ANG DIOS AY IISA
Ano ang Ka-isahan ng Dios at saan Iisa ang Ama ,Anak at Espiritu Santo?
Itinuturo ng Biblia na may Ama-Anak at Banal na Espiritu?
Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila'y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo: (Mateo 28:19)
Ang biyaya ng Panginoong Jesucristo, at ang pagibig ng Dios (Ama), at ang pakikipisan ng Espiritu Santo ay sumainyo nawang lahat.(2 Corinto 13:14)
Ang Anak o ang ating Panginoong Jesu Kristo ay nagbuhat sa Ama.(Juan 16:27) ang pinanganak ng laman ay laman nga ngunit ang pinanganak ng Espiritu ay espiritu nga.(Juan 3:6) sapagkat ang Dios ay espiritu.(Juan 4:24)
At Dios na espiritu ay may Anak .
Sino ang sumampa sa langit, at bumaba? Sino ang pumisan ng hangin sa kaniyang mga dakot? Sinong nagtali ng tubig sa kaniyang kasuutan? Sinong nagtatag ng lahat ng mga wakas ng lupa? Ano ang kaniyang pangalan, at ano ang pangalan ng kaniyang anak kung iyong nalalaman? (Kawikaan 30:4)
Aking sasaysayin ang tungkol sa pasiya: sinabi ng Panginoon sa akin, Ikaw ay aking anak; sa araw na ito ay ipinanganak kita. (Awit 2:7)
Dahil Espiritu ang nanganak natural espiritu din ang Anak.
At sapagka't kayo'y mga anak, ay sinugo ng Dios (Ama) ang Espiritu ng kaniyang Anak sa ating mga puso, na sumisigaw, Abba, Ama. (Galacia 4:6)
Ngayon ang Banal na Espiritu ay nagbuhat rin ito sa Ama.(Juan 15:26)
Ito ngayon tinatawag na "Godhead" o Pagka-Dios"?
For the invisible things of him from the creation of the world are clearly seen, being understood by the things that are made, even his eternal power and Godhead; so that they are without excuse:-Romans 1:20
Ang pagka-Dios Binubuo ito ng Magka-larawan at wangis na kung tawagin sa Hebreo ay "ELOHIM".
Nang pasimula ay nilikha ng Dios (Elohim) ang langit at ang lupa. .."At sinabi ng Dios (Elohim), Lalangin natin ang tao sa ating larawan, ayon sa ating wangis: at magkaroon sila ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga hayop, at sa buong lupa, at sa bawa't umuusad, na nagsisiusad sa ibabaw ng lupa. (Genesis 1:1,26)
-Elohim (Hebrew: אֱלֹהִים) is a grammatically singular or plural noun for "god" or "gods" in both modern and ancient Hebrew language.
When used of the true God, "Elohim" denotes what is called by linguists a plural of majesty, honor, or fullness. That is, he is GOD in the fullest sense of the word. He is "GOD of gods" or literally, "ELOHIM of elohim" (Deut 10:17; Ps 136:2).
Kaya itong "Elohim " ay ang Dios ng mga dios" ngayon ang tanong sino itong Dios ng mga dios.
Ito ay ang Ama...."Sapagka't ikaw ay aming Ama, bagaman hindi kami kinilala ni Abraham, at hindi kami kilala ng Israel: ikaw, Oh Panginoon, ay aming Ama, aming Manunubos na mula sa walang pasimula ay siya mong pangalan. (Isaias 63:16)
At sino naman ang mga dios na kasama ng Ama?
Ito naman ang Anak .(Juan 1:1-3,18,Apoc.3:14) at ang Banal na Espiritu.(Gen.1:1-2,Awit 104:30). na tunay na Iisa sila sa larawan at wangis.(Genesis 1:26)
Iisa rin sila sa "kagalagayan " sa kulukyal na salita "iisang substance" sila ang Ama ay Espiritu.(Juan 4:28-29) ang Anak ay espiritu .(1Cor.15:45) at ang Banal na Espiritu natural espiritu rin kaya nga Espiritu Santo ang tawag.(Juan 14:26)
Iisa rin ang tatlo sa kalooban.(Juan 6:38,Juan 14:26)
Iisa rin ang tatlo sa "katangian "sa Pagka Banal ang Ama ay Banal .(1Ped.1:16) ang Anak ay Banal.(Gawa 3:14) ang Espiritu ay Banal.(Juan 14:26) ang Ama ay Matuwid.(awit 25:8) ang Anak ay matuwid.(Gawa 3:14,1Juan 2:1) at ang Banal na Espiritu ay matuwid.(Awit 51:10-11) ang Ama ay mabuti.(awit 145:19,25:8) ang Anak ay mabuti.(Gawa 3;14,Juan 10:11) at ang Espiritu Santo ay Mabuti.(Awit 143:10)
At higit sa lahat iisa sila sa pagiging tunay na Dios?
Ang Ama ay Tunay.(Juan 17:1-3) ang Anak ay Tunay .(1Juan 5:20,2Ped.1:1,Heb.1:8) at ang Banal na Espiritu ay Tunay.(Gawa 5:1-4,Heb.3:7-11) na tunay na Iisa "echad" Unified One na Dios.(Gen.3:22,Juan 10:30)
Comments
Post a Comment