ASH -WEDNESDAY
Ash-wednesday ang panahon kung saan ang mga Kababayan nating mga katoliko ay naglalgay ng Abo sa kanilang noo ng hugis "Krus" ito rin ang pasimula ng tinatawag nila "KUWARESMA"sa Araw na ito naglalagay sila ng Abo sa kanilang mga noo na ayon sa kanila ito ay sumisimbolo na sa "Alabok sila nagmula sa alabok sila paruruon.Ngayon ito ba ay Biblical.
Ano ba ang kahulugan nito sa Diwa ng banal na kasulatan ? Iniutos ba ito ng Panginoon Jesus Cristo sa kanyang mga Alagad o ginagawa ba ito ng mga Apostol? Ito ngayon ang ating pag-aaralan.
Una sa Banal na Kasulatan ano ba ang sasapitin ng mga Kaaway ng Dios?
"Sa pamamagitan ng karamihan ng inyong mga kasamaan sa kalikuan ng iyong pangangalakal iyong nilapastangan ang iyong mga santuario :kayat akoy naglabas ng Apoy sa gitna mo sinupok ka at PINAPAGING ABO ka sa ibabaw ng lupa at sa paningin ng lahat na nanganonood sa iyo.(Ezek.28:18)
"At iyong yayapakan ang masasama sapagkat silay magiging ABO sa ilalim ng mga talampakan ng iyong mga paa sa kaarawan na aking gawin sabi ng Panginoon ng mga HUKBo.(Mal.4:3)
Ano po ang sasapitin ng mga Kaaway ng Dios sila ay magiging mga ABO sa talampakan ng mga paa ng Panginoon kaya ang simbolo ng ABO ay pagiging KAAWAY NG DIOS.
"Ang iyong mga alaalang sabi ay kawikaang ABO ang iyong mga pagsasanggalang ay mga pagsasanggalang ay mga pagsasanggalang na putik.(Job 13:12)
Ngayon ang Pag-aalala na tayoy mula sa alabok ay isang pag-aalala ng tayo ay pagkain lamang Ahas o Diablo?
"At sinabi ng Panginoong Dios sa ahas sapagkat ginawa mo ito ay susumpain ka ng higit sa ahat ng hayop at ng higit sa bawat ganid sa parang ang iyong tiyan ang ilalakad mo at ALABOK ang iyong kakanin sa lahat ng mga araw ng iyong buhay.(Gen.3:14)
"Silang nagsisitahan sa ilang ay magsisiyukod sa kanya at HIHIMURAN ng kaniyang mga KAAWAY ang ALABOK.(Awit 72:9,Isa.44:20)
Diba ito ang nangyayari sa panahon ng tinatawag nilang Ash -Wednesday .."hinihimuran o ng mga katoliko ang "Abo na mailagay sa kanilang mga noo na tanda daw na sila ay mula sa alabok.
"At silay nangagbubuhos ng alabok sa kanilang ulo at nagsisigawan ,na nagiiyakan at nagtataghuyan na nangagsabi sa aba Sa aba ang dakilang bayan ..."(Apoc.18:19,Ezek.27:30,) ito ay kaugalian ng mga mamatay tao.(Acts 22:22-23) ang dakilang Bayan ay Ang Dakilang Babilonia Ina ng mga Patutotot at ng mga kasuklamsuklam sa lupa.(Apoc.17:5) na kumakatawan sa Iglesia Katolika Romana.
"Ipagpag ninyo ang ALABOK ng inyong Mga PAA.(Mat.10:14) at Huwag makibahagi sa sa mga walang mapapakinabangang na gawa ng kadiliman.(Efe.5:11) sapagkat mula sa alabok ay ibinangon kayo ng Panginoon.(1 Sam.2:8)
alamin ang kahulugan ng ash wednesday
ReplyDelete