilala sa kanya.(Juan 1:14,18)
Ito pala ang Bugtong na Anak ng Dios.(Juan 1:18) na kasama ng Dios Ama sa pasimula na ang pangalan ay ang SALITA NG DIOS.(Apoc. 19:11-16)
Sino ang sumampa sa langit, at bumaba? Sino ang pumisan ng hangin sa kaniyang mga dakot? Sinong nagtali ng tubig sa kaniyang kasuutan? Sinong nagtatag ng lahat ng mga wakas ng lupa? Ano ang kaniyang pangalan, at ano ang pangalan ng kaniyang anak kung iyong nalalaman?(Kaw.30:3-4)
Maliwanag na ang ANAK NG DIOS o ang BUGTONG na ANAK ang tinutukoy na ang SALITA ay DIOS. na ito rin ang Nagkatawang tao at tumahan sa GITNA NG MGA TAO.(1 Samuel 20:42,Zac.2:8-10,Juan 1:1-3,14)Ang Dios Anak o ang Anak ng Dios na nahayag sa Laman.(1Tim.3:16)o sumasa Laman.(Jusua 1:9,Col.2:9)
"....gaya ng sabi ng Dios, Mananahan ako sa kanila, at lalakad ako sa kanila; at ako'y magiging kanilang Dios, at sila'y magiging aking bayan. (2 Cor.6:16)
At nagkatawang-tao ang Salita, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan.(Juan 1:14)
"Nguni't katotohanan bang ang Dios ay tatahang kasama ng mga tao sa lupa?(2Cro.6:18)
Dahil nagkatawang tao ipinaglihi ng isang dalaga at naganap ang hula na ang isang dalaga ay maglilihi at manganganak ng isang lalake at tatawagin ang kaniyang pangalan na Emmanuel na kung liliwanagin, ay sumasa atin ang Dios.(Mat.1:22-23) na tumahan sa gitna natin.
Kaya't ang Panginoon nga ay magbibigay sa inyo ng tanda; narito, isang dalaga ay maglilihi, at manganganak ng isang lalake, at tatawagin ang kaniyang pangalan na Emmanuel.(Isaias 7:14)
Sapagat itong ipapanganak ng dalaga ay ang ay ang Makapangyarihang Dios na Anak ng Kataastaasang Ama.(Luc.1:31-32)
Sapagka't sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalake; at ang pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat: at ang kaniyang pangalan ay tatawaging Kamanghamangha, Tagapayo, Makapangyarihang Dios, Walang hanggang Ama, Pangulo ng Kapayapaan.(Isaias 9:6)
At dumating ang panahon isinugo ng Amang Dios ang kanyang Anak sa sanlibutan.(1Juan 4:10,14) upang ang sanlibutan ay sumamplataya sa kanya at magkaroon ng buhay na walang hanggan.
Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Sapagka't hindi sinugo ng Dios ang Anak sa sanglibutan upang hatulan ang sanglibutan; kundi upang ang sanglibutan ay maligtas sa pamamagitan niya.(Juan 3:16-17)
Dahil dito isinugo si Cristo bilang PROPETA at ang pag-dating ng dakilang propetang ito ay ang PAGDALAW NG DIOS sa kanyang bayan upang ang kanyang bayan ay iligtas sa kanilang kasalanan.(Mat.1:21)
At nangyari pagkatapos ng kaunting panahon, na siya'y naparoon sa bayan na tinatawag na Nain; at kasama niya ang kaniyang mga alagad, at ang lubhang maraming tao. At nang siya nga'y malapit na sa pintuan ng bayan, narito, inilalabas ang isang patay, bugtong na anak na lalake ng kaniyang ina, at siya'y bao: at kasama niya ang maraming tao na taga bayan. At pagkakita sa kaniya ng Panginoon, siya'y kinahabagan niya, at sinabi sa kaniya, Huwag kang tumangis. At siya'y lumapit at hinipo ang kabaong: at ang nangagdadala ay tumigil. At sinabi niya, Binata, sinasabi ko sa iyo, Magbangon ka. At naupo ang patay, at nagpasimulang magsalita. At siya'y ibinigay niya sa kaniyang ina. At sinidlan ng takot ang lahat: at niluluwalhati nila ang Dios, na sinasabi, Lumitaw sa gitna natin ang isang dakilang propeta: at, dinalaw ng Dios ang kaniyang bayan.(Luc.7:11-16)
Na kung saan lumitaw sa gitna natin ang isang DAKILANG PROPETA at dinalaw ng Dios ang kaniyang Bayan ...kaya ang paglitaw nitong Dakilang Propeta na ito ay siya ring pagdalaw ng Dios sa kanyang bayan samakatuwid itong dakilang propeta na ito ay ang Dios na dumalaw sa kaniyang bayan dahil ang DAKILANG PROPETANG ito ay HIGIT kay sa isang PROPETA ito ay PANGINOON na paparito na ipaghahanda ang kanyang daan.
Datapuwa't ano ang nilabas ninyo? upang makita ang isang propeta? Oo, sinasabi ko sa inyo, at lalo pang higit kay sa isang propeta. Ito yaong tungkol sa kaniya'y nasusulat, Narito, sinusugo ko ang aking sugo sa unahan ng iyong mukha, Na maghahanda ng iyong daan sa unahan mo. (Mateo 11:9-10)
At ito ay pinagpauna ng Banal na Kasulatan na TUNAY NA DADALAWIN NG DIOS ANG MGA ANAK NI ISRAEL natupad ito sa pagparito ng ANAK NG DIOS.
"At ipinasumpa ni Jose sa mga anak ni Israel, na sinasabi, Tunay na dadalawin kayo ng Dios,..(Gen.50:25)
Pagka binubulay ko ang iyong mga langit, ang gawa ng iyong mga daliri, ang buwan at ang mga bituin na iyong inayos;Ano ang tao upang iyong alalahanin siya? At ang anak ng tao, upang iyong dalawin siya?(Awit 8:3-4)
Na kung saan dinalaw ng Dios ang tao o ang anak ng tao upang ilagak sa tao ang kaniyang puso at nagkatawang tao.(Juan 1:14,Heb.2:6-9) at naparitong nasa laman.
Ano ang tao, na iyong palalakhin siya, at iyong ilalagak ang iyong puso sa kaniya, At iyong dadalawin siya tuwing umaga, at susubukin siya sa tuwi-tuwina? (Job 7:17-18)
"...ang mga hindi nangagpapahayag na si Jesucristo ay napariritong nasa laman..."(2 Juan 7)
Tunay na ang isang Manunubos ay paparoon sa Sion at sa kanila na nangaghihiwalay sa Jacob ng pagsalangsang upang iligtas sila sa kanilang kasalanan.
At isang Manunubos ay paroroon sa Sion, at sa kanila, na nangaghihiwalay sa Jacob ng pagsalangsang, sabi ng Panginoon.(Isaias 59:20)
Sapagka't ito yaong sinalita sa pamamagitan ng propeta Isaias, na nagsasabi, Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang, Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon, Tuwirin ninyo ang kaniyang mga landas.(Mateo 3:3)
Oo at ikaw, sanggol, tatawagin kang propeta ng kataastaasan; Sapagka't magpapauna ka sa unahan ng mukha ng Panginoon, upang ihanda ang kaniyang mga daan; Upang maipakilala ang kaligtasan sa kaniyang bayan, Sa pagkapatawad ng kanilang mga kasalanan, Dahil sa magiliw na habag ng aming Dios, Ang pagbubukang liwayway buhat sa kaitaasan ay dadalaw sa atin.(Luc.1:76-78)
Nguni't mangatuwa ang matuwid; mangagalak sila sa harap ng Dios: Oo, mangagalak sila ng kasayahan. Kayo'y magsiawit sa Dios, kayo'y magsiawit ng kapurihan sa kaniyang pangalan: ipaghanda ninyo ng maluwang na lansangan siya na nangangabayo sa mga ilang; ang kaniyang pangalan ay JAH; at mangagalak kayo sa harap niya..."Oh Dios, nang ikaw ay lumabas sa harap ng iyong bayan, nang ikaw ay lumakad sa ilang;(Awit 68:3-4,7)
Nangyari nga ito, upang matupad ang sinalita sa pamamagitan ng propeta, na nagsasabi,Sabihin ninyo sa anak na babae ng Sion: Narito, ang Hari mo'y pumaparito sa iyo, Na maamo, at nakasakay sa isang asno, At sa isang batang asno na anak ng babaing asno.(Mateo 21:4-5)
Kaya isa sa mga titulo ng ating Panginoong Jesus cristo ay ang "DAKILANG PROPETA" ngunit hindi siya BASTA PROPETA lang siya ay higit pa sa kay sa propeta (Luc 7:26)siya Anak ng Dios.(Juan 3:16) na nagkatawang tao o nag anyong tao at nakitulad sa tao.(Juan 1:14,Fil.2:5-8) na sa pamamagitan ng Anak ay nagsasalita ang Ama sa huling araw na ito siya ang itinalaga ng Ama na maging PROPETA o TAGAPAGSALITA ng AMA na dapat pakikinggan ng tao..
Nevi'im In Hebrew, the word נָבִיא (navi), "spokesperson", traditionally translates as "prophet"
Kaya sa literal na kahulugan ng salitang "PROPETA" ay SPOKES PERSON si Cristo bilang Sinisintang Anak ng AMA ay isinugo ng kanyang Ama sa sanlibutan para maging TAGAPAGSALITA ng DIOS AMA sa mga tao at sa kanya tayo makikinig.
Ay nagsalita sa atin sa mga huling araw na ito sa pamamagitan, ng kaniyang Anak, na siyang itinalaga na tagapagmana ng lahat ng mga bagay, na sa pamamagitan naman niya'y ginawa ang sanglibutan; Palibhasa'y siyang sinag ng kaniyang kaluwalhatian, at tunay na larawan ng kaniyang pagka-Dios, at umaalalay ng lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng salita ng kaniyang kapangyarihan, nang kaniyang magawa na ang paglilinis ng mga kasalanan, ay lumuklok sa kanan ng Karangalan sa kaitaasan;(Hebreo 1:2-3)
At pagkaraan ng anim na araw, ay isinama ni Jesus si Pedro, at si Santiago, at si Juan na kapatid niya, at sila'y dinalang bukod sa isang mataas na bundok: At nagbagong-anyo siya sa harap nila; at nagliwanag ang kaniyang mukha na katulad ng araw, at pumuting tulad sa ilaw ang kaniyang mga damit. At narito, napakita sa kanila si Moises at si Elias na nakikipagusap sa kaniya. At sumagot si Pedro, at sinabi kay Jesus, Panginoon, mabuti sa atin ang tayo'y dumito: kung ibig mo, ay gagawa ako rito ng tatlong tabernakulo; isa ang sa iyo, at isa ang kay Moises, at isa ang kay Elias. Samantalang nagsasalita pa siya, narito, ang isang maningning na alapaap ay lumilim sa kanila: at narito, ang isang tinig na mula sa alapaap, na nagsasabi, Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong kinalulugdan; siya ang inyong pakinggan.(Mateo 17:1-5)
Sinugo ng Dios Ama ang kanyang sinisintang ANAK sa sanlibutan upang maging PROPETA o (SPOKEPERSON) ng Ama sa mga tao na kaniyang nilalang .(Mat.21:37) at ito ang isinugo ng Ama.(Gal.4:4) na bumaba sa lupa mula sa langit.(Juan 6:38) at nagkatawang tao at nakitulad sa mga tao.(Juan 1:1-3,14,Filipos 2:5-7) at pinangangak ng isang Berhin.(Isaias 9:6).
Ito ang Bugtong na Anak ng Ama na dumalaw sa Israel.
At nangyari nga ang lahat ng ito, upang maganap ang sinalita ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta, na nagsasabi, Narito, ang dalaga'y magdadalang-tao at manganganak ng isang lalake, At ang pangalang itatawag nila sa kaniya ay Emmanuel; na kung liliwanagin, ay sumasa atin ang Dios. (Mateo 1:22-23)
At nalalaman natin na naparito ang Anak ng Dios, at tayo'y binigyan ng pagkaunawa, upang ating makilala siya na totoo, at tayo'y nasa kaniya na totoo, sa makatuwid ay sa kaniyang Anak na si Jesucristo. Ito ang tunay na Dios, at ang buhay na walang hanggan. (1Juan 5:20)
Comments
Post a Comment