HOLY WEEK NG MGA KATOLIKO PATAY ANG DIOS

Sa panahon na tinatawag "Holy Week"ang mga katoliko ay nagtitika sa panahong ito mayroon silang mga pag diriwang un biblical kasama dyan prusisyon ng mga Imahen at rebulto,ang pagbabasa ng pasyon,senakulo at pagpepinetinsiya



Isa rin sa nakakatuwang pagdiriwang nila ay kamatayan ng Cristo sa panahon iyan ayon sa kanila sa araw na yan ay patay ang Dios .kaya mayroon silang rebulto na Jesus na pinaglalamayan na kung saan makikilamay ka doon at hahalik sa nakahigang Cristo na patay .

"Saan man naroon ang BANGKAY ,ay doon mangagkakatipon ang mga uwak.(Mat.24:28)

"Kanilang dinumihan ang aking lupain ng mga BANGKAY ng kanilang karumaldumal na mga bagay ,at kanilang pinuno ang aking mana ng kanilang mg kasuklamsuklam.(Jer.16:18)

itong mga karumaldumal na BANGKAY ang mga karumaldumal na diosdiosan o mga rebulto ng mga huwad na Kristo na gawa sa kahoy at bato.(Jer.3:9)

Sabi ni Jesus "Pabayaan mong ilibing ng mga patay ang kanilang sariling mga patay.(Mat.8:22)

kaya gabi ng lamay ng MGA BANGKAY ng HUWAD na Jesus ay nakikilamay ang mga katoliko na pumupunta sa simbahan kasi patay ang kanilang Dios sa tinatawag nilang "BISITA IGLESIA"

"at gayon din nakita ko ang masama na nakalibing ,at nagsidating sa hukay..."(Ecle 8:10)

"Gayon man 'y dadalhin siya sa libingan at magbabantay ang mga tao sa libingan ang mga bugal ng libis ay mamabutihin niya at ang lahat ng tao ay magsisisunod sa kanya gaya ng una sa kaniya na walang bilang .(Job 21:32-33)

"Sa Aba na niya na nagsasabi sa kahoy GUMISING KA ,at sa PIPING BATO BUMANGON ka !magtuturo baga ito!Narito ,nababalot ng ginto at pilak at walang hinga sa loob niyaon.(Hab.2:19)

Kaya sa mga panahon yaon ang mga Katoliko ay nagdiriwang sa kamatayan ng kanilang DIOS ....pero ang mga Lingkod ng Dios ang Kanilang Panginoong dalawang Libong mahigit na mga Taon na bumangon sa kamatayan at pinagtagumpayan ito at nangabuhay na Muli.(1 Cor.15:1-4)

Marami sa mga kababayan nating mga Katoliko ang naghahanap ng BUHAY na Jesus sa gitna ng mga Patay at HUWad na mga Jesus.(Luc.24:5)

Pero sa mga Lingkod ng Dios "Ngunit kaniyang sinabi BUHAY ANG PANGINOON na nakatayo ako sa harap niya .(2 King's 5:16)

"...Buhay ang DIOS mo Oh Dan..."(Amos 8:14) Buhay magpakailanman.(Deut.32:40,Ezek.20:31)

"Ako ang Dios ni Abraham ,ang Dios ni Isaac ,at ang Dios ni Jacob ?ang Dios ay hindi Dios ng MGA PATAY ,kundi ng Mga BUHAY.(Mat.22:32)

"Yamang kanilang ipinapapakong muli sa ganang kanilang sarili ang ANAK NG DIOS ,at inilalagay na muli siya sa hayag na kahihiyan.(Heb.6:6)

"At ginawa nila ang kaniyang LIBINGAN na kasama ng mga MASAMa.(Isa.53:9)

MGA KAUGALIAN SA TINATAWAG NILANG MAHAL NA ARAW

Prusisyon :O pagpapasan ng mga Imahen at Rebulto;

"Oo,silay nangagbibigkis ng mabigat na pasan ,at mahihirap na dalahin at ipinapasan nila sa mga balikat ng mga tao datapuwat ayaw man lamang nilang kilusin ang kanilang daliri.(Mat.23:4)

"Silay dumudukot ng maraming ginto sa supot at tumitimbang ng pilak sa timbangan ,silay nagsisiupa ng panday ginto at kaniyang ginagawang dios sila'y nangagpapatirapa ,oo,sila'y nagsisisamba PINAPASAN nila silya sa balikat dinadala nila siya at inilalagay siya kaniyang dako,at siya'y nakatayo mula sa kanoyang dako ay hindi makikilos oo may dadaing sa kaniya gayon may hindi siya makasasagot ,o makapagliligtas man sa kaniyang kabagabagan .(Isa.46:6-7)

Ito ang Ginagawa ng mga kababayan nating mga Katoliko sa tinatawag nilang prusisyon ng mga santo o rebulto sa pagdiriwang nila ng mahal na araw pinapasan nila ito at pinaparada sa mga liwasang bayan.

Nagpepenitensiya rin sila na kung saan pinapasama nila ang kanilang mga mukha .

"Bukod dito pagka kayo'y nangagaayuno huwag kayong gaya ng mga mapagpaimbabaw na may mapapanglaw na mukha sapagkat kanilang pinasasama ang mukha nila upang makita ng mga tao..."(Mat.6:16)

Comments

Popular Posts