KASALANAN NI ADAM AT EVA PINAMANA SA KANILANG MGA ANAK



Ngayon ang paksa natin tungkol sa "Original SIn" ayon sa aral na ito nung magkasala daw ang unang magulang na si Adam at Eva namana daw ng mga anak nito ang kanilang kasalanan kaya ang bawat sanggol na ipinapanganak ay may "original SIn "ito ang kasalanan ni Adam at Eva kaya dahil dito para daw maalis itong kasalanan mana ito ay kailangang binyagan ang sanggol ito ba ay biblical.Makatarungan ba sa sa isang Matuwid at Makatarungang Dios na ang kasalanan ng magulang ay maging kasalanan ng kanyang mga anak.


Pwede ba sa Dios na kasalanan ni Pedro ay maging kasalanan ni Juan...pumapayag ba ang Dios humatol ng Hindi matuwid na paghatol...Sa aral na ito makikita natin ginagawang Di makatarungang Dios ng mga katoliko ang Dios na Matuwid. una alamin natin Pwede ba gumawa ang Dios ng kasamaan at sisira ng kahatulan sa wala namang kasalanan.

"Oo ,sa katotohanan ang Dios ay hindi gagawa ng kasamaan,ni ang Makapangyarihan sa Lahat ay sisira ng kahatulan (Job 34:12)

Bakit! sapagkat Walang kasamaan sa Dios.(2 Cro.19:7) siya ay matuwid na Dios.(Awit 7:11) at siya ay Dios ng Pag-ibig .(1 John 4:8) kaya Imposible na hindi maging makatarungan ang pagtrato ng Dios na yong kasalanan ni Adam at ng kanyang asawang si Eva na pinagkasala nila sa harden ng Eden ay magiging kasalanan ng kanilang mga anak.

Ano ba ang pinagkasala ni adam at eva sa Harden ng Eden diba ang paglabag sa Utos ng Dios na huwag kakain ng bunga ng punong kahoy sa pagkaalam ng mabuti at masama .(Gen.2:15-17,3:6-7)

Ngayon ano ba ang kasalanan ?

Ang kasalanan ay sa pagsalansang sa kautusan..."Ang sinomang gumagawa ng kasalanan ay sumasalansang din naman sa kautusan ,at ang kasalanan ay ang pagsalansang sa kautusan.(1 Juan 3:4)

Ano po ang kasalanan ..."PAGSALANSANG O PAGLABAG SA KAUTUSAN"...Sino ang matino ang mag-isip na ang isang sanggol ay may kakayahan na sumalansang sa kautusan ...pwede igagawad ng maunawain Dios ang isang kasalanan sa walang kakayahan at walang muwang ..mahirap isipin na sa isang napaka buting Dios at matuwid ay idadamay nya ang ang walang muwang sa kasamaan ng kanyang magulang.Kahit Alam ng Dios na isang sanggol ay walang kakayahang gumawa ng mabuti at masama.(Rom.9:11)

Ngayon Ano ba ang matuwid na kahatulan ng Dios na hindi niya sisirain?

"Ang kaluluwa na nagkakasala mamamatay ,ang anak ay hindi magdadanas ng kasamaan ng Ama o magdadanas man ang Ama ng kasamaan ng anak ,ang katuwiran ng matuwid ay sasa kaniya at kasamaan ng masama ay sasa kanya.(Ezek.18:20)

"Hindi papatayin ang mga magulang dahil sa mga anak ,ni ang mga anak ay papatayin dahil sa mga magulang ;bawat tao papatayin dahil sa kaniyang sariling kasalanan.(Deut.24:16,2 king's 14:6,2 Cro.24:4)

Dito makikita na matuwid ang kahatulan ng Dios hindi magdadanas ng kasamaan ang anak sa kasalanan ng magulang ni ang magulang magdadanas sa kasamaan ng anak bawat tao papatayin dahil sa kaniyang sariling kasalanan.kaya ang kasalanan ng mga magulang natin hindi pwedi manahin o maging kasalanan ng mga anak.

"Ngunit Bawat isa ay mamatay ng dahil sa kaniyang sariling kasamaan..."(Jer.31:29)at hahatulan ang bawat isa ayon sa kanyang sariling mga gawa.(Jer.32:19)

Kaya hindi totoo ang sinasabi ng Iglesia Katolika na may "original Sin" na minamana ang mga sanggol ..kung ang original sin ay pagkain ng bunga ng pagkaalam ng mabuti at masama may nakita naba kayong sanggol na nung ipanganak ay may bunga ng puno sa pagkaalam ng mabuti at ng masama sa bunganga.

Una ang panganganak o pagkakaroon ng anak sa sinapupunan ay Tulong ng Dios.(Gen.4:1) lahat ng sanggol ginawa ng Dios ay matuwid at walang bahid ng kasalanan.(Ecle.7:29,Jer.1:5)

kaya nga sabi ng Panginoong Jesus ..."Sa aba niyaong taong magkakanulo sa Anak ng tao !mabuti pa sana sa tong yon ang hindi na siya ipinanganak.(Mat.26:24)

"Kaya't aking pinuri ang patay na namatay na,na higit kay sa may buhay na nabubuhay pa.Oo ,maigi kay sa kanila kapuwa ang hindi ipinanganganak na hindi nakakita ng masamang gawa na nagawa sa ilalim ng araw.(Ecle.4:2-3,Ecle 6:3)

Sa Hatalunan ng Dios mabuti ang hindi na ipinananganak o maigi yong sa tiyan palang naagas na sapagkat hindi nila makikita ang masamang gawa sa ilalim ng araw..kita mo mabuti pala yon at maigi.

Ngayon yong mga anak ay mana na mula sa Panginoon at gating-pala ng Dios sa magulang.(Awit 127:3) sapagkat ang anak ay kaloob ng Dios.(1 Sam.1:20,27) lahat ng kaloob ng Dios mabuting kaloob at sakdal.(San.1:17) hindi magkakaloob ang Dios ng may bahid ng kasalanan.sapagkat ang pagbubuntis lang ng isang babae ay pagdalaw ng Dios.(1 Sam.2:21)

Kaya sa mga bata ang kaharian ng Dios .(Mat.19:13-14,mat 18:3-4) sila ang mga tinatawag na mga WALANG SALANG DUGO o "Innocent blood.(Prov.6:17) na magmamana ng kaharian ng langit sapagkat sila ay mga pinanganak na walang sala.

Ngayon ang TAnong namamana Ba ang kasalanan?


"At itinanong sa kaniya ng kaniyang mga alagad na nangagsasabi RAbi ,Sino ang NAGKASALA ang taong ito o ang kaniyang mga magulang upang ipanganak na bulag sumagot si Jesus "HINDI dahil sa ang taong ito'y NAGKASALA ni ang kaniyang mga magulang man kundi upang mahayag  sa kaniya ang GAWA ng DIOS.(Juan 9:2-3)

Dito makikita natin na itinuwid ng Panginoon na ang KASALANAN ay hindi namamana mula sa magulang ang ganitong paniniwala na ang tao ay ipinanganak sa kasalanan ay hidwang aral na pinaniniwalaan ng mga faresio.(Juan 9:34)

"

Comments

  1. Sana po Master, isama nyo ang Awit 51:5 na batayan ng Simbahan na namamana daw ang kasalanan hehehe!

    ito pa ang ginagamit nilang batayan sa Bibliya:

    Mateo 23:29 Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka't itinatayo ninyo ang mga libingan ng mga propeta, at inyong ginayakan ang mga libingan ng mga matuwid,

    30 At sinasabi ninyo, Kung kami sana ang nangabubuhay nang mga kaarawan ng aming mga magulang disi'y hindi kami nangakaramay nila sa dugo ng mga propeta.

    31 Kaya't kayo'y nangagpapatotoo sa inyong sarili, na kayo'y mga anak niyaong mga nagsipatay ng mga propeta.

    32 Punuin nga ninyo ang takalan ng inyong mga magulang.

    magpokus kayo sa nakabold. yan po ang pinakamatindi nilang alibi Master.

    ReplyDelete
  2. Maling salin ata ang ginamit mo ah?sa saling ito pansinin mo ah,ang sabi AT SA KASALANAN AY IPINAGLIHI AKO NG AKING INA??
    Awit 51:5 ang dating biblia

    5Narito, ako'y inanyuan sa kasamaan; at sa kasalanan ay ipinaglihi ako ng aking ina,

    SA ENGLISH.

    Psalm51:5

    King James Bible
    Behold, I was shapen in iniquity; and in sin did my mother conceive me.

    AND IN SIN DID MAY MOTHER?ipinaglihi sa kasalanan,means dahil sa ginawa ng kanyang ina...bakit tayo nakatitiyak na walang kasalanan c david???
    Mga jw basa

    Mga Awit 86:2 TLAB
    Ingatan mo ang aking kaluluwa; sapagka't ako'y banal: Oh ikaw na Dios ko, iligtas mo ang iyong lingkod na tumitiwala sa iyo.

    Angliwanag sabi nya akoy banal..

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts