DIVINE DIOS DIN PALA ANG MEANING
Tama ba ang pagka-unawa ng INC 1914 na ang SALITANG "DIVINE" o sa tagalog ay "BANAL" na ginamit sa John 1:1 sa Goodspeed's at sa Moffatt's translation ay hindi DIOS ang VERBO (LOGOS).
Ginagamit nila ang Goodspeed's at ang Moffatts Translation?
Ito ang ating Mababasa:
“In the beginning the Word existed. The Word was with God, and the Word was divine” --(Goodspeed’s Translation).
“The Logos existed in the very beginning, the Logos was with God, the Logos was divine” -(Moffatt’s Translation).
Ang ginamit ay "THE WORD WAS DIVINE" Isa ito sa mga style ng INC 1914 sa panlilinlang sa kanilang mga tagapakinig ..sasabihin nila ang ginamit ay DIVINE at hindi "DIOS" kaya ang kunklosyon nila hindi DIOS ANG VERBO o (LOGOS).
Pero nakalimutan yata ng mga INC 1914 na pag -ginamit ang salitang DIVINE (DIVENA) ito ay tumutukoy din mismo sa PAGKA-DIOS.
dɪˈvʌɪn/
adjective
1.
of or like God or a god.
2.providence or God.
Divinity:
In religious terms, divinity is the state of things that come from a supernatural power or deity, such as a god, or spirit beings, and are therefore regarded as sacred and holy.
-Wikipedia
Kaya ang Unawa sa salitang "DIVINE" sa mga salin ng Godspeed's at Moffat's ay hindi galing sa unawa ng mga MINISTRO NI MANALO kundi dapat sa unawa ng mga nagsalin at sa unawa ng mga nagsalin ginamit nila ang termeno na "DIVINE" para tukuyin ang PAGKA-DIOS NG VERBO sa JOHN 1:1
At talaga nga naman na ang DIOS ay DIVINE O BANAL:
At ang apat na nilalang na buhay, na may anim na pakpak bawa't isa sa kanila, ay mga puno ng mata sa palibot at sa loob; at sila'y walang pahinga araw at gabi, na nagsasabi, Banal, banal, banal, ang Panginoong Dios, ang Makapangyarihan sa lahat, na nabuhay at nabubuhay at siyang darating.(Apoc.5:8)
Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, ng Banal ng Israel, Sa pagbabalik at sa pagpapahinga ay matitiwasay kayo; sa katahimikan at sa pagasa ay magiging ang inyong lakas. At hindi ninyo inibig.(Isaias 30:15)
Comments
Post a Comment