PURGATORYO BIBLICAL BA

ISa sa masalimoot na aral ng Iglesia katolika ay ang paniniwala sa "Purgatoryo"ayon sa paniniwalang ito ang kaluluwa na hindi nakapagsisi at nasa "state ng venial sin"bago mamatay ay mapupunta sa tinatawag na purgatoryo para doon nya pagbayaran ang kanyang kasalanan nagawa na hindi nya napagsisihan bago siya mamatay na kung saan doon sa daku na iyon dinadalisay ang mga kaluluwa hindi lubusang nakapaglinis.

Ang aral ukol sa "Purgatoyo"indi kailan man binanggit ng Banal na kasulatan ito ay hindi kailan man itinuro ng ating Panginoong Jesu Cristo o ng kanyang mga Apostol o ng mga propeta ...ang aral na ito ay nakatha lamang ayon sa kasaysayan ang paniniwala ukol sa purgatoryo ay kinatha lamang ng isang tao na pangalan ay "Marcion" nung mga ikalawang siglo at tinanggap itong opesyal na doctrina ng simbahan nung lamang (593 A.D)sa pamamagitan ni PoPe Gregory at muling pinagtbay ito sa "Council of Florence (1448 A.D) at nuon (1548 A.D) sa Council of Trent



ayon sa Cacholic Encyclopedia
1.Catcholic Doctrine -Purgatory (Lat.purgare,to make clean ,to purify)"vol.12,p.575
"According to the teaching of the Church ,the state ,place,or condition in the next world ,which will continue until the last judgement ,where the soul of those who die i the state of Grace ,but not yet free from all imperfection,make expiation for unforgiven venial sins or for temporal punishment due to venial and moral sins that have already been forgiven and ,by so doing are purified before they enter heaven."(New Catcholic Encyclopedia,vol.11,p.1034)
Ngayon ano ang masasabi ng Banal na Kasulatan ukol sa Purgatoryo umiiral ba ang daku na ito sa panukat ng salita ng Dios .Ang Banal na Kasulatan ay nagtuturo lamang dako na pupuntahan ng tao ito ang Pagkabuhay ng Mga Gumagawa ng Mabuti sa pagabuhay na maguli sa Buhay at ang Pagkabuhay ng gumagawa ng Masama sa pagkabuhay na maguli sa paghatol.(John 5:28-29)
ito ang Dako na pupuntahan ng mga Pinagpala ng Panginoon at ng mga Isinumpa. ang sa Kanan at ang sa Kaliwa ,ang Tupa at ang Kambing inihanda ng Dios sa kanyang mga Pinagpala ang Kaharian at sa mga Isinumpa ay ang mapasa Apoy na walang hanggan na inihanda sa diablo at sa kanyang mga anghel.(Mat.25:31-34,41)
Dalawang dako lamang naka handa na pupuntahan ng tao ang mababasa natin sa kasulatan walang "3rd Place"o ikatlong dako...ang pagdadalisay ng kaluluwa ay hindi nagaganap sa purgatoryo kundi dito palang sa mundo habang buhay tayo tinuturuan na tayo ng Dios na Maglinis o magdalisay ng ating mga sarili.(Isa.1:16-18,I Juan 3:3) habang buhay ang pagkakataon at pag-asa.(Gal.6:10,Ecle.9:4) walang pag-asa at pagkakataon sa dako ng libingan.


dito sa mundo ang Dalisayan..."Marami ang magpapakalinis at magpapakaputi ,at magdadalisay;ngunit ng masasama ay gagawa na may kasamaan ;at wala sa masasama na makakaunawa ;ngunit silang pantas ay mangakakaunawa.(Dan.12:10)Dito nililinis ang Lingkod ng Dios na gaya ng pagdalisay sa pilak sa apoy.(Job 23:10-12,1Ped.1:7) itinakda ng Dios ang lupa para maglinis tayo ng ating mga sarili. (Zac.13:8-9)
Dahil sa kamatayang ating Pupuntahan ay wala ng paglilinis o pagdadalisay na gagawin ang tao.(Ecle.9:10) kundi isang takdang paghuhukom.(Heb.10:27)
Ngayon ito ang Tanung Totoo ba na ang GAWA ng buhay para sa patay ay makakapagligtas ng PATAY sa Pagkapahamak sa Apoy gaya ng Pagpapamisa at Pagpapanalangin sa mga Patay?
Wala tayong may makita na patotoo mula sa salita ng Dios na ang pagpapamisa at ang pagpapanalangin sa Patay ay Nakapagliligtas sa kaluluwa ng patay sa Apoy ng Pagkapahamak.
Bagkus ang Ating Mababasa ay HAHATULAN ang BAWAT isa ayon sa KANYANG GINAWA at hindi sa GINAWA ng iba.
"Sapagkat ang Anak ng tao ay paparitong nasa kaluwalhatian ng kanyang Ama na kasama ang kaniyang mga anghel ;at kung magkagayo'y bibigyan ang BAWAT TAO AYON SA KANIYANG MGA GAWA.(Mat.16:27)
"At ibinigay ng dagat ang mga patay na nasa kaniya ;at ibinigay ng kamatayan at ng Hades ang mga patay na nasa kanila:at sila 'y hinahatulan BAWAT TAO SA KANIYANG MGA GINAWA.(Apoc.2o:13,Jer.32:19)
Kaya walang kabuluhan ang gagawin ng buhay para sa patay pagdating sa kapalaran ng patay sa paghatol ng Dios.Ang paniniwala sa purgatoryo ay paniniwala sa dako na hindi umiiral at may mga tao na itinititig ang mata sa "WALA".(Kaw.23:5) Ang dako ng purgatoryo ay isang katawatawang aral na kinatha ng Iglesia katolika sapagkat sino ang nakakaalam kung ang isang tao ay napupunta sa dako na yan at hanggang kailan natatapus ang pagdadalisay ?Paano kung isang napunta dyan ay naiahon na at naka pasok na sa paraiso ..nangangahulugan ba ito na magsasayang ka ng pera para ipagpamisa at ipanalangin ang mga kaluluwa ng mga mahal mo sa buhay na hindi mo nalalaman kung napunta sa dako na yan ...paano kung napunta sa iMpeyerno anong silbi ng pagpapamisa at Pananalangin...una sa pontong iyan walang may nakakatiyak ...at wala ring may nakakaalam kung talaga ngang napunta sa daku na yan ang kaluuwa ng nais mong iahon...isa ang maliwanag sa lugar ng purgatoryo dako yan para pagperahan ng Iglesia katolika ang mga mananampalataya nya.
"...Sapagkat sinong MAKAPAGSASAYSAY sa tao kung ano ang MANGYAYARI pagkamatay niya sa ilalim ng araw?.(Ecle.6:12)
Mayroon bang makapagsasaysay sa tao ng mangyayari pagkamatay niya.kaya nga hindi alam ng PARI kung saan ang patay napupunta lahat ng katoliko kung tignan mo napunta lahat sa purgatoryo kasi lahat dapat ipag pamisa.
"Sapagkat hindi niya nalalaman ang mangyayari;sapagkat sinong makapagsasaysay sa kanya kung paanong mangyari.(ecle.8:7)

Comments

  1. Alam nyo Kuya Ely Guadalupe, sa parable of Lazarus and rich man na ginagamit ng mga Catholic Defenders para patunayan na after mamatay ang tao ay punta agad sa hell o heaven ay wala kang mababasa na may nagpunta ng purgatoryo doon.

    alam nyo di nyo nasagot ang isang argumento nila na kaya daw kailangan ng purgatoryo kasi daw kapag namatay ang tao na may kasalanan ay di raw pupunta sa langit at ito ang ginagamit nilang verse:

    Revelation 21:27 "And there shall in no wise enter into it any thing that defileth, neither whatsoever worketh abomination, or maketh a lie: but they which are written in the Lamb's book of life. "

    di puwedeng pumasok sa langit na may kasalanan kaya dapat magpurgatoryo muna.

    ito naman sagutin nyo.

    ReplyDelete
  2. BIBIGyan kita ng PALAISIPAN kapatid nung pumunta ba ang Mayaman sa HADES may nakita ba siya doon na kapwa na MASAMA na napunta rin doon ....cgi kaatid basahin mo ang boung talata pagmay nakita ka na maraming tao doon sa pinuntahan ng mayamang Hangal ay TALO na tayo wag kang mag alalala kapatid sa susunod na mga topic natin ipapaliwanag natin ang kahulugan ng parable na yan

    At ang pinutahan naman ni Lazaro ay NAPAKALAKING SINAPUPUNAN ni ABRAHAM ay nako matinding SINAPUPUNAN yan.Ano sa tingin mo kapatid

    At kung Totoo ang HADES ay Inihanda sa Diablo at sa kanyang mga Anghel bakit naunang napunta ang Mayamang Hangal Doon na hindi lang naman nakita ang Diablo at ang anyang mga Anghel

    Di muba napansin kapatid magkakapit bahay lang Hades at ang dako na pinuntahan ni Lazaro kaya nga natawaw ng mayaman ang pagaliw kay Lazaro

    Pagiisipan mo yan Brod ha Sahalom uli sayo

    ReplyDelete
  3. AH ganon ba saan naman nila nabasa yong may kasalanan ay pupunta muna sa purgatoryo.

    Nung nabayubay sa Krus ang magnanakaw na nakasabay ng Panginoon sa tingin mo Bro may kasalanan ba

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts