SUGONG ANAK
Osama Zah: Kung gnun jan s john 17:1,18 sugo lng xai. "Sent me" dw eh. Ely Sabactani hnd pla xai god kc cnugo lng dw eh.
Sagot:
Itaas mo ang John 17..... sa verse 1 makikita mo kung anong URI ng sugo yang si JESUS ......ANAK yan .....kaya Sugong ANAK NG DIOS yan ....ito ang ating mababasa
"Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak: (Juan 17:1)
Mag-Ama pala ito ?Ano ang patunay na ang Dios Ama ay may Anak.
Sino ang sumampa sa langit, at bumaba? Sino ang pumisan ng hangin sa kaniyang mga dakot? Sinong nagtali ng tubig sa kaniyang kasuutan? Sinong nagtatag ng lahat ng mga wakas ng lupa? Ano ang kaniyang pangalan, at ano ang pangalan ng kaniyang anak kung iyong nalalaman? (Kawikaan 30:4)
At sino itong Anak?
Walang taong nakakita kailan man sa Dios (Ama); ang bugtong na Anak, na nasa sinapupunan ng Ama, siya ang nagpakilala sa kanya.(Juan 1:18)
Ito pala ang Bugtong na Anak ng Ama na nasa sinapupunan ng Ama buhat sa pasimula at kasama ng Ama.(Juan 1:1-2)
Nagsugo ba ang Dios Ama ng kanyang Anak
Ito ang ating mababasa:
Ang Dios, na nagsalita nang unang panahon sa ating mga magulang sa iba't ibang panahon at sa iba't ibang paraan sa pamamagitan ng mga propeta,Ay nagsalita sa atin sa mga huling araw na ito sa pamamagitan, ng kaniyang Anak, na siyang itinalaga na tagapagmana ng lahat ng mga bagay, na sa pamamagitan naman niya'y ginawa ang sanglibutan; Palibhasa'y siyang sinag ng kaniyang kaluwalhatian, at tunay na larawan ng kaniyang pagka-Dios..."Nguni't tungkol sa Anak ay sinasabi, Ang iyong luklukan, Oh Dios, ay magpakailan man; At ang setro ng katuwiran ay siyang setro ng iyong kaharian. (Heb.1:1-3,8)
Oh Dios ang tawag ng Ama sa kanyang Anak samakatuwid kinikilala din ng Ama na itong kanyang Anak ay dios.
Dahil dito Isinugo ng Amang Dios ang Anak niya para Magligtas ng sanlibutan.
Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Sapagka't hindi sinugo ng Dios ang Anak sa sanglibutan upang hatulan ang sanglibutan; kundi upang ang sanglibutan ay maligtas sa pamamagitan niya. (Juan 3:16-17)
kaya bumaba ang ANAK NG DIOS sa lupa mula sa langit para tuparin ang kalooban ng kanyang Amang Dios.
Sapagka't bumaba akong mula sa langit, hindi upang gawin ko ang aking sariling kalooban, kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin. (Juan 6:38)
At dinalaw ng Dios ang mga Gentil upang kumuha sa kanila ng bayan sa kanyang PANGALAN upang Iligtas.
Sinaysay na ni Simeon kung paanong dinalaw na una ng Dios ang mga Gentil, upang kumuha sa kanila ng isang bayan sa kaniyang pangalan. (Mga Gawa 15:14)
At siya'y manganganak ng isang lalake; at ang pangalang itatawag mo sa kaniya'y JESUS; sapagka't ililigtas niya ang kaniyang bayan sa kanilang mga kasalanan. (Mateo 1:21)
Kaya nagkatawang tao ang Anak ng Dios.(Juan 1:1-3,14,18 Filipos 2:5-8) sumanib siya loob ng laman.(Lucas 1:28,35,Col.2:9)at pinanganak ng isang dalaga sa katauhan ng berhing si Maria.(Isaias 9:6,Mateo.1:23).at sa gayon ang Dios ay sumasa atin.(Mat.1:23,2Cro.32:8) at tumahan sa Gitna natin.(Juan 1:1-3,14) ng mahayag ito sa laman.(1Tim.3:16)
Sa makatuwid baga'y si Jesus na taga Nazaret, kung paanong siya'y pinahiran ng Dios (Ama) ng Espiritu Santo at ng kapangyarihan: na naglilibot na gumagawa ng mabuti, at nagpapagaling sa lahat ng mga pinahihirapan ng diablo; sapagka't sumasa kaniya (sa laman) ang Dios (na Anak). (Mga Gawa 10:38)
Dahil ANAK NG AMA.... TUNAY NA DIOS ang ANAK na isinugo... At nalalaman natin na naparito ang Anak ng Dios, at tayo'y binigyan ng pagkaunawa, upang ating makilala siya na totoo, at tayo'y nasa kaniya na totoo, sa makatuwid ay sa kaniyang Anak na si Jesucristo. Ito ang tunay na Dios, at ang buhay na walang hanggan. (1 Juan 5:20)
Sinisintang ANAK ng Ama na lubos na kinalulugdan.
At narito, ang isang tinig na mula sa mga langit, na nagsasabi, Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong lubos na kinalulugdan.(Mateo 3:17)
Ang Anak ay ang Panginoong ang Banal ng Israel ang Manunubos at Tagapagligtas.(Isaias 43:14,11) na tutubos sa kanyang Bayan sa kanilang mga kasalanan.(Mateo 1:21) sa pamamagitan ng kanyang mahalagang dugo (1 Ped.1:18-19).na ng buhos sa ibabaw ng krus.(1 Ped.2:24) upang dalhin ang kasalanan ng marami sa ikaliligtas sa ikapagpapatawad ng kasalanan sa pamamagitan ng dugo ng tipan samakatuwid ng dugo ni Kristo na Panginoon natin.(Heb.9:28,20,22).
Comments
Post a Comment