SINO ANG DIOS NA DAPAT SAMBAHIN

Sino ang Dios na dapat sambahin?

Oh magsiparito kayo, tayo'y magsisamba at magsiyukod; tayo'y magsiluhod sa harap ng Panginoon na May-lalang sa atin. (Awit 95:6)

Sino po ang Dios na dapat sambahin maliwanag ang sagot ng banal na kasulatan ito ang Panginoon na may lalang sa atin.

May patunay ba tayo na ang Dios na may lalang ay siyang Panginoon na dapat sambahin .

Sapagka't pinalitan nila ang katotohanan ng Dios ng kasinungalingan, at sila'y nagsisamba at nangaglingkod sa nilalang kay sa Lumalang, na siyang pinupuri magpakailan man. Siya nawa. (Roma 1:25)

Ngayon sino itong Dios na maylalang na siyang marapat pinupuri magpakailan man.

At sinabi ng Dios, Lalangin natin ang tao sa ating larawan, ayon sa ating wangis: at magkaroon sila ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga hayop, at sa buong lupa, at sa bawa't umuusad, na nagsisiusad sa ibabaw ng lupa. (Genesis 1:26)

At sinabi ng Dios lalangin NATIN ang tao sa ATING larawan at ayon sa ATING wangis Aba itong Dios na manlalalang may Ka-Natin pala ito na katulad niyang kamanlalalang na kalarawan niya at kawangis.

Ngayon sino itong kalarawan ng Dios na kasama nyang manlalalang

Na siya (Kristo) ang larawan ng Dios na di nakikita, ang panganay ng lahat ng mga nilalang; (Colosas 1:15)

Si Kristo pala ito ang kalarawan ng Dios na hindi nakikita ito ang Anak ng Dios 

Palibhasa'y siyang sinag ng kaniyang kaluwalhatian, at tunay na larawan ng kaniyang pagka-Dios, at umaalalay ng lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng salita ng kaniyang kapangyarihan, nang kaniyang magawa na ang paglilinis ng mga kasalanan, ay lumuklok sa kanan ng Karangalan sa kaitaasan; (Hebreo 1:3)

Siya si Kristo ang sinag ng kaniyang kaluwalhatian at tunay na larawan ng kaniyang pagka-Dios. ang patunay na si kristo ito siya mismo ang kasama ng Dios sa pasimula siya ang verbo ang Bugtong na Anak .
Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios. Ito rin nang pasimula'y sumasa Dios. Ang lahat ng mga bagay ay ginawa sa pamamagitan niya; at alin man sa lahat ng ginawa ay hindi ginawa kung wala siya...."Walang taong nakakita kailan man sa Dios; ang bugtong na Anak, na nasa sinapupunan ng Ama, siya ang nagpakilala sa kanya.(Juan 1:1-3,18)

Sa pamamagitan ng salita ng Panginoon ay nayari ang mga langit; at lahat ng natatanaw roon ay sa pamamagitan ng hinga ng kaniyang bibig. (Awit 33:6)

Sapamagitan ng SALITA na may hininga at Bibig nayari ang mga langit at ang lahat ng natatanaw roon na Inadress na "HIS"

Sino ang sumampa sa langit, at bumaba? Sino ang pumisan ng hangin sa kaniyang mga dakot? Sinong nagtali ng tubig sa kaniyang kasuutan? Sinong nagtatag ng lahat ng mga wakas ng lupa? Ano ang kaniyang pangalan, at ano ang pangalan ng kaniyang anak kung iyong nalalaman? (Kawikaan 30:4)

Ang Ama.(Malakias 2:10) at Anak ito ang magka-NATIN na magka larawan at wangis na manlalang ang patunay si Kristo ang Lumikha ng buhay. 

At inyong pinatay (sa laman) ang Lumikha ng buhay (samakatuwid bagay si Jesus):na binuhay ng Dios (Ama) na mag uli (ang katawang laman) sa mga patay; mga saksi kami ng mga bagay na ito.(Mga Gawa 3:15)

Kaya maliwanag na manlalang ang Panginoong Jesu Kristo.

Ngayon sino pa bukod sa Anak ang kasamang kamanlalang ng Ama sa pasimula.

Nang pasimula ay nilikha ng Dios ang langit at ang lupa. At ang lupa ay walang anyo at walang laman; at ang kadiliman ay sumasa ibabaw ng kalaliman; at ang Espiritu ng Dios ay sumasa ibabaw ng tubig. (Genesis 1:1-2)

May isa pang ka-manlalang ang Ama itong Espiritu ng Dios o Espiritu Santo na ng pasimula lumalang ang Ama sumasa ibabaw ito ng tubig.Ngayon ano ang ginagawa duon ng Banal na Espiritu.

Iyong sinusugo ang iyong Espiritu, sila'y nangalalalang; at iyong binabago ang balat ng lupa. (Awit 104:30)

Sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu ay ginayakan niya ang langit;..."(Job 26:13)

Nilalang ako ng Espiritu ng Dios, at ang hinga ng Makapangyarihan sa lahat ay nagbibigay sa akin ng buhay.(Job 33:4)
Kaya ang Manlalang na dapat sambahin ay ang Ama ,Ang Anak at ang Banal na Espiritu ito ang Unified One (echad) na Dios na MANLILIKHA.

Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila'y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo: (Mateo 28:19)
Ng Ama at ng Anak.(2 Corinto 11:31) at ng Anak at ng Espiritu Santo.(1Corinto 6:11)


Sapagka't ang Panginoon ninyong Dios (Ama), ay siyang Dios ng mga Dios (i.e samakatuwid ang Anak at ang Espiritu santo), at Panginoon ng mga panginoon, siyang dakilang Dios, siyang makapangyarihan at siyang kakilakilabot, na hindi nagtatangi ng tao ni tumatanggap ng suhol. (Deut.10:17)

Ako'y magpapasalamat sa iyo (Ama) ng aking buong puso: sa harap ng mga Dios (i.e. samakatuwid ang Anak at ang Espiritu santo) ay aawit ako ng mga pagpuri sa iyo. (Awit 138:1)
Dalawa naman dito ang "THE MOST HIGH" at ang THE ALMIGHTY
Those who live in the shelter of the Most High will find rest in the shadow of the Almighty.(Psalms 91:1)

Ang Ama ang THE MOST HIGH.(Lucas 1:35) at si Kristo ang THE ALMIGHTY na makapangyarihan sa lahat sa mga nilikha lamang.(Apocalipsis 1:5,7-8)

Comments

Popular Posts