REBULTO at IMAHEN ng KATOLIKO PASADO SA PAGIGING DIOSDIOSAN

Pasado ba sa Pagiging Diosdiosan ang Rebulto at Imahen ng mga Katoliko .ito ngayon ang ating pagusapan sa awa at tulong Dios hindi lingid sa ating mga kababayan na ang iglesia katolika ay nagiingat ng mga larawang inanyuan na kung saan may marubdub silang paggalang at pagpapahalaga sa mga ito.



Bakit natin nasasabi na ang paglilingkod at paggalang ng iglesia katolika sa mga Rebulto at Imahen na kumakatawan sa kanilang "mga santo" ay anyo ng pagsamba sa diosdiosan .

Una inaamin mismo ng Iglesia katolika na sa mga katoliko ay pinapasamba ang mga "SANTO"

10."What is SAINT?"A saint ...is a one who is in heaven ,and has been presented by the church for the PUBLIC WORSHIP of the faithful.

kaya dyan hayag na pinapasamba talaga ang mga "SANTO" presented by the church for the "PUBLIC WORSHIP"

13.Is the WORSHIP OF THE SAINTS confined to thier persons?""No ,it extends also to their RELICS and IMAGES"

Reference:Catchism of Christian Doctrine No.3 pg.86

Hindi lang pala sa "mga santo" ang pagsamba na inuukol ng iglesia katolika sa mga tinatawag nilang mga santo kundi tumatagos din ito sa kanilang mga relikya at mga imahen kaya pala makikitaan natin ng marubdub na pagpapahalaga ang mga kababayan nating katoliko kasi pinapasamba sa kanila ito kaya makikita mo ang mga katoliko na humarap at lumuluhod sa imahen ,nanalangin sa harap ng imahen,humahalik sa imahen,nag-aalay ng pagpuri at handog sa harap ng imahen ang mga ito ay anyo ng kanilang pagsamba sa mga santo na inutos ng simbahan sa mga tapat nyang mananampalataya at tagasunod.

Ngayon alam na natin na pinasasamba ang "mga santo "sa iglesia katolika ?Ang tanung natin ito ba ay utos ng Dios .Ano ang tagubilin ng Dios sa Ukol sa pagsamba.

"Nang magkagayo'y sinabi sa kaniya ni Jesus,Humayo ka satanas :sapagkat nasusulat sa PANGINOON mong DIOS sasamba ka,at siya Lamang ang iyong PAGLINGKURAN.(Mat.4:10)

"...SUMAMBA ka sa DIOS..."(Apoc.19:10,Awit 86:9)

kanino ukol ang Pagsamba at paglilingkod sa "DIOS" lamang kaya ang pagsamba ng mga katoliko sa MGA SANTO ay uri ng pagsamba sa DIOSDIOSAN alam naman natin ang kahulugan ng diosdiosan "HINDI TUNAY NA DIOS o HUWAD NA DIOS".(Gal.4:8)Ang pagpapatirapa at ang pagluhod yan ay Anyo ng Pagsamba (Form of Worship).(Awit 94:6)

Ano ang pagkahahalintulad ng diosdiosan ng mga pagano sa imahen ng mga katoliko

1.Ang diosdiosan ay LARAWANG INUKIT NG TAO o "LARAWANG INANYUAN ito rin ang mga tinatawag ng mga katoliko na santo gawa rin sa LARAWANG INUKIT.(Isa.41:29,Jer.10:3-5,8-9)2.Ang diosdiosan ay gawa ng mga kamay ng tao ganito rin ang IMAHEN ng mga Katoliko.(awit 135:15-17)

3.Ang diosdiosan ay yari sa pilak,ginto,tanso,bakal,kahoy at bato sa ganito rin yari ang IMAHEN Ng mga katoliko.(Dan.5:23)

4.Ang diosdiosan ay NIYUYUKURAN AT PINAGLILINGKURAN ganito rin ang ginagawa ng mga katoliko sa kanilang mga IMAHEN.(Exo.20:5)

5.Ang diosdiosan ay dinadalanginan ng mga pagano at sinasamba ganito rin ang ginagawa ng mga katoliko sa kanilang mga IMAHEN.(Isa.44:17)

6.Ang diosdiosan ay hinahalikan yan din ang ginagawa ng mga katoliko sa kanilang mga IMAHEN.(1 kings 19:18)

7.Ang diosdiosan ay ginagayakan ng may gawa sa kanya diba ganyan din ang ginagawa ng ng mga katoliko sa kanilang IMAHEN.(Jer.10:4,9)

8.Ang diosdiosan ay binubuhat at pinapasan diba ganyan din ang ginagawa ng mga katoliko sa kanilang IMAHEN.(Isa.46:7,Jer.10:5)

"Sapagkat minungkahi nila siya sa galit ng kanilang mga mataas na dako,at kinilos nila siya sa panibugho at kanilang mga larawang inanyuan.(Awit 78:58)

Pasuk na pasuk sa pagiging Diosdiosan ang IMAHEN ng mga katoliko sa panukat biblico ng pagiging diosdiosan.

Comments

Popular Posts