KRISTO HINDI MAKAGAGAWA SA KANIYANG SARILI? BAKIT




Sumagot nga si Jesus at sinabi sa kanila, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi makagagawa ang Anak ng anoman sa kaniyang sarili kundi ang makita niyang gawin ng Ama; sapagka't ang lahat ng mga bagay na kaniyang ginagawa, ay ang mga ito rin naman ang ginagawa ng Anak sa gayon ding paraan.(Juan 5:19)



Paano ba inuunawa ang Juan 5:19 "Totoo ba hindi makagagawa ang Anak ng isang bagay sa kaniyang sarili? Ano ba ang ibig sabihin na hindi makagagawa ang Anak sa kaniyang sarili kundi ang makita niyang gawin ng Ama.



Una ang talata na ito ay hindi patunay na hindi Dios ang Panginoong Jesu Cristo bagkus ito ang patunay sa pagiging Anak ng Dios ng ating Panginoong Jesu cristo.

Paano ba gumagawa ang Anak?


"Datapuwa't sinagot sila ni Jesus, Hanggang ngayo'y gumagawa ang aking Ama, at ako'y gumagawa. (Juan 5:17)

Gumagawa ang Anak kung paano gumagawa ang Ama.ngayon paano ba ginagawa ng Anak ang ginagawa ng Ama?


Hindi ako makagagawa ng anoman sa aking sarili: humahatol ako ayon sa aking naririnig: at ang paghatol ko'y matuwid; sapagka't hindi ko pinaghahanap ang aking sariling kalooban, kundi ang kalooban niyaong nagsugo sa akin.(Juan 5:30)



Ginagawa ng Anak ang ginagawa ng Ama na hindi niya hinahanap ang kaniyang sariling kalooban bagkus ang kalooban ng Amang nagsugo sa kaniya.kaya gumagawa ang anak ayon sa kalooban ng Ama na makita niyang gawin ng Ama na ginagawa ng Anak sa gayon rin paraan .



Paano sabihin ni Kristo na ang ginagawa niya yaong makita niyang gawin  ng Ama kung hindi sila magkasama sa isang panahon kaya ito nasabi ng ating Panginoong Jesu- cristo dahil may panahon na itong Ama at ang Anak ay magkasama.(Juan 1:1,Juan 17:22)

Ito ang patunay sa pagkakaroon ng "Unity" ng Ama at ng kanyang Anak.(Juan 10:30,Juan 17:22) na gumagawa ang Anak ayon sa kalooban ng kanyang Ama na kanyang makita na ginagawa ng Ama. isang katangian ng pagiging masunuring Anak sa kanyang Ama.

"Na siya, bagama't nasa anyong Dios, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios, Kundi bagkus hinubad niya ito, at naganyong alipin, na nakitulad sa mga tao: At palibhasa'y nasumpungan sa anyong tao, siya'y nagpakababa sa kaniyang sarili, na nagmasunurin..."(Filipos 2:6-8)

Kaya kung nasabi man ng ating Panginoong Jesu Cristo na "Hindi ako makagagawa ng anoman sa aking sarili ? sa dahilan na si Cristo bilang masunuring Anak ng Dios Ama ay gumagawa ayon sa pinag uutos sa kanya ng Ama na gawin.(Juan 6:38,Juan 8:28,55)at ano man ang ginagawa ng Anak ay yaong makita niyang ginagawa ng Ama sapagkat nagkakaisa ng kalooban ang Anak at Ama hindi gumagawa ang Anak ng bagay na labag o hindi kasang-ayon sa kalooban ng kanyang Ama. bagkus gumagawa ang Anak ayon sa kalooban ng kanyang Ama.

Ang sariling kalooban ni Cristo ay nasasang-ayun sa sariling kalooban ng Ama. tanda ng pagiging masunurin at pagpapasakop ng Anak sa kanyang Ama kung paano sa langit gayon din sa lupa.(Mat.6:10)


Comments

Popular Posts