ANG KAIBIGAN
Nuon pa man gumagaya na ang Panginoon sa tao nakikipagsalitaan ang Panginoon kay Propeta Moses ng MUKHAAN GAYA NG ISANG TAO na nakikipagsalitaan sa kaniyang kaibigan .
At nakikipagsalitaan ang Panginoon kay Moises ng mukhaan, GAYA NG ISANG TAONG ng nakikipagsalitaan sa kaniyang kaibigan. At siya'y bumabalik uli sa kampamento, datapuwa't ang kaniyang tagapangasiwang si Josue, na anak ni Nun, na may kabataan pa, ay hindi umaalis sa Tolda.(Exodu 33:11)
Ito ay pangako ng Dios kay Jacob na siya ay sasa-tao !
" At, narito't ako'y sumasa iyo..."(Genesis 28:15)
Nahayag ito ng ang ANAK ng Dios ay isinugo ng Ama sa sanlibutan.(Juan 3:16) nagkatawang tao ito at TUMAHAN sa GITNA NATIN(Juan 1:1,14,18) NAG-ANYONG ALIPIN at NAKITULAD o NAKIGAYA sa MGA TAO.(Filipos 2:4-7) at pinanganak ng isang DALAGA.(Isaias 7:14,Mateo 1:22-23)
Kaya ng magkatawang tao siya naman ang naging kaibigan ng mga alagad.
Kayo'y aking mga kaibigan, kung gawin ninyo ang mga bagay na aking iniuutos sa inyo. Hindi ko na kayo tatawaging mga alipin; sapagka't hindi nalalaman ng alipin kung ano ang ginagawa ng kaniyang panginoon: nguni't tinatawag ko kayong mga kaibigan; sapagka't ang lahat ng mga bagay na narinig ko sa aking Ama ay mga ipinakilala ko sa inyo. Ako'y hindi ninyo hinirang, nguni't kayo'y hinirang ko, at aking kayong inihalal, upang kayo'y magsiyaon at magsipagbunga, at upang manatili ang inyong bunga: upang ang anomang inyong hingin sa Ama sa aking pangalan, ay maibigay niya sa inyo Ang mga bagay na ito ay iniuutos ko sa inyo, upang kayo'y mangagibigan sa isa't isa. (Juan 15:14-17)
Comments
Post a Comment