KUNG DIOS SI JESUS BAKIT TINUKSO




Ngayon tatalakay na naman tayo ng isang paksa na malimit pinagkakamalian ng mga Kaanib sa Culto ni Manolo (INC 1914)ito ang katanungan ukol sa paksa na "Kung Dios ang ating Panginoong Jesu Cristo bakit siya Tinukso ng Diablo sa ilang ayon sa talata Mateo 10

Ayon sa kanila ang pagtukso daw ng diablo kay Cristo ay kahayagan hindi daw sia ang Dios? kasi ayon sa kanila ang Dios daw ay hindi natutukso?

Basahin natin ang talata na kanilang ginagawang batayan kung TAMA ang kanilang pagka unawa sa talatang nabanggit.

"Nang magkagayo'y inihatid ng Espiritu Santo si Jesus sa ilang upang siya'y tuksuhin ng diablo. At nang siya'y makapagayunong apat na pung araw at apat na pung gabi, sa wakas ay nagutom siya. At ang manunukso ay dumating at nagsabi sa kaniya, Kung ikaw ang Anak ng Dios, ay ipagutos mo na ang mga batong ito ay maging mga tinapay. Datapuwa't siya'y sumagot, at sinabi, Nasusulat, Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa't salitang lumalabas sa bibig ng Dios. Nang magkagayo'y dinala siya ng diablo sa bayang banal; at inilagay siya sa taluktok ng templo,At sa kaniya'y sinabi, Kung ikaw ang Anak ng Dios, ay magpatihulog ka: sapagka't nasusulat, Siya'y magbibilin sa kaniyang mga anghel tungkol sa iyo: at, Aalalayan ka ng kanilang mga kamay, Baka matisod ka ng iyong paa sa isang bato.Sinabi sa kaniya ni Jesus, Nasusulat din naman, Huwag mong tutuksuhin ang Panginoon mong Dios. Muling dinala siya ng diablo sa isang bundok na lubhang mataas, at ipinamalas sa kaniya ang lahat ng mga kaharian sa sanglibutan, at ang kaluwalhatian nila; At sinabi niya sa kaniya, Lahat ng mga bagay na ito ay ibibigay ko sa iyo, kung ikaw ay magpapatirapa at sasambahin mo ako.Nang magkagayo'y sinabi sa kaniya ni Jesus, Humayo ka, Satanas: sapagka't nasusulat, Sa Panginoon mong Dios sasamba ka, at siya lamang ang iyong paglilingkuran.Nang magkagayo'y iniwan siya ng diablo; at narito, nagsidating ang mga anghel at siya'y pinaglingkuran.(Mat.10:1-11)

Ayon sa pagkaunawa ng mga INC 1914 kung Dios si Cristo bakit daw sia Tinukso ng Diablo? sa kanilang pagkaunawa pag Dios hindi daw pwede Tuksuhin ?kaya sa kanila Tao ang kalagayan ni Cristo dahil sa mababaw na katuwiran na si Cristo ay tinukso ng Diablo .

Itong kanilang unawa na pag tinukso ay hindi na Dios ??? Ito ay isang MALING UNAWA sa dahilang ang TUNAY na DIOS ay pwede tuksuhin pero hindi napapatukso

may patunay ba tayo na ang tunay na Dios ay pwede TUKSUHIN? Mayroon !!!

"Sapagka't siya'y ating Dios, at tayo'y bayan ng kaniyang pastulan, at mga tupa ng kaniyang kamay. Ngayon, kung inyong didinggin ang kaniyang tinig! 

Huwag ninyong papagmatigasin ang inyong puso, gaya sa Meriba, gaya sa kaarawan ng Masa sa ilang: Nang tuksuhin ako ng inyong mga magulang, tinikman ako, at nakita ang gawa ko. Apat na pung taong namanglaw ako sa lahing yaon, at aking sinabi, Bayan na nagkakamali sa kanilang puso. At hindi naalaman ang aking mga daan:Kaya't ako'y sumumpa sa aking poot, na sila'y hindi magsisipasok sa aking kapahingahan.(Awit 95:7-11) 

Dito maliwanag ang tunay na Dios ng Israel ay TINUKSO ng Bayang Israel sa ilang ng Meriba dahil kanilang TINUKSO ANG DIOS ang Dios ay napoot sa kanila na anupat sumumpa siya na ang bayang Israel ay hindi magsisipasok sa kanyang kapahingahan dahil pagmamatigas ng kanilang puso ?

Ang tanong Natin sa mga INC 1914 itong bang Dios na Tinukso sa Ilang ng Meriba hindi ba ito TUNAY na DIOS dahil TINUKSO ng BAYANG ISRAEL 

Kung katuwiran kaya hindi TUNAY na DIOS si Cristo dahil TINUKSO NG DIABLO !!!Eh lalabas na HINDI rin Dios ang TINUKSO ng bayang Israel sa ilang ng Meriba !!! Kasi TINUKSO rin 

At ang patunay na natukso nila ang Dios ay napoot ang Dios sa kanila at isinumpa sila na hindi makakapasok sa kanyang kapahingahan !!! 

Kung ganun pwede pala tuksuhin ang Dios pero gaya ng pagtukso ng bayang Israel sa Dios sa ilang ng Meriba ang ating Panginoong Jesu cristo ay hindi rin napatukso sa Diablo

Bagkus sinaway ng Panginoong Jesus ang Diablo sa pagsabi ...."HUWAG MONG TUKSUHIN ANG PANGINOON MONG DIOS ..ito patunay na inaangkin ng Panginoong Jesus na siya ay PANGINOONG DIOS 

Na pilit tuksuhin ng Diablo !!!!! pero hindi siya natukso ng Diablo .sapagkat siya ay PANGINOONG DIOS na hindi napapatukso.(Gal.6:7) palibhasa'y nagbata siya sa pagkatukso ,siya'y makakasasaklolo sa mga tinukso.

Palibhasa'y nagbata siya sa pagkatukso, siya'y makasasaklolo sa mga tinutukso.(Heb.2:18)

Binigyan ng Dios ng Halimbawa ang tao na ang TUKSO ay Pwede batahin kaya siya man bilang Dios na Makapangyarihan ay nagpakita ng Halimbawa na Pwde batahin ang TUKSO.sa pamamagitan ng pagpapahinuhod o pagtitiis.(2 Ped.3:15)

Kaya ang Dios ay TINUKSO pero hindi napatukso !!!! pwede tuksuhin ang Dios pero HINDI MATUTUKSO

Kaya hindi dahilan na dahil TINUKSO NG DIABLO si CRISTO ay HINDI NA DIOS si CRISTO kasi Ang DIOS man ng ISRAEL ay ay TINUKSO NG BAYANG ISRAEL sa ILANG ng Meriba ngunit hindi NATUKSO!!!!

Dahil tinukso ng tao ang Dios nagbigay ang Dios ng utos at ito ang nakasulat.

"Ni huwag din naman nating tuksuhin ang Panginoon ,na gaya ng  ilan sa kanila,at nangapahamak sa pamamagitan ng mga ahas.(1 Cor.10:9)

Pwede rin ang Dios GALITIN ang Patunay kaya GALITIN ng TAO ang Dios para magalab sa kanyang GALIT.(Awit 7:11,2 Mga Hari 24:19-20)

Pwede rin pag alabin ng TAO sa PANINIBUGHO ang Dios.(Exo.20:5)

Pwede rin YAMUTIN ng TAO ang Dios .(Malakias 2:17)

Pwede rin MALUMBAY ang Dios sa TAO.(Gen.6:6) upang magkaroon ng SAMA NG LOOB ANG DIOS.(Awit 6:1)

Lahat ng ito ay kaya GAWIN NG TAO para pasamain ang LOOB NG DIOS kaya hindi kataka-taka na PWEDE rin TUKSUHIN ang Dios!!!!

Pwede rin PAGNAKAWAN ANG DIOS !!!

"Nanakawan baga ng tao ang Dios? gayon ma'y ninanakaw ninyo ako. Nguni't inyong sinasabi, Sa ano ka namin ninakawan? Sa mga ikasangpung bahagi at sa mga handog. Kayo'y nangagsumpa ng sumpa sapagka't inyo akong ninakawan, sa makatuwid baga'y nitong buong bansa.(Malakias 3:8-9)

Ngayon Tanong Mga Culto ni Manalo "HINDI ba DIOS ito dahil NANAKAWAN !!!!

Kaya Argumento ng WaLANG UTAK YANG ARGUMENTO NG MGA MINISTRO NI MANALO!!!

Comments

  1. Hindi Lang si Crist0 Ang tinukso Ng diablow tagpong pati Ang Dios. Sa papaanong paraan tinukso Ng jablow Ang Dios? Sa pamamagitan Ng pagsitas Niya sa talata na binago Ang kahulugan na nakasulat sa Awit.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts