MARIA INA NG DIOS
Ang paniniwala na si "Maria"ay Ina ng Dios ay isang pangunahing aral na sinasampalatayan ng Iglesia Katolica kaya ganon nlang karubdub ang debosyon ng ating mga kababayang Katoliko.
Ngayon ito bang aral na Ina ng Dios si Maria ito ba ay Biblical pwede ba ang Isang Walang Hanggang Dios na buhat sa Walang Pasimula ay magkakaroon ng Ina.
Ito sabi ng banal na kasulatan ukol sa Panginoon..."Bago nalabas ang mga bundok ,O bago mo nilikha ang lupa at ang sanlibutan ,mula nga ng walang pasimula hanggang sa walang hanggan ikaw ang Dios.(Awit 90:2)
Dito makikita natin na ang Dios ay isang Dios na WALANG HANGGAN at walang pasimula kaya Hindi maaring magkaroon ng Ina sapagkat siya Dios na walang pasimula.
Ngayon Pwede ba maging Anak ng Tao ang Dios?
"Ang Dios ay Hindi Tao na magsisinungaling ,ni ANAK NG TAO na magsisisi ;sinabi ba niya at hindi niya gagawin?O sinalita ba niya at hindi niya isasagawa?.(Num.23:19)
ANg DIos ay HINDI ANAK NG TAO.(1 Sam.15:29) ...Ang totoo ang Dios ang Lumikha sa TAO.(Deut.4:32)
Kaya ang Dios na WALANG HANGGANG ay WALANG INA ngayon kung hindi INA ng DIOS si Maria Ano ang pagka INA ni Maria sa Ating Panginoon Jesu Cristo ..Si Maria ay Ina ng PANGINOON sa LAMAN o pagkakatawang TAO.
"AT nagkatawang TAO ang Verbo at tumahan sa gitna natin..."(John 1:14)
May VerbOng Dios na ang ginawa nitong Verbong DIos ay nagkatawang TAO yon ang pinanganak ni Maria o pinaglihi yong INIHANDA na katawan TAO.(Heb.10:5)
"Ang pag pagkapanganak nga kay Jesu Cristo ay ganito ;nang si Maria na kaniyang ina ay magasawa kay Jose ,bago sila magsama ay nasumpungang siya'y NAGDADALANG TAO sa pamamagitan ng Espiritu santo.(Mat.1:18)
Kaya ang Anak ni maria ay ang PAGKA TAO ng ANAK ng DIOS hindi ang PAGka Dios kaya tinawag si JESUS na ANAK ng TAO sa kanyang pagkakatawang TAO dahil naging Ina niya si Maria.(Mat.16:13)
Si Maria ay TAO kaya hindi sia maaring TAWAGING INA ng DIOS at walang Talata sa kasulatan na tinawag si Maria na Ina ng Dios ..bagkus sa banal na kasulatan tinawag siyang BABAE ng ating panginoong Jesu Cristo.(Juan 19:26) na kahulugan nito ay hinugot mula sa lalaki.(Gen.2:23) tinawag rin siyang Ina ni Jesus.(Acts 1:14).
Ang debosyon sa pagiging INa ng Dios ni Maria ay isang heritical na paniniwala.
"...Bakit kayo 'y nagsigawa nitong malaking kasamaan laban sa inyong sariling kaluluwa upang MAGHIWALAY sa inyo ng lalake at BABAE ng SANGGOL at pasusuhin sa gitna ng juda..(Jer.44:7)
Maria kinikilala ng mga Katoliko na Dios ng Awa at Dios na Makapangyarihan sa Lahat ?
Ito ay nasa kanilang Aklat katoliko na ang pamagat ay:
(ANG AKING BIRHEN MARIA ANG TAGAPAMAGITAN inihanda nina B. Frores at R. Alejandro sa pahina 57-60,63).
Page 63.
Ito ay salungat sa Biblia kailanman hindi pinakikilala o tinuturo ng Banal na Kasulatan na si Maria ay Dios ng Awa o Dios na Makapangyarihan sa lahat ito ay Tuwirang pamumusong sa Ama na siyang tunay na Dios na Makapangyarihan sa lahat.
Maria kinikilala ng mga Katoliko na Dios ng Awa at Dios na Makapangyarihan sa Lahat ?
Ito ay nasa kanilang Aklat katoliko na ang pamagat ay:
(ANG AKING BIRHEN MARIA ANG TAGAPAMAGITAN inihanda nina B. Frores at R. Alejandro sa pahina 57-60,63).
“Palakasin mo Birhen ko ang aking katawan at kaluluwa sa ikakikilala sa kapangyarihan mong walang hanggan, paglingkuran ka ng tapat at sundin ang iyong mga utos,luwalhatiin ang iyong pangalan at biyaya, ibigin ka nang boong ningas sa aking puso, sambahin ka at tuwinay alalahanin. Sapagkat ikaw ang Diyos ng awa, ang aking pag asa, ang aking tungkod, ang aking lakas at ang buhay.”
Page 63.
“…. Ang aking mga kapatid at ang kapwa ko tao na iyong mga nilikha. Mahabag ka, Ina ko, dito sa inyo, na nagnanasang ikaw ay sambahin,igalang at purihin nang boong pag-ibig sa lahat ng bagay, sapagka’t Diyos kang maawain at makapangyarihan sa lahat.”
Ito ay salungat sa Biblia kailanman hindi pinakikilala o tinuturo ng Banal na Kasulatan na si Maria ay Dios ng Awa o Dios na Makapangyarihan sa lahat ito ay Tuwirang pamumusong sa Ama na siyang tunay na Dios na Makapangyarihan sa lahat.
At ako sa inyo'y magiging ama, At sa akin kayo'y magiging mga anak na lalake at babae, sabi ng Panginoong Makapangyarihan sa lahat.(2 Cor.6:18)
At ang Tunay na Dios na makapagyarihan sa lahat ay walang may kinikilala na Ibang -dios na makapangyarihan liban sa kanya.
Isaias 44:8 “Kayo'y huwag mangatakot, o magsipangilabot man: hindi ko baga ipinahayag sa iyo nang una, at ipinakilala? at kayo ang aking mga saksi. May Dios baga liban sa akin? oo, walang malaking Bato; ako'y walang nakikilalang iba.”
Tinuturing ng Tunay na Dios na Makapagyarihan sa lahat na ang tao ay tao at hindi dios.
Sabihin mo pa kaya sa harap niya na pumapatay sa iyo, Ako'y Dios? nguni't ikaw ay tao, at hindi Dios, sa kamay niya na sumusugat sa iyo.(Ezek.28:9)
Kaya Ina ng DIOS kasi kahit tao si Jesus sa lupa ay DIOS siya ayon sa Roma 9:5.
ReplyDeleteyan na pinakamatindi nilang alibi at sana masagot nyo po yan.
dahil may mga nagsusuri rin sa mga nakakausap kong maka RH bill at inaadvertise ko pa blog nyo po.
yung sagot po sa last topic sana masagot nyo po.
Wala naman pagtatalo kung DIOS si Cristo...sa talata ng ROMA 9:5 walang may sinabi dyan na tinawag si MARIA INA ng DIOS .
ReplyDelete