SI PEDRO BA ANG KINATUPARAN NG ISAIAS 22:21-22
Si Apostol Pedro ba kinatuparan ng hula sa Isaias 22:21-22 na magiging Ama sa mga nananahan sa Jerusalem at sa sangbahayan ni Juda.
Ito ang isa sa ginagamit ng mga Tagapagtanggol katoliko para patunayan ang pagiging kauna-unahang PAPA NI PEDRO ito ba ay naayon sa tamang interpretasyon ng Banal na Kasulatan
Basahin ang nasabing talata:
"At aking susuutan siya ng iyong balabal, at patitibayin siya ng iyong pamigkis, at aking ipagkakatiwala ang iyong pamamahala sa kaniyang kamay: at siya'y magiging ama sa mga nananahan sa Jerusalem, at sa sangbahayan ni Juda. At ang katungkulan sa sangbahayan ni David ay iaatang ko sa kaniyang balikat; at siya'y magbubukas, at walang magsasara; at siya'y magsasara, at walang magbubukas. (Isaias 22:21-22)
Pansinin natin ang talata sabi sabi ng Panginoong Dios sa hula na itong kanyang bibigyan pamamahala ay kanyang susuutan ng balabal at patitibayin siya ng kanyang pamigkis ,at ipagkakatiwala sa kanyang kamay ang pamamahala niya'y magiging Ama sa mga nananahan sa Jerusalem at sa sangbahayan ni Juda at ang katungkulan sa sangbahayan ni David ay iaatang sa kaniyang balikat
Sino itong Inatangan ng katungkulan sa sa kanyang BALIKAT sa sangbahayan ni David ito ba ay natupad kay apostol Pedro "HINDI" Po?
Kung gayon kanino ito natupad?
"Sapagka't sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalake; at ang pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat: at ang kaniyang pangalan ay tatawaging Kamanghamangha, Tagapayo, Makapangyarihang Dios, Walang hanggang Ama, Pangulo ng Kapayapaan. Ang paglago ng kaniyang pamamahala at ng kapayapaan ay hindi magkakaroon ng wakas, sa luklukan ni David, at sa kaniyang kaharian, upang itatag, at upang alalayan ng kahatulan at ng katuwiran mula ngayon hanggang sa magpakailan man. Isasagawa ito ng sikap ng Panginoon ng mga hukbo.(Isaias 9:6-7)
Ito pala ay natupad sa isang batang ipinanganak isang anak na lalake na kung saan ang pamamahala ay MAAATANG SA KANYANG BALIKAT at ang kanyang pangalan ay tatawaging Kamanghamangha , Tagapayo , Makapangyarihang Dios at WALANG HANGGANG AMA , Pangulo ng Kapayapaan na kung saan ang kanyang pamamahala at ng kapayapaan ay hindi mag magkakaroon ng wakas sa LUKLUKAN o SANGBAHAYAN ni DAVID at ito ay natupad sa ating Panginoong Jesu Cristo.(Isaias 7:13-14,Mat.1:21-23) na siya ang AMA o WALANG HANGGANG AMA na tinutukoy ni Propeta Isaias na MAATANGAN sa BALIKAT ng PAMAMAHALA at katungkulan sa sangbahayan ni David.(Luc.1;31-33)
Na kung saan siya'y magbubukas , at walang magsasara,at magsasara at walang may magbubukas.Kanino ba ito natupad ito ba ay natupad kay apostol pedro ....HINDI
Bagkus ito ay natupad sa ating Panginoong Jesu Cristo
"Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. At sa anghel ng iglesia sa Filadelfia ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng banal, niyaong totoo, niyaong may susi ni David, niyaong nagbubukas at di mailalapat ng sinoman, at naglalapat at di maibubukas ng sinoman:(Apoc.3:6-7)
Ang Panginoong Jesu- Cristo ang BANAL.(Mga Gawa 4:27,30) at ang TOTOO.(Apoc.3:14) na may susi David niyaong nagbubukas at di mailalapat ng sinoman at naglalapat at di maibubukas ng sinoman siya ang Leon sa angkan ni Juda , ang Ugat ni david ang nagtagumpay na magbukas ng aklat at ng pitong tatak nito siya ang may hawak susi ni David .(Mat.16:19)
"At nakita ko sa kanang kamay niyaong nakaupo sa luklukan ang isang aklat na may sulat sa loob at sa labas, na tinatakang mahigpit ng pitong tatak. At nakakita ako ng isang malakas na anghel na nagtatanyag ng malakas na tinig, Sinong karapatdapat magbukas ng aklat, at magtanggal ng mga tatak nito? At sinoman sa langit, o sa ibabaw man ng lupa, o sa ilalim man ng lupa, ay hindi makapagbukas ng aklat, o makatingin man. At ako'y umiyak na mainam, sapagka't hindi nakasumpong ng sinomang marapat magbukas ng aklat, o makatingin man: At sinabi sa akin ng isa sa matatanda, Huwag kang umiyak; narito, ang Leon sa angkan ni Juda, ang Ugat ni David, ay nagtagumpay upang magbukas ng aklat at ng pitong tatak nito.(Apoc.5:1-5)
Hindi si Apostol Pedro ang kinatuparan ng Hula sa nasabing talata bagkus natupad ito sa ating Panginoong JESU CRISTO.
Comments
Post a Comment