SINO ANG BUMUBUO SA DIOS NA "ECHAD"


Ngayon tatalakayin natin ang IISANG DIOS sino-sino ang bumubuo sa IISANG DIOS!




Tayo ay sumasampalataya ng may IISANG DIOS lamang na LUMIKHA ng mga  Langit at Lupa at LAHAT ng BAGAY na ating nakikita at hindi nakikita siya  ang "DIOS  na MANLALANG" 

Itinuturo ng Banal na kasulatan na may IISANG "ECHAD" na DIOS lamang.

"Ngayon  ang isang tagapamagitan ay hindi tagamagitan ng iisa ;datapuwat ang DIOS ay IISA."(Gal.3:20)

Kaya dito maliwanag na may IISANG DIOS lamang na itinuturo!...  
 "Shema Yisrael ADONAI Eloheinu adonai ECHAD.(Deut.6:4)

IISANG PANGINOON "ADONAI ECHAD" lamang.

"At sinabi sa kanila ni Jesus bakit mo tinatawag mo akong mabuti?walang mabuti kundi ISA lamang ang Dios.(Mar.10:18)

Ngayon SINO itong Dios na IISA o (ECHAD)?

Ito ang tinatawag na "KA-DIOSAN" o "GODHEAD"

For the invisible things of him from the creation of the world are clearly seen, being understood by the things that are made, even his eternal power and Godhead; so that they are without excuse:(Romans 1:20)


Na ito ang "AMA" ang ANAK "JESU- CRISTO at ang BANAL NA ESPIRITU 

"Go ye therefore, and teach all nations, baptizing them in the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Ghost:(Matthew 28:19)

"At ang panaling "tatlong ikid" ay hindi napapatid na madali.(Ecle.4:12)

Ito ang "ONE GOD" o "ONE LORD" o "ECHAD" sa Hebrew at "HEN" or "HEIS" sa Greek.




Echad has a spectrum of meanings in the Hebrew Bible. To say it means"compound unity"


"Echad" Hebrew word, "echad" which is used most often as a unified one, a corporate one, and sometimes as numeric oneness. For example, when God said in Genesis 2:24 "the two shall become one [echad] flesh" it is the same word for "one" that was used in Deut 6:4.

"At ang mga filesteo ay nangatatakot ,sapagkat kanilang sinabi ang DIOS ay pumasok sa kampamento..."Sa  Aba natin! Sino ang magliligtas sa atin sa kamay ng MAKAPANGYARIHANG MGA DIOS na ito?ito ang MGA DIOS na nanakit sa mga taga Egipto ng sari-saring salot.(1 Sam.4:7-8)

Sino ang IISANG DIOS (ECHAD) Ito ang "MAKAPANGYARIHANG MGA DIOS" na nagparusa sa Egipto nung ILABAS ni Moses ang bayang Israel sa pagkaalipin ng Egipto.ito rin ang Dios na pinaglingkuran ng Bayang ISRAEL ang "DIOS NG MGA DIOS AT PANGINOON NG MGA PANGINOON


"Sapagkat ang PANGINOON ninyong DIOS ay siyang DIOS NG MGA DIOS at PANGINOON ng MGA PANGINOON siyang DAKILANG DIOS.."(Deut.10:17)

IISANG DIOS ngunit DIOS NG MGA DIOS at PANGINOON NG MGA PANGINOON.

Ano ang katunayan na ITONG IISANG DIOS AY DIOS NG MGA DIOS AT PANGINOON NG MGA PANGINOON?

"At sinabi ng DIOS ,lalangin NATIN ang tao sa ATING larawan ,ayon sa ATING WANGIS..."(Gen.1:26)

Ito palang IISANG DIOS na MANLALANG may MGA KA-NATIN na MANLALANG rin AT IISA ANG MGA ITO SA LARAWAN AT WANGIS.(Gen.1:26)

"At sinabi ng Panginoong DIOS narito't ang tao'y naging isa sa ATIN na nakakakilalan ng mabuti at ng masama..."(Gen.3:22)

"At sinabi ng PANGINOON ,narito ,silay iisang bayan at silang lahat ay may isang wika.at ito ang kanilang pinasimulang gawin at ngayon nga'y walang makakasawata sa anomang kanilang balaking gawin.HALI KAYO !TAYO'y bumaba at diyan din ay ATING guluhin ang kanilang wika.."(Gen.10:6-7)

Kaya NOON pa man sa MATANDANG TIPAN mababanaag na natin ang IISANG DIOS ay may MGA KA-NATIN na KAMANLALANG at KAISA nya sa LARAWAN at WANGIS

"At narinig ko ang tinig ng Panginoon na nagsasabi sinong susuguin ko at sinong yayaon sa ganang AMIN.(Isa.6:8)

At sa Bagong Tipan ng Suguin ng Dios ang kanyang Anak sa lupa ng magkatawang tao ito.(Juan 1:1,14,18) Itinuro nyo at ipinahayag sa Mga tao na ang Mag Ka- natin  na mga Manlalang  ay ang AMA ,ang ANAK (Jesu Cristo) at ANG BANAL NA ESPIRITU.


"Dahil dito magsiyaon nga kayo at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa na sila'y inyong bautismuhan sa PANGALAN ng AMA at ng ANAK at ng BANAL na ESPIRITU.(Mat.28:19)

"At Biyaya ng PANGINOONG JESU CRISTO at ang Pagibig ng DIOS at ang pakikipisan ng SANTONG ESPIRITU ay sumainyong nawang lahat.(2 Cor.13:14)



Ngayo'y ipinamamanhik ko sa inyo mga kapatid alangalang sa PANGINOON natin JESU CRISTO ,at sa PAG-IBIG NG ESPIRITU,na kayo'y makipagsikap na kasama ko sa inyong MGA pananalangin sa DIOS (AMA) patungkol sa akin.(Rom.15:30)

Dito makikita natin na ang IISANG DIOS na tinutukoy na MAG -KANATIN sa genesis ay BINUBUO ng AMA ng ANAK at Ng BANAL NA ESPIRITU makikita natin ang PRESENCE ng Tatlong ITO ng Bautismuhan ang ANAK NG DIOS (Jesu Cristo ) ni Juan Bautista sa ILOG ng Jordan nandoon ang AMA ,ang Presence ng ESPIRITU  SANTO na Nanaog mula sa Langit at ang ANAK .(Mat 3:16-17)



"Manalangin sa ESPIRITU SANTO,manatili sa pagibig ng DIOS (AMA) at umasa sa awa ng ating PANGINOONG JESU CRISTO .(Judas 20-21)

Iisa rin ang TATLO sa kalagayan ng Pagiging ESPIRITU

Ang Ama Espiritu.(Juan 4:23) ang Anak ay Espiritu na nagbibigay buhay.(1 Cor.15:45) at Ang BANAL NA ESPIRITU.(Juan 14:26) at ANG DIOS AY ESPIRITU.(Juan 4:24)

Iisa rin sila sa Pagiging PANGINOON (Kyrios)

Ang Ama Panginoon.(Luc.10:21) ang Anak Panginoon.(luc.2:11,2 Cor.1:2) at BANAL na  Espiritu ay Panginoon .(2 Cor.3:17)

Iisa rin sila sa pagiging Tunay na Dios (Theou)

Ang AMa tunay na Dios.(Juan 17:1-3) ang Anak Tunay na Dios.(1 Juan 5:20) at Banal na Espiritu Tunay na Dios.(Gaw.5:3-4,Heb.3:7-11)

Iisa rin sila sa Pagiging Manlalang.

Ang Ama ay Manlalang.(Mal.2:10) ang Anak Manlalang.(Gawa 3:15,Juan 1:1-2) at Ang Banal Espiritu ay manlalang.(Job 33:4,Awit 104:30)

Ang Ama ay mabuti (Mark.10:18) ang Anak ay mabuti.(John 10:14) ang Espiritu Santo ay mabuti.(Psalms 143:10)

Ang IISANG Dios na dapat sambahin.(Mat.4:10) ay Ang AMA.(Juan 4:23,Mat.6:9,Efe.4:14) ang ANAK.(Fil.2:10-11,1Ped.3:15,Mat.28:16-17) at ang BANAL na Espiritu.(Fil.3:3,Isa.30:1)

Ito ang IISANG DIOS ..."At sinabi ni Jesus AKO at ang AMA ay IISA.(Juan 10:30) ang AMA, ANAK ,at ang BANAL na ESPIRITU ay ang IISANG DIOS , ang IISANG PANGINOON at ang IISANG ESPIRITU.

Co -Eternal at Co Exist ..."ANg AMa.(Isa.63:16,1 Tim.6:16-17) ang ANAK.(Mikas 5:2) at BANAL na ESPIRITU.(Heb.9:14)

Ang Kamanlalang ng Dios AMA sa pasimula ay ang VERBO.(John 1:1-2) at ang BANAL na ESPIRITU.(Gen.1:1-2)  ito ang bumubuo sa IISANG DIOS .


Nang isugo ng Ama ang Anak sa Lupa si Kristo ang naging Dios sa Lupa.mayroon Dios sa Langit mayroong Dios sa Lupa? dalawang Dios ito.


I want you to swear by the LORD, the God of heaven and the God of earth, ..":(Genesis 24:3)

Dalawa rin ang Panginoon?

Of David. A psalm. The LORD (YHWH)  says to my lord (YHWH): "Sit at my right hand until I make your enemies a footstool for your feet."(Psalms 110:1)

Sa langit mayroong MGA HARI ?


Kasuklamsuklam sa mga hari na gumawa ng kasamaan: sapagka't ang luklukan ay natatatag sa pamamagitan ng katuwiran. Mga matuwid na labi ay kaluguran ng mga hari; at kanilang iniibig ang nagsasalita ng matuwid. (Kawikaan 16:12-13)

Ang Panginoong Dios at ang Kaban ng kanyang kalalasan?

Bumangon ka, Oh Panginoon, sa iyong pahingahang dako: ikaw, at ang kaban ng iyong kalakasan. (Awit 132:8)



Si Kristo ang Kaban ng kanyang kalakasan.(1Cor.1:24,Heb.4:16).

Ngayon ang Tanong ILAN ANG DIOS?

May "Echad" o UNIFIED ONE NA DIOS.(Deut.6:4,Gal.3:20) na Magka-NATIN sa larawan at wangis.(Gen.1:26) na binubuo ng AMA ng ANAK at ng BANAL NA ESPIRITU.(Mat.28:19) ang AMA ay TUNAY.(Juan 17:1-3) ang ANAK ay TUNAY.(1Juan 5:20) at ang ESPIRITU SANTO ay TUNAY.(Gawa 5:3-4,Heb.3:7-11).

Sa Templo ng Dios naruon ang LAHAT NA TINATAWAG NA DIOS o SINASAMBA na kung saan sasalansang o lalaban ang ANTI-KRISTO.

Huwag kayong padaya kanino man sa anomang paraan: sapagka't ito'y hindi darating, maliban nang dumating mula ang pagtaliwakas, at mahayag ang taong makasalanan, ang anak ng kapahamakan, Na sumasalangsang at nagmamataas laban sa LAHAT NA TINATAWAG NA DIOS (samakatuwid ang AMA,ang ANAK at ang BANAL NA ESPIRITU) o SINASAMBA ; ano pa't siya'y nauupo sa templo ng Dios, na siya'y nagtatanyag sa kaniyang sarili na tulad sa Dios. (2 Tesalonica 2:3-4)

Dito maliwanag na sa Templo ng Dios na siyang IGLESIA.(Efe.2:19-22) hindi lang ang Ama ang tinatawag na Dios kundi Bukod sa Ama ay mayroon pang tinatawag na Dios o sinasamba at ito nga ay ang  ANAK at ang BANAL NA ESPIRITU na kung saan ang ANTI-KRISTO ay sasalansang laban dito.

Comments

Popular Posts