MGA TUNAY NA SANTO HINDI NAGPAPASAMBA

Ang iglesia katolika ay may kakatwang aral ukol sa pagsamba sa mga santo .ngayon ito bang mga aral na ito ay umaayon sa bibliya o ito ay tuwirang pagsalungat sa utos ng Dios .





Una alamin natin ayon sa mga tunay na santo cno ba ang dapat sambahin?

"Huwag sa AMIN,oh Panginoon ,huwag sa AMIN ,kundi sa iyong pangalan ay magbigay kang karangalan ,dahil sa iyong kagandahang -loob at dahil sa iyong katotohanan.(Awit 115:1)

"Iyo ,Oh Panginoon ang KADAKILAAN ,at ang KAPANGYARIHAN ,at ang KALUWALHATIAN ,at ang PAGTATAGUMPAY ,at ang KARANGALAN :sapagkat lahat na nangasa langit at nangasa lupa ay iyo :iyo ang kaharian ,Oh panginoon ,ikaw ay nataas na pangulo ng lahat.(1Cro.29:11)


Pumayag ba ang mga apostol na mga tunay na santo na sila ay Pagpatirapaan at sambahin.


 Pope John Paul II Sinamba ng mga Katoliko

"At nangyari ,na pagpasok ni Pedro ,ay sinalubong siya ni Cornelio at nagpatirapa sa kanyang paanan ,at siya 'y SINAMBA .datapuwat itinindig siya ni pedro ,na sinabi ,magtindig ka,ako man ay tao rin.(Acts 10:25-26)


dyan hayag na makikita natin na hindi pumayag ang apostol Pedro na siya ay sambahin ni Cornelio kaya itinindig nya ito at sinabi nya sya ay tao rin na katulad ni Cornelio alam kasi ni apostol pedro na ang pagsamba ukol lamang sa Dios.(Mat .4:10)at siya ay tao at hindi dios.(Ezek.28:9)


Ano pa ang patunay na hindi pumapayag ang mga Apostol na sila ay sambahin.


"At tinawag nilang Jupiter ,si Bernabe ;at Mercurio si Pablo sapagkat siya ang Pangulong tagapagsalita.At ang saserdote ni jupiter na ang kaniyang templo ay nasa harap ng bayan ,ay nagdala ng mga baka 't mga putong na bulaklak sa mga pintuang -daan ,at ibig maghaing kasama ng mga karamihan .Datapuwat nang marinig ito ng mga apostol ,na si Bernabe at si Pablo ,ay hinapak nila ang kanilang mga damit ,at nagsipagtakbo sa gitna ng karamihan ,na nagsisigaw At nagsisipagsabi,Mga ginoo,bakit ninyo ginagawa ang mga bagay na ito?kami 'y mga tao ring may karamdaman gaya ninyo ,at nangagdadala ng mabubuting balita sa inyo ,upang mula sa mga bagay na itong walang kabuluhan ay magsibalik kayo sa Dios na buhay na gumawa ng langit at ng lupa at ng dagat ,at ng lahat ng nasa mga yaon.(Acts 14:12-15)

ang mga bagay na walang kabuluhan ay ang pagsamba sa diosdiosan.(1 Cor.8:4)


ngayon bukod sa mga apostol cno pa ang hindi pumayag na masamba ng mga tao.


"At naparoon ang kaniyang mga kapatid naman at nagpatirapa sa harap niya ;at kanilang sinabi narito ,kaming iyong mga lingkod .At sinabi ni Jose sa kanila ,Huwag kayong matakot sapagkat nasa kalagayan ba ako ng Dios.(Gen.5O:18-19)ang pakatakot sa tao ay nagdadala ng silo.(Kaw.29:25)kaya ang sabi ng Panginooon huwag kang matatakot sa mukha ng tao sapagkat ang kahatulan ay sa Dios.(Deut.1:17)

ngayon makikita natin na ang mga apostol ay hindi nagpasamba maging ang patriarkang si Jose sa matandang tipan ay hindi pumapayag na sila ay masamba ng mga tao.

Si Maria Ina ng Panginoon HINDI sinamba! ang SINAMBA ng mga PANTAS ay ang sanggol na si Jesus.(Mat.2:11) kung nagpasamba si Maria bakit hindi cia sinamba ng mga Pantas

Ngayon pumapayag ba ang Dios na maglagak ng tiwala sa tao ganito ang sabi ng Panginoon

"Huwag ninyong ILAGAK ang inyong tiwala sa mga pangulo ,ni sa anak man ng tao ,na walang pagsaklolo.(Awit 146:3)na ang hininga ay sa butas ng kanyang ilong.(Isa.2:22)...Huwag ninyong parangalan ang pagkatao ng makapangyarihan.(Lev.19:15) kaya sa talata na ito hindi talaga pumapayag ang Dios na sambahin ang tao.(Dan.3:1-12)

Ganito ang sabi ng Panginoon SUMPAIN ang tao na tumitiwala sa Tao ,ginagawang laman ang kanilang bisig ,at ang puso ay humihiwalay sa Panginoon.(Jer.17:5)

"Ako ,Ako nga ay siyang umaaliw sa inyo sino ka na natatakot sa tao na mamatay at sa anak ng tao na gagawing parang damo.(Isa.51:12)

ang mga tunay na santo hindi nila hinahahayag ang kanilang kapurihan hindi sila nagpasamba sa mga tao.

"At si jose na kaniyang asawa ,palibhasa'y lalaking matuwid at ayaw na ihayag sa madla ang kanyang kapurihan.(Mat.1:19)

Maging ang mga anghel ng Dios ito ay Mga banal sa Langit ay hindi rin pumapayag na sambahin ng tao.

"At akoy si juan ,ako ang nakarinig ngmga bagay na ito .At ng aking marinig at makita ay nagpatirapa ako upang sumamba sa anghel na nagpakita sa akin ng mga bagay na ito.At sinabi niya sa akin Ingatan mong huwag gawin iyan:ako 'y kapuwa mo alipin at ng iyong mga kapatid na mga propeta ,at ng mga tumutupad ng mga salita ng aklat na ito sumamba ka sa Dios.(Apoc.22:8-9,Apoc.19:10)

"Sa halaga kayoy binili;HUWAG kayong maging ALIPIN ng mga tao.(1 Cor.7:23) na sa katutubo ay hindi mga dios.(Gal.4:8)

Si Maria at ang mga santo ay hindi mga dios bakit tayo sasamba sa kanila.

Anong dami ng bayan o dioses gayon ang bilang ng kanyang mga patron."Ngunit saan nandoon ang iyong mga dios na iyong ginawa para sa iyo?magsibangon sila kung sila 'y MAKAPAGLILIGTAS sa IYO sa panahonng iyong kabagabagan ;sapagkat ayon sa BILANG NG IYONG MGA BAYAN ay gayon ang inyong mga dios.Oh juda.(Jer.2:28) mga dios na hindi nakakapagligtas ng kaniyang bayan.(2 Cro.12:15)

Sa Iglesia katolika aral ang pagsamba sa mga Santo sa mga Anghel at kay Maria?

ito ay inaamin mismo ng kanilang aklat.

"The WORSHIP paid to the saints and angels ,to the Mother of God ,and to christ himself ,finally rebounds to the honor of the Blessed Trinity."

reference:Divinum Illud Munos (Encyclical of Pope Leo XIII on the Holy Spirit)on st. Peter InRome ,on the 9th ,May 1897 ,20th year of pontificate


dahil sa paniniwala na mga SANTO ay nasa LANGIT na nag -ukol ng pagsamba at paglilingkod ang mga katoliko sa mga ito.




"Sumamba sa lahat ng natatanaw sa langit at naglingkod sa kanila anupat nagtayo sila ng mga dambana para sa mga ito.(2 Hari 21:3,5)

Comments

Popular Posts