HULA SA SIRIA AT IRAQ


Matagal ng Hinihula ng Propeta ng Panginoon na si Isaias  ang Pagkawasak ng Siria at naganap Ito nuong magsimula ang Arabs Spring nuong January 2011  na humantong sa isang Civil War 

Ito Hula Tungkol sa Siria (Damascus is the Capital city of Syria)

Isaias 17:1-3
Ganito ang pahayag ng Panginoon tungkol sa Damasco:
"Mawawala ang Lunsod ng Damasco,
at magiging isang bunton na lamang ng mga gusaling gumuho.

 Kailanma'y wala ng titira sa mga lunsod ng Siria.
Magiging pastulan na lamang siya
ng mga kawan ng mga tupa at baka at walang mananakot sa kanila.

Mawawasak ang mga tanggulan ng Efraim,
babagsak ang kaharian ng Damasco.
Matutulad sa sinapit ng Israel
ang kapalarang sasapitin ng malalabi sa Siria."
Ito ang sabi ng Panginoon  na Makapangyarihan sa lahat.

Jeremias 49:23-27
 Tungkol sa Damasco, ito naman ang sabi ng Panginoon : "Nagugulo ang Hamat at ang Arpad, sapagkat nakarinig sila ng masamang balita. Hindi sila mapalagay dahil sa pag-aalala, sila'y tila nag-aalimpuyong dagat. Natakot ang Damasco at tumakas; sinaklot siya ng pangamba, gaya ng pagdaramdam ng isang babaing manganganak. Napakalungkot ngayon ng bayang dati'y puspos ng galak at awitan, ang dating masayang bayan. Kaya nga, mabubuwal sa kanyang lansangan ang mga binata, at magiging malamig na bangkay ang lahat ng kanyang mandirigma sa araw na iyon. Tutupukin ko ang pader ng Damasco, maging ang mga palasyo ni Haring Ben-hadad (Assad)."

                                 

Some of the 30,000 Iraqi soldiers who retreated as a much smaller force of Sunni militants overran Iraq’s second largest city of Mosul last week told VICE News that they fled after being "abandoned" by their commanders.(Vice News June 15,2014)

The numerous reports of police and soldiers running from their posts in Mosul raised the prospect that the Iraqi government did not either have the will or resources to win this and other fights...."Within Mosul, militants managed to take control of security checkpoints, military bases and a prison, where they freed up to 1,000 prisoners, authorities said. They did so after apparently overrunning Iraqi security forces, whose bodies -- some of them mutilated -- littered the streets, a Reuters journalist on the ground in Mosul reported.


Some police took off their uniforms, dropped their weapons and ran, according to the journalist.(CNN News June 13,2014)

Ang Hula ukol sa Iraq (Babilonia)

Ito naman ang Hula tungkol sa Pagurong ng mga Iraqi forces sa Pakikidigma sa mga Islamic Militant (ISIS) na kung saan ang kanilang kapangyarihan ay nanlupaypay at silay naging parang mga babae  na nagsiurong sa pakikidigma. kaya maraming bahagi ng Iraq ang napa sa ilalim ng ISIS.

Jeremias 51:29-33,56-58
At ang lupain ay manginginig at nasa paghihirap; sapagka't ang mga pasiya ng Panginoon laban sa Babilonia ay nananayo, upang sirain ang lupain ng Babilonia, na nawalan ng mananahan. Ang mga makapangyarihan ng Babilonia ay nagsisiurong sa pakikipaglaban, sila'y nanatili sa kanilang mga katibayan; ang kanilang kapangyarihan ay nanglulupaypay; sila'y naging parang mga babae: ang kaniyang mga tahanang dako ay sinilaban; ang kaniyang mga halang ay nabali. Ang isang utusan ay tatakbo upang sumalubong sa iba, at isang sugo upang sumalubong sa iba, upang ibalita sa hari sa Babilonia, na ang kaniyang bayan ay nasakop sa lahat ng sulok: At ang mga tawiran ay nangasapol, at ang mga tambo ay nangasunog ng apoy, at ang mga lalaking mangdidigma ay nangatakot. Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel..."Sapagka't ang manglilipol ay dumating doon, sa Babilonia, at ang mga makapangyarihang lalake niyaon ay nangahuli, ang kanilang mga busog ay nagkaputolputol: sapagka't ang Panginoon ay Dios ng mga kagantihan, siya'y tunay na magbabayad. At aking lalanguhin ang kaniyang mga prinsipe at ang kaniyang mga pantas, ang kaniyang mga gobernador at ang kaniyang mga kinatawan, at ang kaniyang mga makapangyarihan; at siya'y matutulog ng walang hanggang pagtulog, at hindi magigising, sabi ng Hari, na ang pangalan ay ang Panginoon ng mga hukbo. Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Ang makapal na kuta ng Babilonia ay lubos na magigiba, at ang kaniyang mga mataas na pintuang-bayan ay masusunog ng apoy; at ang mga tao ay magpapagal sa walang kabuluhan, at ang mga bansa sa apoy; at sila'y mangapapagod. 

Natupad ang mga Hula na ito sa ating panahon na matagal ng pinagpauna ng Dios sa kanyang Banal na Salita na nakasulat sa mga pahina ng Biblia .

Comments

Popular Posts