MARIA WALANG HANGGANG BERHIN

Ang Paksa natin ay "Totoo ba na Ina ng ating Panginoon Jesus na Si Maria " ay Walang hanggang berhin At totoo ba si Jesus lang ang Anak ni Maria .



Ang usapin ukol sa pagiging Walang hanggang Berhin ni Maria ay matagal ng usapin ng simbahan ang Iglesia Katolika ay naniniwala na si Maria at Jose hindi nagkaroon pagsasama upang bumuo ng anak kaya walang mga kapatid si Jesus sa Laman na anak ni Maria kay Jose.

Ito ba ay Biblical hindi nga ba nagtalik si Jose at Maria kahit sila ay mag-asawa? Ano patotoo ng kasulatan ukol sa usaping ito.

Sabi ng Ulat ni Mateo "At hindi NAKILALA siya hanggang sa maipanganak ang isang lalaki ;at tinawag niya ang kaniyang pangalang JESUS.(Mat.1:25)

Samakatuwid hindi nakilala ni Jose si Maria hanggang sa maipanganak si Jesus therefore nakilala ni Jose si Maria nung maipanganak na si Jesus "Kasi ang katumbas ng NAKILALA ay nagtalik at nagkaanak.(Gen.4:1)...At "Nakilala ni Adam si Eva na kaniyang Asawa at siyay naglihi at ipinanganak si Cain"...kaya katumbas nung NAKILALA ay nagsama bilang mag-asawa na kung saan nagtalik sila at nagkaroon ng mga Anak .

Hindi naman masama na magtalik si Maria at Jose kasi una mag-asawa sila sa Mata ng Dios.(Mat.1:20)at Utos sa mag-asawa ang magkaroon ng mga supling.(Gen.1:28)

At si Jesus Mismo ay tinawag na "FIRSTBORN SON " ibig sabihin siya ang panganay sa mga anak ng kanyang Ina."And knew her not till she had brought forth her FIRSTBORN SON;and called his name JESUS.(Mat.1:25)

Sa ulat ni San Mateo ,Marcos at Lucas,at Juan  binanggit ng apat na  writter na ito ang MGA KAPATID ni JESUS na kasama ng kanyang Ina.(Mat.12:46-50,Mar.3:31-35,Luc.8:19-21,Juan 2:12)

"At may nagsabi sa kaniya ,narito ang iyong Ina at ang iyong MGA KAPATID ay nangakatayo sa labas ,na ibig nilang makausap ka."

Ito ang mga kapatid ni Jesus sa Laman na anak ng kanyang Ina kay Jose ..."Hindi baga ito ang anak ng anluwagi ?hindi baga tinatawag na Maria ang kaniyang Ina ?at Santiago ,at Jose ,at Simon ,at Judas at kaniyang mga kapatid ?At ang kaniyang mga kapatid na babae ,hindi baga silan ahat ay nanga sa atin ?(Mat.13:54-56,Mar.6:1-3)

Nagkaroon din ng mga kapatid si Jesus na ank ng kanyang Ina na hindi naging mga mananampalataya.(Juan 7:3-10) ngunit karamihan sa mga kapatid ni Jesus ay nakasama ng kanilang ina na maging mananampalataya.(Acts 1:14) ang isa dyan ay si Santiago na kapatid ni Jesus.(Gal.1:9)

At sa Hula palang sa matandang tipan ay ipinahayag na ang pagkakaroon ng mga anak ni Maria kay Jesus ..."I became a stranger unto MY BROTHER ,and alien unto my mother CHILDREN .for the zeal of thine house hath eaten me up.(Psalms 69:8-9)

Ang katuparan nito ay ang John 15:25..."kaya dito maliwanag na may mga kapatid si Jesus sa laman na anak ng kanyang Ina na kanyang mga kapatid kaya hindi nanatiling berhin si Maria kasi nagkaroon sia ng mga anak kay Jose.

Ito ang mga kapatid ni Jesus sa Laman na anak ng kanyang Ina kaya hindi totoo na FOREVER VIRGEN si Maria kaya nga ng araw ng paskua nung dumalo si Jesus at ang kanyang Ina sa pagdiriwang ng kapistahang ito ay naiwan si Jesus sa Pag-akala ng kanyang Ina na kasama sia sa karamihan ng kanyang mga kapatid .(Luc.2:41-45)

Comments

Popular Posts