DIOS PINARUSAHAN NG TAO



Ang Tanong ni 



Aya Gila Delna: Kw ang mahina ang utak sinasayang mo LNG utak mo sa walang kwentang paniniwala my dios ba na di kaya ipag tanggol ang sarili kong dios yang naipako sa crush kyo pa kaya na alipin Nya ang Kayang pagtangol sarili nga dika yang pag tanggol pinarusahan siya ng kanyang nilikha na dapat siya ang magparusa?



Ito ay isang tanong ng isang Muslim na atin bibigyan kasagutan? Ang tanong MAY DIOS BA NA HINDI NIYA KAYA IPAGTANGGOL ANG KANYANG SARILI NG IPAKU SIYA SA KRUS AT BAKIT SIYA PINARUSAHAN NG KANYANG NILIKHA?



Ito ay isang tanong ng taong nagdududa sa pagka-Dios ng ating Panginoong Jesu Kristo na kailangan para maging DIOS ka kailangan mo ipagtanggol ang iyong sarili.ito ay pananaw ng isang makitid ang utak na hindi nag iisip at hindi pinag iisipan ang kanyang sinasabi! Ano po ang ibig kung sabihin.


Hindi dahil hindi ipinagtanggol o iniligtas ni Kristo ang kanyang sarili sa pagka- paku sa krus ay mag magbigay na tayo ng pasya na HINDI SIYA TUNAY NA DIOS?

mali? Ang ganitong paghatol ?Ngayon Alamin natin Bakit kailangan Mamatay ng ANAK NG DIOS sa ibabaw ng krus at bakit hindi niya iniligtas ang kanyang sarili.

Itong Paratang ng Mga Muslim ay matagal ng ito isinusumbat ng mga Kaaway ni Kristo bago ito ginamit na pangkutya ng mga Muslim sa pagka -dios ni Kristo.

Ito ang sabi ng mga Judio sa Panginooong Jesu Kristo na siyay nakabayubay sa ibabawng krus:

"At nangagsasabi, Ikaw na igigiba mo ang templo, at sa tatlong araw ay iyong itatayo, iyong iligtas ang sarili mo: kung ikaw ay Anak ng Dios, ay bumaba ka sa krus. Gayon din naman ang paglibak sa kaniya ng mga pangulong saserdote, pati ng mga eskriba at ng matatanda, na nagsipagsabi, Nagligtas siya sa mga iba; sa kaniyang sarili ay hindi makapagligtas. Siya ang Hari ng Israel; bumaba siya ngayon sa krus, at tayo'y magsisisampalataya sa kaniya. Nananalig siya sa Dios; iligtas niya siya ngayon, kung siya'y iniibig: sapagka't sinabi niya, Ako'y Anak ng Dios. (Mateo 27:40-43).

Ngunit lingid sa kanilang kaalaman na ito nagyari para matupad ang mga naunang kasulatan na ipinahayag sa mga propeta.

At siya'y dumating at tumahan sa isang bayang tinatawag na Nazaret; upang maganap ang mga sinalita ng mga propeta,.."(Mateo 2:23)

Kaya ito ay magaganap ayon sa itinakda ng Dios ng kanyang paunang kaalaman na kanyang ipinahayag na magaganap sa kanyang mga propeta na itong Cristo o Mesiyas na ANAK ng DIOS na nagkatawang tao.(Juan 1:1-3,14,18,Isaias 9:6,Fil.2:5-7) ay magbabata ng hirap sa ibabaw ng krus at mamatay at muling magbaangon sa mga patay sapagkat ito ay panukla ng Ama sa kanyang Anak.(Isaias 53:1-12,Awit 22:1,16,Awit 49:15,Zac.12:10).

At ito ay natupad :

At sinabi niya sa kanila, Oh mga taong haling, at makukupad ang mga pusong magsisampalataya sa lahat ng salita ng mga propeta! Hindi baga kinakailangang si Cristo ay maghirap ng mga bagay na ito, at pumasok sa kaniyang kaluwalhatian? At magmula kay Moises at sa mga propeta, ay ipinaaninaw niya sa kanila ang mga bagay tungkol sa kaniya sa lahat ng mga kasulatan...."At sinabi niya sa kanila, Ito ang aking mga salitang sinabi ko sa inyo, nang ako'y sumasa inyo pa, na kinakailangang matupad ang lahat ng mga bagay na nangasusulat tungkol sa akin sa kautusan ni Moises, at sa mga propeta, at sa mga awit. Nang magkagayo'y binuksan niya ang kanilang mga pagiisip, upang mapagunawa nila ang mga kasulatan; At sinabi niya sa kanila, Ganyan ang pagkasulat, na kinakailangang maghirap ang Cristo, at magbangong muli sa mga patay sa ikatlong araw; At ipangaral sa kaniyang pangalan ang pagsisisi at pagpapatawad ng mga kasalanan sa lahat ng mga bansa, magbuhat sa Jerusalem. (Luc.24:25-27,44-47)

At kamatayan na ito ay nagdala ng kaligtasan sa marami sa ikapagpapatawad ng kasalanan ng marami at kaligtasan sa galit ng Dios.

Sapagka't ito ang aking dugo ng tipan, na nabubuhos dahil sa marami, sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan. (Mateo 26:28)

Datapuwa't ipinagtatagubilin ng Dios ang kaniyang pagibig sa atin, na nang tayo'y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay dahil sa atin. Lubha pa nga ngayong inaaring-ganap sa pamamagitan ng kaniyang dugo, ay mangaliligtas tayo sa galit ng Dios sa pamamagitan niya. Sapagka't kung, noong tayo'y mga kaaway ay pinakipagkasundo tayo sa Dios sa pamamagitan ng kamatayan ng kaniyang Anak, lubha pa, ngayong nangagkakasundo na, ay mangaliligtas tayo sa kaniyang buhay; At hindi lamang gayon, kundi tayo'y nangagagalak naman sa Dios sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo, na sa pamamagitan niya'y tinamo natin ngayon ang pagkakasundo.(Roma 5:8-11).

Ang hirap o pagbabata ni Kristo na naranasan ay isang BIYAYA NG DIOS at AWA NG DIOS AMA sa tao.

Tunay na kaniyang dinala ang ating mga karamdaman, at dinala ang ating mga kapanglawan; gayon ma'y ating pinalagay siya na hinampas, sinaktan ng Dios, at dinalamhati. Nguni't siya'y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, siya'y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan, ang parusa ng tungkol sa ating kapayapaan ay nasa kaniya; at sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo..."Sa pamamagitan ng kapighatian at kahatulan ay dinala siya: at tungkol sa kaniyang lahi, sino sa kanila ang gumunita na siya'y nahiwalay sa lupain ng buhay? dahil sa pagsalangsang ng aking bayan ay nasaktan siya...." sapagka't kaniyang idinulot ang kaniyang kaluluwa sa kamatayan, at ibinilang na kasama ng mga mananalangsang: gayon ma'y dinala niya ang kasalanan ng marami, at namagitan sa mga mananalangsang.(Isaias 53:4-5,8,12)

Na bagamat ay DIOS o ANAK NG DIOS AMA.(1Juan 5:20,Juan 1:18) ay natutunan niyang Sumunod hanggang sa kamatayan sa krus ng kanyang LAMAN...."Sapagka't si Cristo man ay nagbata ring minsan dahil sa mga kasalanan, ang matuwid dahil sa mga di matuwid, upang tayo'y madala niya sa Dios; siyang pinatay sa laman,.."(1Ped.3:18)


Nawa'y magkaroon kayo ng kaisipan na tulad ng kay Cristo Jesus.Kahit siya'y likas at tunay na Diyos,hindi niya ipinagpilitang manatiling a kapantay ng Diyos. Sa halip, kusa niyang hinubad ang pagiging kapantay ng Diyos,at naging katulad ng isang alipin.Ipinanganak siyang tulad ng mga karaniwang tao.At nang si Cristo'y maging tao,nagpakumbaba siya at naging masunurin hanggang kamatayan,maging ito man ay kamatayan sa krus.(Fil.2:6-8 MBB).sapagkat bagaman ang Panginoon ay mataas gumagaling din sa mababa.(Awit 138:6).

Gaano pa kaya ang dugo ni Cristo, na sa pamamagitan ng Espiritu na walang hanggan ay inihandog ang kaniyang sarili na walang dungis sa Dios, ay maglilinis ng inyong budhi sa mga gawang patay upang magsipaglingkod sa Dios na buhay? (Hebreo 9:14)

katuparan ito ng hula na may mga taong inuusig  ang Dios.(Job 19:22) natupad ang pag uusig na ito sa pag-uusig sa ANAK NG DIOS na nagkatawang tao.(Juan 11:31-33)pinahintulot ng Dios na mangyari ito para masubok siya ng mga tao.


"...at subukin ninyo ako ngayon sa bagay na ito, sabi ng Panginoon ng mga hukbo,.."(Malakias 3:10)

Natupad ang kasulatan ..."Oh ikaw na pag-asa ng Israel na Tagapagligtas sa kaniya  sa panahon ng kabagabagan ,bakit ka magiging parang nakikipamayan sa lupain ,at parang gala na lumiliko na nagparaan ng gabi?Bakit magiging parang taong natigilan ,parang makapangyarihan na hindi makapagligtas ?gayon man ikaw ,Oh Panginoon ,ay nasa gitna namin ,at kami ay tinatawag sa iyong pangalan ;huwag mo kaming iwan.(Jeremias 14:8-9)

Comments

Popular Posts