MAY DIOS BANG TINULI





Kung Dios ang Cristo Bakit siya tinuli? May Dios Bang Tinuli!!!!

Ito ang isa mga ginagamit ng mga INC 1914 na argumento para patunayan nila na hindi Dios ang ating Panginoong Jesu Cristo na ayon sa kanila hindi DAW maari maging Dios si Cristo sapagkat hindi maaring tuliin ang Dios.

Dahil si Cristo ay tinuli hindi daw Dios si Cristo ito ang kanilang makitid na unawa sabagay kung ating susundin ang kanilang argumento wala namang may naka sulat na pag tinuli ang Dios ay hindi na Dios ito ay wala sa Banal na kasulatan .

Ang ginamit ng mga INC 1914 ay ang nakatala sa aklat ng evangelistang si Lucas na pagtuli sa ating Panginoong Jesu Cristo sa ikawalong araw ayon sa LUCAS 2:21

Sa tuwing binabasa nila ito "ITATANONG nila agad sayo "MAY DIOS BANG TINULI!!!! sa kanila dahil tinuli si cristo ay HINDI DIOS ganon sila umunawa ng talata .

Ngayon pag-aaralan natin bakit ang Panginoong Jesu Cristo ay Tinuli ?Kabawasan ba sa pagka Dios ni Cristo ang pagtuli sa kanya !!!Ano ang ibig ituro ng pagtuli sa ating Panginoong Jesu Cristo sa isang taong sumasampalataya.

Ito ngayon ang ating pag-aaralan.Una nating Tanong Bakit tinuli ang ating Panginoong Jesu Cristo ano ang dahilan?

Basahin natin ang patotoo ng Banal na kasulatan sa Isaias 9:6

" Sapagka't sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalake; at ang pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat: at ang kaniyang pangalan ay tatawaging Kamanghamangha, Tagapayo, Makapangyarihang Dios, Walang hanggang Ama, Pangulo ng Kapayapaan."

Ayon sa Hula ng Propetang si Isaias mayroong batang ipapanganak , isang ANAK na LALAKE at ang pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat at ang kaniyang pangalan ay tatawaging kamanghamangha ,Tagapayo, MAKAPANGYARIHANG DIOS ,at Walang hanggang Ama, at Pangulo ng kapayapaan.kaya sa hula palang ng Propetang si Isaias hinula niya na may Dios na magkakatawang tao sa anyo ng ANAK NA LALAKE na ang pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat na ang kaniyang pangalan tatawaging MAKAPANGYARIHANG DIOS

Bakit tatawaging Makapangyarihang Dios ang ANAK na LALAKE na batang ipapanganak ayon sa hula.

At siya'y manganganak ng isang lalake; at ang pangalang itatawag mo sa kaniya'y JESUS; sapagka't ililigtas niya ang kaniyang bayan sa kanilang mga kasalanan. At nangyari nga ang lahat ng ito, upang maganap ang sinalita ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta, na nagsasabi, Narito, ang dalaga'y magdadalang-tao at manganganak ng isang lalake, At ang pangalang itatawag nila sa kaniya ay Emmanuel; na kung liliwanagin, ay sumasa atin ang Dios.(Mateo 1:21-23) 

Kaya pala tatawaging MAKAPANGYARIHANG DIOS ang batang ipapanganak sapagkat siya ay ang IMMANUEL na kung liliwanagin ay sumasa atin ang DIOS na siyang magliligtas ng kaniyang bayan sa kanilang mga Kasalanan.

Kaya nuon pa man ay pinanukala ng Dios ang pagkakatawang tao niya.(Juan 1:1-3,14) na ayon sa hula ay ipaglilihi siya ng isang dalaga at ang dalagang ito ay manganganak ng isang LALAKE.

Kaya nuon pa man pinanukala na ang magiging kasarian ng Anak ng Dios sa kanyang pagkakatawang tao ay isang LALAKE kaya isinugo ng Dios Ama ang kanyang Anak sa sanlibutan.(Jn.3:16)

Datapuwa't nang dumating ang kapanahunan, ay sinugo ng Dios ang kaniyang Anak, na ipinanganak ng isang babae, na ipinanganak sa ilalim ng kautusan, Upang matubos niya ang nangasa ilalim ng kautusan, upang matanggap natin ang pagkukupkop sa mga anak. At sapagka't kayo'y mga anak, ay sinugo ng Dios ang Espiritu ng kaniyang Anak sa ating mga puso, na sumisigaw, Abba, Ama.(Gal.4:4-6) 

Itong Anak ng Dios na isinugo ng Dios Ama sa sanlibutan ay ipinanganak ng isang babae na ipinanganak sa ilalim ng kautusan, upang matubos niya ang nangasa ilalim ng kautusan at matanggap nila ang pagkukupkop sa mga anak.kaya nung si Cristo ay isinugo at nagkatawang Tao siya ay ipinanganak sa ilalim ng kautusan upang ganapin ang kautusan.(Mat.5:17)

Kaya't pagpasok niya sa sanglibutan, ay sinasabi, Hain at handog ay hindi mo ibig. Nguni't isang katawan ang sa akin ay inihanda mo; Sa mga handog na susunugin at mga haing patungkol sa mga kasalanan ay hindi ka nalugod. Nang magkagayo'y sinabi ko, Narito, ako'y pumarito (sa balumbon ng aklat ay nasusulat tungkol sa akin.) Upang gawin, Oh Dios, ang iyong kalooban.(Heb.10:5-7) 

Kaya ng pumasok si Cristo sa sanlibutan nung siya ay magkatawang tao.(Jn.1:1,14)ay ipinaghanda siya ng isang katawan na pumaparito sa balumbon ng aklat ay nasusulat tungkol sa kaniya upang gawin ang kalooban ng Amang Dios na nagsugo sa kanya at siya ay ipinanganak ayon sa Laman. na ipinanganak ng babae sa ilalim ng kautusan.

Ngayon Dahil ANAK NA LALAKE ang pinili ng ANAK ng Dios na maging kasarian nung siya ay magkatawang TAO.

Natural lang na "TUTULIIN siya !!!!sapagkat ipinananak siya ng isang babae sa ILALIM ng KAUTUSAN


At ayon sa KAUTUSAN ang bawat lalakeng ipapanganak ay TUTULIIN sa ikawalong araw ng kanyang pagka panganak at ito ay tanda ng tipan ng Dios sa mga binhi ni Abraham na kung saan tutuliin ang laman ng balat na masama.

At sinabi pa ng Dios kay Abraham, At tungkol sa iyo, iingatan mo ang aking tipan, iingatan mo at ng iyong binhi pagkamatay mo, sa buong kalahian nila. Ito ang aking tipan na inyong iingatan sa akin at sa inyo, at ng iyong binhi, pagkamatay mo; tutuliin ang bawa't lalake sa inyo. At kayo'y tutuliin sa laman ng inyong balat ng masama; at ito ang magiging tanda ng aking tipan sa inyo. At ang may walong araw ay tutuliin sa inyo, ang bawa't lalake sa buong kalahian ninyo; ang ipinanganak sa bahay, o ang binili ng salapi sa sinomang taga ibang lupa na hindi sa iyong lahi. Ang ipinanganak sa bahay at ang binili ng iyong salapi, ay dapat tuliin: at ang aking tipan ay sasa iyong laman na pinakatipang walang hanggan. At ang lalaking hindi tuli, na hindi tinuli ang laman ng kaniyang balat ng masama, ang taong yaon ay mahihiwalay sa kaniyang bayan; sinira niya ang aking tipan.(Gen.17:9-14) 


Dahil dito bilang ipinanganak sa ilalim ng kautusan ay tinuli rin si Cristo ayon sa Laman, na ipinanganak sa binhi ni David ayon sa laman.


Na kaniyang ipinangako nang una sa pamamagitan ng kaniyang mga propeta sa mga banal na kasulatan,Tungkol sa kaniyang Anak, na ipinanganak sa binhi ni David ayon sa laman.(Rom.1:2-3) 

Kaya ang pinili ng Anak ng Dios na KATAWAN (LAMAN NA KATAWAN) nung ito ay magkatawang tao.(Jn.1:1,14) ay isang KATAWANG JUDIO na mula sa binhi ni David ayon sa laman.


Dahil ayon sa laman ay nag mula siya sa BINHI NI DAVID inaatas ng kautusan na marapat siya ay TULIIN sapagkat ang bawat lalake sa binhi ni David ay tinutuli sa pagsapit ng ikawalong araw alinsunod sa kautusan at tipan ng Dios sa mga anak ni Abraham.


Kaya si Cristo ay Tinuli sa laman alinsunod sa kautusan na kanyang gaganapin sapagkat ito ang kalooban ng Dios Ama sa kanya na kanyang gaganapin.

Then said I, Lo, I come: in the volume of the book it is written of me.
I delight to do thy will, O my God: yea, thy law is within my heart.(Psalms 40:7-8)

Ngayon isa pang Dahilan kung bakit Tinuli si Cristo sa laman sapagkat siya ay nakitulad sa mga Tao at ang pagtutuli ay isa kaugalian ng tao na kung saan siya ay nakitulad.

Mangagkaroon kayo sa inyo ng pagiisip, na ito'y na kay Cristo Jesus din naman: Na siya, bagama't nasa anyong Dios, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios, Kundi bagkus hinubad niya ito, at naganyong alipin, na nakitulad sa mga tao.(Fil.2:5-7) 

At sa pamamagitan ng pagtulad ni Cristo sa mga Tao ay nagpakita siya ng mabuting halimbawa (Example) sa mga tao ukol sa pagsunod o pagganap sa Kalooban ng Dios

Kung saan Bagamat Anak ng Dios ay naging Masunurin siya sa kayang Ama.

" At palibhasa'y nasumpungan sa anyong tao, siya'y nagpakababa sa kaniyang sarili, na nagmasunurin..."(Fil.2:8)

Nagpakita si Cristo ng Halimbawa na maging Dios na tapat ay tapat sa kanyang salita.(Rom.3:4)na siyang nagsalita siya rin ay tapat na sumusunod sa kanyang salita sapagkat siyay hindi Dios na magsisinungaling sinabi ba niya at HINDI niya GAGAWIN ,O sinalita ba NIYA at HINDI NIYA ISASAGAWA. ibig sabihin lang nito siya DIOS na marunong tumupad sa kanyang salita.

Na kung saan pag siya ay nagsasalita siya rin ay HUWARAN na sumusunod sa kanyang salita!!!!

" Ang Dios ay hindi tao na magsisinungaling, Ni anak ng tao na magsisisi; Sinabi ba niya, at hindi niya gagawin? O sinalita ba niya, at hindi niya isasagawa?(Bilang 23:19) 

Halimbawa ang Dios ay nag utos na HUWAG MAGSINUNGALING.(Lev.19:11) Ang Dios MISMO HINDI NAGSISINUNGALING.(Titos 1:2)

Ito ay isa sa Katangian ng TUNAY na DIOS na HUWARAN sa kanyang salita ating pansinin na itong DIos na HUWARAN sa Kanyang salita ay siya ring DIOS na nag utos na TULIIN ANG BAWAT LALAKE sa binhi ni Abraham.(Gen.17:9-14) ngayon PINAKITA NI CRISTO ANG HUWARAN NG PAGSUNOD ng siya ay MAGKA-TAWANG TAO na kung saan SIYA Man BAGAMAT TUNAY NA DIOS ANAK NG DIOS (1 Juan 5:20) ay NAGPAKITA NG HUWARAN NG PAGSUNOD sa KALOOBAN NG AMANG NAGSUGO SA KANYA.(Jn.4:34) 

Comments

Popular Posts