ANG KAUGNAYAN NG IGLESIA NG DIOS SA PILIPINAS SA IGLESIA NUONG UNANG SIGLO
Ang kasaysayan ng MCGI "Members of Church of God International ay Nag ugat ito pabalik sa Panginoong Jesu Cristo at kanyang mga Apostol una ito naitatag sa Jerusalem nuong 33 A.D
Nung sabihin ng Panginoon..."At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya. (Mateo 16:18).
Mula nuon inatasan ng Panginoong ang kanyang mga Apostol na Humayo at gawing Alagad ang mga Bansa.(Mateo 28:19)
"Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila'y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo:
Magmula sa Jerusalem silay magiging saksi ng Panginoon hanggang sa kahuli-hulihang hangganan ng lupa.(Luc.24:47-48,Gaw.1:8) nakarating ito sa Roma (Italya).(Gaw.28:16) nakarating din ito sa Espaniya.(Roma 15:24,28)
Itong CHURCH OF ROME pagkamatay ng mga Apostol ay pinasuk ito ng mga Ganid na lobo na hindi magpapatawad sa Kawan na mga taong mangagsasalita ng masama at magdadala sa mga alagad sa kanilang hulihan .(Acts 20:29-30) kaya ito ay nalihis ng landas at naligaw sa pagsunod sa tunay na aral na bagamat kilala nila ang Dios siya'y hindi niluwalhati nilang tulad sa Dios, ni pinasalamatan; kundi bagkus niwalang kabuluhan sa kanilang mga pagmamatuwid at ang mangmang nilang puso ay pinapagdilim sapagka't pinalitan nila ang katotohanan ng Dios ng kasinungalingan, at sila'y nagsisamba at nangaglingkod sa nilalang kay sa Lumalang.(Rom.1:15,19-26,32)
"Ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa mga propeta na nagliligaw sa (((((aking bayan)));.."(Mikas 3:5)
Kaya ang CHURCH OF ROME ay nailigaw ng mga ganid na Lobo o mga Bulaang Propeta.
NASIRA ito sa kanyang kalagayan ng pagiging tunay na Iglesia ng Dios dahil sa kakulangan ng kaalaman sapagkat nilimot nila ang kautusan ng kanilang Dios.
"Ang (((((aking bayan))))) ay nasira dahil sa kakulangan ng kaalaman: sapagka't ikaw ay nagtakuwil ng kaalaman, akin namang itatakuwil ka, upang ikaw ay huwag maging saserdote ko: yamang iyong nilimot ang kautusan ng iyong Dios, akin namang kalilimutan ang iyong mga anak. (Oseas 4:6)
Pero pansinin mo sa kabila na NASIRA itong BAYAN NG DIOS sa Roma ito ay inaangkin pa rin ng DIOS na "AKING BAYAN " o kanyang BAYAN. kaya kahit ito ay nailigaw ng mga Bulaang guro itinuturing pa rin ng Dios ito na kanyang bayan.
Itong CHURCH OF ROME nakarating ito sa Pilipinas nuong 1521 dala ng Espaniya.dahil inaangkin pa rin ito ng Dios na kanyang Bayan may hula si Propeta Nehemias na itong Church of Rome ay mababalik ito sa paglilingkod sa Dios.
Nguni't kung kayo'y magsibalik sa akin, at ingatan ninyo ang aking mga utos, at gawin, bagaman ang nangatapon sa inyo ay nasa kaduluduluhang bahagi ng lupa, akin ngang pipisanin sila mula roon, at dadalhin ko sila sa dakong aking pinili upang patahanin doon ang aking pangalan. Ang mga ito nga'y ang iyong mga lingkod at ang iyong bayan, na iyong tinubos sa pamamagitan ng iyong dakilang kapangyarihan, at sa pamamagitan ng iyong malakas na kamay. (Neh.1:9-10)
Natupad ang sinabi ng Panginoon sa Mga Gawa 1:8 na magmumula sa Jerusalem at Samaria at hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa ang pagsasaksi at dahil dito pipisanin sila mula roon mula sa silangan luluwalhatiin ang Panginoon samakatuwid ang Dios ng Israel sa mga pulo ng dagat sa kaduluduluhang bahagi ng lupa na pinakaari at maririnig ang mga awit ng pagluwalhati sa matuwid.
"Kaya't luwalhatiin ninyo ang Panginoon sa silanganan, sa makatuwid baga'y ang pangalan ng Panginoon, ng Dios ng Israel, sa mga pulo ng dagat. Mula sa kaduluduluhang bahagi ng lupa ay nakarinig kami ng mga awit, kaluwalhatian sa matuwid. (Isaias 24:15-16)
Aking sasaysayin ang tungkol sa pasiya: sinabi ng Panginoon sa akin, Ikaw ay aking anak; sa araw na ito ay ipinanganak kita. Humingi ka sa akin, at ibibigay ko sa iyo ang mga bansa na iyong pinakamana, at ang mga pinakadulong bahagi ng lupa ay iyong pinakaari.(Awit 2:7-8)
Kayo'y magsipakinig sa akin, Oh mga pulo; at inyong pakinggan, ninyong mga bayan, sa malayo:.."(Isa.49:1)
Inyong dinggin ang salita ng Panginoon, Oh ninyong mga bansa, at inyong ipahayag sa mga pulo sa malayo; at inyong sabihin, Ang nagpangalat sa Israel, siyang magpipisan sa kaniya, at magiingat sa kaniya, gaya ng ginagawa ng pastor sa kaniyang kawan. Sapagka't tinubos ng Panginoon ang Jacob, at tinubos niya siya sa kamay ng lalong malakas kay sa kaniya. (Jer.31:10-11)
Dahil ang ang mga pulo sa malayo o sa kaduduluhang bahagi ng lupa ay maghihintay ng kanyang kautusan.
Siya'y hindi manglulupaypay o maduduwag man, hanggang sa maitatag niya ang kahatulan sa lupa; at ang mga pulo ay maghihintay sa kaniyang kautusan. (Isaiah 42:4)
At dahil dito silang mga namamali sa diwa ay darating sa pagkaunawa , at silang mga mapagupasala ay mangatututo ng aral.
Sila namang nangamamali sa diwa ay darating sa pagkaunawa, at silang mga mapag-upasala ay mangatututo ng aral.(Isa.29:24)
Ito rin ang mga panahon na silang mga mapag-upasala ay mangatututo ng aral sapagkat darating sa kanila ang liwanag ng pagkaunawa.
Ito rin ang mga panahon na silang mga mapag-upasala ay mangatututo ng aral sapagkat darating sa kanila ang liwanag ng pagkaunawa.
Sapagkat sa araw na yaon marami ang magpapakalinis at magpapakaputi at magpapakadalisay at ang masama ay gagawa na may kasamaan at wala sa masama na makakaunawa ngunit silang pantas ay mangakakaunawa?
At sinabi niya, Yumaon ka ng iyong lakad, Daniel; sapagka't ang mga salita ay nasarhan at natatakan hanggang sa panahon ng kawakasan. Marami ang magpapakalinis, at magpapakaputi, at magpapakadalisay; nguni't ang masasama ay gagawa na may kasamaan; at wala sa masasama na makakaunawa; nguni't silang pantas ay mangakakaunawa. (Dan.12:9-10)
At hinulaan din ang panahon ng kung saan silang mga pantas ay mangakakaunawa ito ang panahon na kung tawagin ay panahon ng kawakasan. na silang mga pantas ay sisilang na parang mga ningning ng langit at silay mangagbabalik sa marami sa katuwiran.o sa aral ng evangelio.(Roma 1:16-17)
At silang pantas ay sisilang na parang ningning ng langit; at silang mangagbabalik ng marami sa katuwiran ay parang mga bituin magpakailan man. Nguni't ikaw, Oh Daniel, isara mo ang mga salita, at tatakan mo ang aklat, hanggang sa panahon ng kawakasan: marami ang tatakbo ng paroo't parito, at ang kaalaman ay lalago. (Dan.12:3-4)
At sila ang magtatayo ng mga dating sira at magbabangon ng mga dating giba at kanilang huhusayin ang mga sirang bayan at mga nagiba sa maraming salit saling lahi at mga taga ibang lupa ang magsisitayo at magpapastol ng kawan.at ito natupad ng muling itayo ang nasira na Iglesia ng Roma na ipinastol ng mga taga ibang lupa na tatawagin mga saserdote ng Panginoon at sa ganito ililigtas ng Panginoon ang kanyang Bayan sa lupaing silangan.
At sila'y magtatayo ng mga dating sira, sila'y magbabangon ng mga dating giba, at kanilang huhusayin ang mga sirang bayan, ang mga nagiba sa maraming sali't saling lahi. At ang mga taga ibang lupa ay magsisitayo at mangagpapastol ng inyong mga kawan, at ang mga taga ibang lupa ay magiging inyong mga mangaararo at mangungubasan. Nguni't kayo'y tatawaging mga saserdote ng Panginoon; tatawagin kayo ng mga tao na mga tagapangasiwa ng ating Dios: kayo'y magsikain ng kayamanan ng mga bansa, at sa kanilang kaluwalhatian ay mangagmamapuri kayo.(Isa.61:4-6)
Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Kung maging kagilagilalas sa mga mata ng nalabi sa bayang ito sa mga araw na yaon, magiging kagilagilalas din naman baga sa aking mga mata? sabi ng Panginoon ng mga hukbo. Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Narito, aking ililigtas ang aking bayan sa lupaing silanganan at sa lupaing kalunuran; (Zac.8:6-7)
Ililigtas ng Dios ang kanyang Bayan sa Lupaing Silanganan gaya ng kanyang Pangako nuong una at sa MGA HULING ARAW AY MABABALIK LOOB ANG BAYAN NG DIOS SA KANILANG DIOS AT DIDINGGIN NILA ANG TINIG O SALITA NG KANILANG PANGINOON AT ANG PANGINOON AY MAAWA SA KANILA AT HINDI SILA PABABAYAAN AT MULING AALAHANIN NG PANGINOON ANG KANYANG TIPAN SA ATING MGA MAGULANG SA PANGINOON .
At doo'y maglilingkod kayo sa mga dios, na yari ng mga kamay ng mga tao, kahoy at bato na hindi nangakakakita, ni nangakakarinig, ni nangakakakain, ni nangakakaamoy. Nguni't mula roon ay iyong hahanapin ang Panginoon mong Dios, at iyong masusumpungan, kung iyong hahanapin siya ng buo mong puso at ng buo mong kaluluwa.Pagka ikaw ay nasa kapighatian, at ang lahat ng mga bagay na ito ay dumating sa iyo sa mga huling araw, ay magbabalik loob ka sa Panginoon mong Dios, at iyong didinggin ang kaniyang tinig. Sapagka't ang Panginoon mong Dios ay maawaing Dios; hindi ka niya pababayaan, ni lilipulin ka niya ni kalilimutan ang tipan sa iyong mga magulang na kaniyang isinumpa sa kanila. (Deut.4:28-31)
MULA SA PAGLILINGKOD SA MGA KAHOY AT BATO NA ITINURO NG IGLESIA KATOLICA ROMANA TINUPAD NG DIOS ANG KANYANG PANGAKO NA KANGYANG NA KANYANG IBABALIK SA PAGSUNOD SA DALISAY NA ARAL ANG KANYANG BAYAN SA MGA HULING ARAW
Tinupad ng Dios ang kanyang Pangako sa kaniyang BAYAN mula sa Loob ng CHURCH OF ROME na nasira sa kakulangan ng kaalaman ay may bayang ibinukod ang Dios na kanyang ilalabas na kanyang magiging bayan.
At narinig ko ang ibang tinig na mula sa langit, na nagsasabi, Mangagsilabas kayo sa kaniya, bayan ko, upang huwag kayong mangaramay sa kaniyang mga kasalanan, at huwag kayong magsitanggap ng kaniyang mga salot: (Apoc.18:4)
Ito ang Simula ng MCGI sa pilipinas na karamihan sa mga kabahagi nito ay mula sa CHURCH OF ROME isang BAYAN pag-aari ng Dios na kaniyang tinawag na Bayan sa kaniyang pangalan sa Panahon ng Kawakasan sa lupaing SILANGANAN sa mga Pulo ng dagat sa Kaduduluhang bahagi ng lupa.
Comments
Post a Comment