BAKIT KABALIKTARAN

Marami marahil ang nagtataka at nakakapansin kung bakit ang aral ng Iglesia Katolika ay salungat at KABALIKTARAN nung aral na naka sulat sa banal na kasulatan. Ito ngayon ang ating Pag-aaralan Bakit Marami sa aral na sinusunod sa Iglesia katolika ay Kabaliktaran sa naka sulat .

Ganito ang sabi ng Salita ng Dios.

"Sapagkat pinalitan nila ang KATOTOHANAN ng Dios ng KASINUNGALINGAN..."(Rom.1:25)

Isa sa tanda ng kaaway ng Dios pinapalitan nila ang katotohanan ng Dios ng kasinungalingan .Sa paanong Paraan ito ang sagot ng kasulatan.

"Sa Aba nila na nagsisitawag ng mabuti ay masama ,at ng masama ay mabuti ;na inaaring dilim ang liwanag ,at liwanag ang dilim ;na inaaring mapait ang matamis ,at matamis ang mapait!(Isa.5:20)

sa mga kaaway ng katotohanan ang masama ay inaaring mabuti at ang mabuti ay inaaring masama kaya sa kanila baliktad ang dilim sa kanila ay liwanag at mapait ay matamis.

Halimbawa sa Ayon sa salita ng Dios Huwag kang gagawa ng par sa iyo larawang inanyuan o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit ,o ng nasa ibaba sa lupa o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa.

Huwag mong Yuyukuran sila o Paglilingkuran man sila .(Exo.20:4-5)

Pero masdan mo ang mga katoliko gumagawa sila ng LARAWANG INANYUAN na kawangis sa anyo ng ano man nasa Langit o anyo ng mga nasa lupa o sa ilalim ng lupa.

Sa Salita ng Dios Huwag manalangin ng Walang kabuluhang paulit ulit.

"At sa pananalangin ninyo ay huwag ninyong gamitin ang WALANG KABULUHANG paulitulit na gaya ng ginagawa ng mga Gentil.."(Mat.6:7)

Pero masdan mo ang ginagawa ng mga katoliko paulit-ulit sila kung mananalangin tulad ng ginagawa nila sa tinatawag nilang pag rorosaryo.

Sa salita ng Dios Bawal ang kumain ng dugo.

"At huwag kayong kakain sa anomang paraan sa dugo ..."(Lev.7:26)

Pero masdan mo ang mga katoliko pagkain nila ang dugo .

Sa mga halimbawa na ipinakita natin kung alin yong kabaliktaran yon ang ginagawa ng iglesia katolika .ang iniutos ng Dios hindi nila sinusunod bagkus ang labag sa utos ng Dios yon naman ang sinusunod .pinalitan nila ang utos ng Dios ng Utos ng mga tao kaya naging walang kabuluhan ang kanilang pagsamba.(Mat.15:8-9)

Dyan maliwanag na sa atin na KABALIKTARAN nga ang aral ng iglesia katolika sa Salita ng Dios na nakasulat sa Banal na kasulatan.

"Gayon may aking tinuruan ang ephraim na lumakad ,aking kinanlong sila sa aking bisig ngunit ngunit hindi nila kinilala na aking pinagaling sila.(Oseas 11:3)


Sa halip sa Dios sila magpasalamat sa mga kagalingan kanilang tinanggap ,sa larawang binubo sila nagbigay ng pagluwalhati at pagpuri.

Comments

  1. Brother, sasabihin nalang po ng Simbahang pagano na yung mga aral na pinagtibay sa Konsejo sa Roma ay dati nang aral ng mga apostol na hindi naisulat sa Bibliya.

    ginagamit nila yung 2 Tesalonica 2:15 at 2 Juan 3:12.

    pero granting w/o accepting na totoo nga yan eh halatang kontra naman sa nakasulat sa Bibliya.

    kasi ang salita ng DIOS ay WALANG LIKO O SUWAIL (Kawikaan 8:8)

    pero brother, mas gusto ko linawin nyo sa mambabasa kung ano ang masasabi nyo sa 2 Tesalonica 2:15 na isang batayan na may di naisulat na aral ni Cristo.

    naipaliwanag nyo na yung 2 Juan 3:12.

    ReplyDelete
  2. Nandyan din ang sagot bro sa talata ng 2 Tes.2:15 na ang itinuro nila sa SALITA ay itinuro din nila sa mga SULAT .

    Kaya Wala Problema sa talata na yan ALImuom nlang ng mga TANGANG tagapagtanggol ng Aral Katoliko yan.

    ReplyDelete
  3. Ito mas matinding palusot.

    1) wala naman daw nakasulat na gumawa ng Bibliya kaya puwede silang gumawa ng mga aral outside the Christianity's jurisdiction.

    2) wala daw naituro si Cristo na magsulat kundi mangaral.

    yung mga aral nila galing sa Konsejo ay tinuro na daw yan ng mga apostol.

    GO BROTHER, sagot pa po bilang added info sa inyong expose rito.

    ReplyDelete
  4. Bigay ako ng natutunan kong apologetics laban dito.

    1) CFDs use John 21:25 para masabi na may di naisulat na aral kasi di lahat ng ginawa ni Jesus ay sinulat. yung ginawa ay aral daw.

    kasi daw tuwing nagmimilagro siya ay pagkatapos agad ay nangangaral.

    ito ay kasinungalingan dahil di lahat ng pagkakataon ay pagkatapos magmilagro ay NAGTUTURO.

    BASA TAYO SA BIBLIYA:

    Mateo 9:18 Samantalang sinasalita niya ang mga bagay na ito sa kanila, narito, dumating ang isang pinuno, at siya'y sinamba, na nagsasabi, Kamamatay pa lamang ng aking anak na babae: datapuwa't halina at ipatong mo ang iyong kamay sa kaniya, at siya'y mabubuhay.

    19 At si Jesus ay nagtindig, at sumama sa kaniya, pati ng kaniyang mga alagad.

    20 At narito, isang babaing inaagasang may labingdalawang taon na, ay lumapit sa kaniyang likuran, at hinipo ang laylayan ng kaniyang damit:

    21 Sapagka't sinabi niya sa kaniyang kalooban, Kung mahipo ko man lamang ang kaniyang damit, ay gagaling ako.

    22 Datapuwa't paglingon ni Jesus at pagkakita sa kaniya, ay sinabi, Anak, laksan mo ang iyong loob; pinagaling ka ng iyong pananampalataya. At gumaling ang babae mula sa oras na yaon.

    23 At nang pumasok si Jesus sa bahay ng pinuno, at makita ang mga tumutugtog ng mga plauta, at ang mga taong nangagkakagulo,

    24 Ay sinabi niya, Magparaan kayo: sapagka't hindi patay ang dalaga, kundi natutulog. At tinawanan nila siya na nililibak.

    25 Datapuwa't nang mapalabas na ang mga tao, ay pumasok siya, at tinangnan niya siya sa kamay; at nagbangon ang dalaga.

    26 At kumalat ang pagkabantog na ito sa buong lupang yaon.

    27 At pagkaraan doon ni Jesus ay sinundan siya ng dalawang lalaking bulag, na nangagsisisigaw, at nangagsasabi, Mahabag ka sa amin, ikaw na Anak ni David.

    28 At nang pumasok siya sa bahay, ay nagsilapit sa kaniya ang mga lalaking bulag: at sinabi sa kanila ni Jesus, Nagsisisampalataya baga kayo na magagawa ko ito? Sinabi nila sa kaniya, Oo, Panginoon.

    29 Nang magkagayo'y kaniyang hinipo ang mga mata nila, na sinasabi, Alinsunod sa inyong pananampalataya ay siyang mangyari sa inyo.

    30 At nangadilat ang kanilang mga mata. At mahigpit na ipinagbilin ni Jesus sa kanila, na sinasabi, Ingatan ninyong sinoma'y huwag makaalam nito.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts