TRINIDAD "TRINITY"BIBLICAL BA
Isang katanugan ang bumabangon ukol sa "Trinity " ito ba ay Biblical!
Una yong salitang "TRINIDAD o TRINITY "ay hindi masusumpungan sa loob ng Banal na kasulatan ito kinatha lamang ng simbahan hindi rin ito itinuro ng mga propeta o ng Mga apostol ng ating Panginoong Jesu Cristo.
Ayon sa Definasyon nito "Trinity "refer to God three Divine person "The FATHER,SON and HOLY SPIRIT" are distinct yet co-exist ,co-eternal,co-equal,and cosubstantial.
kaya ayon mismo definasyon nito ang Trinidad ay binubuo ng tatlong persona ng Dios na "Co exist, Co eternal at CO-EQUAL,at CO-substantial.
Kung ganon sa mismong kahulugan ng Trinity ito ay DIOS na PANTAY-PANTAY at WALANG PAGKAKAUNGUSAN"
Si THEOPHILUS OF ANTIOCH nuong (170 A.D) ang kauna-unang gumamit salitang "Treas" si TERTULLIAN ginamit ang salitang TRINITAS "TRINITY"nuong 3rd Century para tukuyin ang TATLONG PERSONA ng Dios at Ipinagtibay ang Aral ukol sa trinidad ng simbahan nuong (325 A.D) sa kaunaunahang Konselyo ng Nicaea o "Council of Nicaea.
Una Naniniwala tayo na ang "GOD HEAD" o KA-DIOSAN ay binubuo ng AMA,ANAK at BANAL NA ESPIRITU.(Mat.28:19) na Tunay na IISa sa Pagka Dios.(Juan 10:30,1Cor.12:4-6) ONE-SUBSTANCE.(Gen.3:22)
Ang Hindi natin matanggap ukol sa Ka-Diosan ay ang Pagka Pantay ng AMA,ANAK at BANAL na ESPIRITU sa KADAKILAAN at KAPANGYARIHAN ito salungat sa sinasabi ng banal na kasulatan.
Ito ang Patotoo ng Ating Panginoong Jesu Cristo:
"...Ako'y pasasa AMA sapagkat ang AMA ay LALONG DAKILA KAY SA AKIN.(Juan 14:28)
Dito niliwanag ng ANAK o ng ating PANGINOONG JESUS na HINDI nya KAPANTAY ang Ama sa kadakilaan bagkus ang sinabi nya LALONG DAKILA ang AMA sa KANYA.
inulit ito ng PANGINOON nung sabihin nyang ang AMA ay LALONG DAKILA sa LAHAT
"Ang Aking Ama,na sa kanila ay nagbigay sa akin ay LALONG DAKILA SA LAHAT.(Juan 10:29)
Kung Paano hindi DAKILA ang alipin sa kaniyang PANGINOON ganun din naman HINDI DAKILA ang ISINUGO sa NAGSUGO sa kanya.(Juan 13:16) ang ANAK (JESUS KRISTO) ay ISINUGO Ng AMA .(Juan 17:3) samakatuwid DAKILA ang AMA sa KANYANG ISINUGO na ANAK.Isinusugo din ng AMA ang kanyang BANAL NA ESPIRITU.(Juan 14:26,Awit 104:30)dito maliwanag din DAKILA din ang AMA sa KANYANG BANAL na ESPIRITU na ISINUGO.
ISinugo naman ng ANAK ang BANAL na ESPIRITU.(Juan 15:26)Samakatuwid DAKILA naman ang ANAK sa BANAL na ESPIRITU.
Kaya itong MAT.28:19 ito ay "RANK" ng KADIOSAN sa KADAKILAAN at KAPANGYARIHAN LAGING NAUUNA ANG AMA na SINUSUNDAN ng ANAK at sinusundan naman ng BANAL NA ESPIRITU.
"...At ang PANGULO ni CRISTO ay ang Dios (Ama) .(1 Cor.11:3)
Sino ang kinikila ng ating PANGINOONG JESUS na kanyang PANGULO ang DIOS AMa.
"Sapagkat kaniyang pinasuko ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang paa. datapuwat kung sinasabi ang lahat ng mga bagay ay pinasuko ay maliwanag na itinatangi yaong nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa kaniya.at kung ang lahat ng mga bagay mapasuko na sa kaniya kung magkagayo'y ang anak rin ay pasusukuin naman sa nagpasuko ng lahat ng bagay sa kaniya upang ang DIOS ay maging sa lahat sa lahat.(1 Cor.15:27-28)
Kung mapasuko na ang lahat ng bagay sa ILALIM ng ANAK ang Anak naman ay Susuko sa AMA upang ang Dios ay maging sa lahat sa lahat dito makikita atin kahit ang Anak ay susuko sa ILALIM ng AMA.
Hindi rin makakagawa ang ANAK sa kanyang sarili maliban makita nyang gawin ng AMa.
"...Hindi makagagawa ang ANAK ng anomang sa kaniyang sarili kundi ang makita niyang gawin ng Ama.(Juan 5:19)
Kahit sa kalooban nagpapasakop ang ANAk sa KAGUSTUHAN ng AMA.(Mat.26:39)
Kahit sa pagdidisisyon kung Sino ang papaupuin sa kanan at sa kaliwa ng ANAk sa Kaharian sa Langit ay AMa ang nagpapasya hindi ang Anak.(Mat.20:23)
Ang AMa ay ALMIGHTY GOD.(2 Cor.6:18)ang ANAK naman ay MIGHTY GOD.(Isa.9:6)
Dito makikita natin na MAKAPANGYARIHAN sa LAHAT ANG AMA .(Gen.17:1)
Ang AMA tinatawag na DIOS na KATAAS-TAASAN.(Awit 57:2,Awit 97:9)ang ANAk naman at tinatawag na ANAK NG KATAAS-TAASANG DIOS.(Luc.1:31-32) at BANAL NA ESPIRITU ay tinatawag naman KAPANGYARIHAN NG KATAAS-TAASAN.(Lucas 1:35)
May ALAM ang AMa na hindi ALAM ng ANAK!
"Ngunit tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam kahit ang mga anghel sa langit ,kahit ang ANAK kundi ang AMa lamang.(Mat.24:36)
Ang Dios AMa ay WALANG KAGAYA sa kanyang KADAKILAAN at KAPANGYARIHAN.(2 Sam.7:22,1 kings 8:23,Jer.10:6) Wala siyang may Nakikilalang IBA na MAS DAKILA at Mas MAKAPANGYARIHAN kay sa KANYA .(Isa.44:8,2 Sam.7:22) hindi pantay ang kadakilaan at Kapangyarihan ng Ama sa Anak mas lalong makapangyarihan at dakila ang Ama sa Anak at Banal na espiritu ito ay makikita natin ang pagkakasunod sunod ng ranggo ng tatlo na kung saan Una ang AMA, at sinundan ng ANAK at ng BANAL NA ESPIRITU.(Mat.28:19) kaya ang AMA ay ang KATAAS-TAASANG DIOS.(Gen.14:19) ang salitang KATAAS-TAASAN ay nangangahulugan ng BAHAGAN ng KAPANGYARIHAN na nakakataas sa Iba.
Sapagka't ang Panginoon (o AMa) ay dakilang Dios, at dakilang Hari sa lahat ng mga dios (samakatuwid bagay sa aNAK at sa Espiritu Santo), (Awit 95:3)
Comments
Post a Comment