ANAK NG DIOS NAKITULAD SA MGA TAO AT DINALA ANG KARAMDAMAN NG TAO


Kung Dios ang Panginoong Jesu Kristo bakit maraming katangian ng tao ang nasumpungan sa kanya nariyan ang natulog (Mat.8:24),napagod(Juan 4:6), nagutom.(Mar.11:12) ,nauhaw.(Juan 19:28) ,at namatay.(Juan 19:30) patunay ba ito na siya ay karaniwang tao lamang .

Una ang mga katangian ito ay hindi batayan para hatulan natin na tao lamang ang panginoong Jesu Kristo sapagkat kaya naman ito gawin ng Dios.

May anomang bagay kayang napakahirap sa Panginoon.."(Genesis 18:14)

Hindi naman mahirap sa Dios ang matulog ,mapagod ,magutom, mauhaw at mamatay kaya nga kaya gawin ito ng Dios.

Ito ang patunay sabi ng Panginoong Jesus na kaya niya gawin ang lahat ng ito.

At pagtingin ni Jesus ay sinabi sa kanila, Hindi mangyayari ito sa mga tao; datapuwa't sa Dios ang lahat ng mga bagay ay mangyayari. (Mateo 19:26)

sa Dios ang mga bagay na ito ay hindi mahirap at ang lahat ng bagay ay mangyayari .wala namang pwedi tumutol sa Dios na gawin niya ito.

Bakit? ito ang sabi ng Banal na kasulatan...."Sapagka't kaniya, at sa pamamagitan niya, at sa kaniya, ang lahat ng mga bagay. Sumakaniya nawa ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa.(Roma 11:36).

Sa Dios pala ang lahat ng bagay kaya naman anomang bagay na siya ang may gawa hindi ito mahirap sa kanya na gawin kaya ang tao ay natutulog,nagugutom,nauuhaw, napapagod at namamatay dahil ito ay gawa ng Dios .(Gawa 17:28)

Ang patunay ito ..."Sapagka't kung hinahatulan tayo ng ating puso, ang Dios ay lalong dakila kay sa ating puso, at nalalaman niya ang lahat ng mga bagay. (1Juan 3:20)

Ang Dios ay lalong dakila kay sa ating puso iyan ang unang nating dapat tandaan siya ang may gawa sa atin kaya siya ang mas lalong nakakaalam sa ating mga kakayahan.(Job 12:9)

Ngayon kung gusto gawin ng Dios ang mga bagay na ito may makapipigil ba?

Ito ang sagot ng Dios...."Oo, mula nang magkaroon ng araw ay ako nga; at walang sinomang makapagliligtas sa aking kamay: ako'y gagawa, at sinong pipigil? (Isaias 43:13)

Ngayon ginawa ito ng Anak ng Dios ng siya ay magkatawang tao.(Juan 1:1-3,14)pinanganak siya ng isang berhin.(Isaias 9:6,Mateo 1:23).

Kaya kung may mabasa man tayo na natulog ,napagod ,nagutom ,nauhaw at namatay ang ANAK NG DIOS ito ay proseso lamang ng siya'y nakitulad sa mga tao na bagamat nasa anyong Dios ay nag-anyong alipin na nakitulad sa mga tao bagama't hindi siya tao.(Awit 22:6)

Mangagkaroon kayo sa inyo ng pagiisip, na ito'y na kay Cristo Jesus din naman: Na siya, bagama't nasa anyong Dios, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios,Kundi bagkus hinubad niya ito, at naganyong alipin, na nakitulad sa mga tao: (Filipos 2:5-7) kaya't siya kumukuhang kaalaman sa kanilang mga gawa.(Job 34:25)

At dinala sa kanyang katawan ang karamdaman ng tao.

Sinong naniwala sa aming balita? at kanino nahayag ang bisig ng Panginoon? Sapagka't siya'y tumubo sa harap niya na gaya ng sariwang pananim, at gaya ng ugat sa tuyong lupa: walang anyo o kagandahan man; at pagka ating minamasdan siya ay walang kagandahan na mananais tayo sa kaniya. Siya'y hinamak at itinakuwil ng mga tao; isang taong sa kapanglawan, at bihasa sa karamdaman: at gaya ng isa na pinagkublihan ng kanilang mukha ng mga tao, na siya'y hinamak, at hindi natin hinalagahan siya.Tunay na kaniyang dinala ang ating mga karamdaman, at dinala ang ating mga kapanglawan; gayon ma'y ating pinalagay siya na hinampas, sinaktan ng Dios, at dinalamhati. (Isaias 53:1-4)

kaya ng nung dalhin ng Anak ng Dios na nagkatawang tao ang karamdaman ng tao sa kanyang katawan ay naranasan niya ang karamdaman ng tao na matulog,mapagod , magutom , mauhaw at maging ang mapatay sa laman.

"... siyang pinatay sa laman, nguni't binuhay sa espiritu; (1Pedro 3:18).na ayon sa hula sinabi ng Panginoon na kanyang bubuhusan ang sangbahayan ni David at mga nanahan sa Jerusalem ng espiritu ng biyaya at ng daing sila'y magsisitingin sa Panginoon na kanilang inulos at kanlang tatangisan siya na gaya ng pagtangis sa BUGTONG NG ANAK.(Zacarias 12:10) at natupad ito sa panginoong nagkatawang tao na kanilang inulos.(Juan 19:37)

At dahil sa karamdaman ng tao na dinala ng Anak ng Dios sa kanyang katawan ay inaalaala niya na tayo'y alabok.

Sapagka't nalalaman niya ang ating anyo; kaniyang inaalaala na tayo'y alabok. (Awit 103:14) at dahil dito .."Palibhasa'y nagbata siya sa pagkatukso, siya'y makasasaklolo sa mga tinutukso.(Hebreo 2:18) sapagkat pinagmamalasakit niya tayo.

Na inyong ilagak sa kaniya ang lahat ng inyong kabalisahan, sapagka't kayo'y ipinagmamalasakit niya. (1 Pedro 5:7)

Kaya bumaba ang Anak ng Dios mula sa langit.(Juan 6:38) para iligtas ang kanyang Bayan.

Ikiling mo ang iyong mga langit, Oh Panginoon, at bumaba ka: .."(Awit 144:5)

At sinabi ng Panginoon, Akin ngang nakita ang kadalamhatian ng aking bayan na nasa Egipto, at aking dininig ang kanilang daing dahil sa mga tagapagpaatag sa kanila; sapagka't talastas ko ang kanilang kapanglawan. At ako'y bumaba upang iligtas sila..."(Exodo 3:7-8)

At nangyari nga ang lahat ng ito, upang maganap ang sinalita ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta, na nagsasabi, Narito, ang dalaga'y magdadalang-tao at manganganak ng isang lalake, At ang pangalang itatawag nila sa kaniya ay Emmanuel; na kung liliwanagin, ay sumasa atin ang Dios..."At siya'y manganganak ng isang lalake; at ang pangalang itatawag mo sa kaniya'y JESUS; sapagka't ililigtas niya ang kaniyang bayan sa kanilang mga kasalanan. (Mateo 1:22-23,21) na dinala ng Dios ang kanyang bayan gaya ng pagdadala ng tao sa kanyang mga anak .(Deut.1:31,Awit 100:12-13)

At dahil dito ng sumasa laman o napariritong nasa laman ang Anak.(2Juan 1:7) ay natupad ang sinabi ng Kasulatan ..."Sa kaniya'y makikipagusap ako ng bibig ,sa bibig ng maliwanag at hindi sa malabong salitaan ;at ang anyo ng Panginoon ay kaniyang makikita.."(Mga Bilang 12:8)

Na ito ang Salita at ang SALITA AY DIOS na nagkatawang tao.(Juan 1:1-3,14) na nakita ,narinig at nahipo ng mga apostol.

Yaong buhat sa pasimula, yaong aming narinig, yaong nakita ng aming mga mata, yaong aming namasdan, at nahipo ng aming mga kamay, tungkol sa salita ng buhay; (At ang buhay ay nahayag, at aming nakita, at pinatotohanan, at sa inyo'y aming ibinabalita ang buhay, ang buhay na walang hanggan, na kasama ng Ama at sa atin ay nahayag);(1Juan 1:1-2)

Na isinugo ng Dios Ama ang Dios o ang Anak na tumahan sa Gitna ng mga Anak na babae ng Sion.

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo: Dahil sa kaluwalhatian ay sinugo niya ako sa mga bansa na nanamsam sa inyo; sapagka't ang humihipo sa inyo, ay humihipo sa itim ng kaniyang mata. Sapagka't narito, aking ikukumpas ang aking kamay sa kanila, at sila'y magiging samsam niyaong nangaglilingkod sa kanila; at inyong malalaman na ang Panginoon ng mga hukbo ang nagsugo sa akin. Ikaw ay umawit at magalak, Oh anak na babae ng Sion; sapagka't narito, ako'y naparirito, at ako'y tatahan sa gitna mo, sabi ng Panginoon. (Zacarias 3:8-10)

Na nuon pa man ay nagpanukala na siya ay sasa-LAMAN o masusupungan sa atin .

At ikaw, Salomon na aking anak, kilalanin mo ang Dios ng iyong ama, at paglingkuran mo siya ng sakdal na puso at ng kusang pagiisip: sapagka't sinasaliksik ng Panginoon ang lahat na puso, at naaalaman ang lahat na akala ng pagiisip: kung iyong hanapin siya, ay masusumpungan siya sa iyo;..."(1Cro.28:9)

At napakita sa kaniya ang Panginoon ng gabi ring yaon, at nagsabi, Ako ang Dios ni Abraham na iyong ama: huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo,.."(Genesis 26:24)

Sumasa iyo o masusumpungan siya sa iyo (Ito ang panukala ng Dios nuon pa man na kaniya ng pinahiwatig ang kanyang pagparito sa laman na sumasa laman o mahahayag sa laman .

At walang pagtatalo, dakila ang hiwaga ng kabanalan; ang Dios ay nahayag sa laman,.."(1 Timoteo 3:16 KJV)

Sapagka't sa kaniya'y nananahan ang buong kapuspusan ng pagka Dios sa kahayagan ayon sa laman, (Colosas 2:9)

Kaya ng magkatawang tao ito namasdan ng mga matuwid ang kanyang mukha.

Sapagka't ang Panginoon ay matuwid; minamahal niya ang katuwiran: Mamasdan ng matuwid ang kaniyang mukha.(Awit 11:7)samakatuwid baga'y si JESU CRISTO ang MATUWID.(1Juan 2:1) naganap ito ng ang Panginoon ay nagpakababa at lumakad na kasama ang tao(Mikas 6:6-8) at siya ay tumahan sa gitna natin.(Juan 1:14) at nagpakababa hanggang sa kamatayan ng kanyang laman sa krus.(Fil.2:5-8).

Sabi ng DIos sa TAO ....Huwag kang matakot sapagkat AKOY SUMASAIYO.(Isaias 43:5) Ilalagak niya ang kanyang PUSO sa TAO.(Job 7:17) kaya NAGKATAWANG TAO.(Juan 1:1,14) o NAHAYAG sa LAMAN.(1Timothy 3:16,Col.2:10) nag-anyong Alipin at nakitulad sa mga tao.(Fil.2:5-7) at pinanganak ng isang DALAGA.(Isaias 9:6,Mateo 1:23)




















Comments

Popular Posts