MGA GAWA 2:22



Paano ba ang tamang unawa sa "Mga Gawa 2:22"

“Fellow Israelites, listen to this: Jesus of Nazareth was a man accredited by God to you by miracles, wonders and signs, which God did among you through him, as you yourselves know.(Acts 2:22 NIV)



"A man " sa Greek ang ginamit na salita ay "an'-ayr"ανδρα noun - accusative singular masculine "aner" an'-ayr: a man (properly as an individual male) -- fellow, husband, man, sir.


Kayong mga lalaking taga Israel, pakinggan ninyo ang mga salitang ito: Si Jesus na taga Nazaret, lalaking pinatunayan ng Dios sa inyo sa pamamagitan ng mga gawang makapangyarihan at mga kababalaghan at mga tanda na ginawa ng Dios sa pamamagitan niya sa gitna ninyo, gaya rin ng nalalaman ninyo;Siya, na ibinigay sa takdang pasiya at paunang kaalaman ng Dios, kayo sa pamamagitan ng mga kamay ng mga tampalasan ay inyong ipinako sa krus at pinatay: (Mga Gawa 2:22-23)




Kaya itong "an-ayr" tumutukoy ito sa kasarian o Gender "Male Gender" na itong Jesus na taga Nazaret ay "lalaking" pinatunayan ng Dios. na ibinigay sa takdang pasiya at paunang kaalaman ng Dios.ay ipaglilihi at ipapanganak ng isang dalaga.

Natupad ito sa hula ng propetang si Isaias,   

Sapagka't sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalake; at ang pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat: at ang kaniyang pangalan ay tatawaging Kamanghamangha, Tagapayo, Makapangyarihang Dios, Walang hanggang Ama, Pangulo ng Kapayapaan.(Isaias 9:6)

Ito palang ipapanganak na isang bata ay tatawaging "Makapangyarihang Dios " walang hanggang Ama , at Pangulo ng kapayapaan.

na sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalake "an-ayr" .natupad ito ng ibigay ng Dios Ama ang kanyang bugtong na anak.

Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.(Juan 3:16)


Na bagama't nasa anyo ng Dios ay nagpakakababa bagkus hinubad niya ito ,at naganyong alipin,na nakitulad sa mga tao.

"Na siya, bagama't nasa anyong Dios, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios, Kundi bagkus hinubad niya ito, at naganyong alipin, na nakitulad sa mga tao:(Fil.2:6-7)

Ginawa ito ng Dios Ama ng isugo niya kanyang bugtong na anak sa sanlibutan.(Gal.4:6) at nagkatawang tao.(Juan 1:1-3,14,18,Isa.9:6)

kaya nung magkatawang tao nasa anyo ng "isang lalake" (an-ayr) 

Comments

Popular Posts