SAAN KA PARORUON PAG-KATAPUS NG KAMATAYAN
Ano ang nangyayari sa tao sa Araw ng Kamatayan? Bago ang Muling pagkabuhay
Ang sagot:
Humihiwalay sa Katawan at kaluluwa ang espiritu.(San.2:26) nalalagot ang "Hininga"(espiritu ) ng isang namamatay.(Awit 146:4,Luc.23:46)
Pagkatapus malagot ang hininga (espiritu) ng tao ito ay lumilipad o nagpapailanlang sa itaas.
Sapagka't ang nangyayari sa mga anak ng mga tao ay nangyayari sa mga hayop: sa makatuwid baga'y isang bagay ang nangyari sa kanila: kung paanong namamatay ang hayop, gayon namamatay ang tao; oo, silang lahat ay may isang hininga; at ang tao ay wala ng karangalang higit sa hayop: sapagka't lahat ay walang kabuluhan.Lahat ay nagsisiyaon sa isang dako; lahat ay buhat sa alabok, at lahat ay nangauuwi sa alabok uli. Sinong nakakaalam ng espiritu ng tao kung napaiilanglang, at ng espiritu ng hayop kung napaiibaba sa lupa? (Ecle.3:19-21)
"For all our days are passed away in thy wrath: we spend our years as a tale that is told.The days of our years are threescore years and ten; and if by reason of strength they be fourscore years, yet is their strength labour and sorrow; for it is soon cut off, and we fly away.(Psalms 90:9-10)
Bumabalik sa Dios ang HININGA (espiritu) ng Taong Matuwid na siyang may bigay nito.(Ecle.12:7) at ang Katawan ay nabubulok at bumabalik sa lupa gaya ng una.(Job 17:13-16,Gen 3:19) at ang kaluluwa dumidikit sa alabok.(Awit 119:25)
"At ang alabok ay mauuwi sa lupa gaya ng una, at ang espiritu ay mababalik sa Dios na nagbigay sa kaniya."
Dito makikita natin na sa ating pagka-tao may sangkap tayo na hindi ito bumabalik sa lupa kundi ito ay BUMABALIK sa Dios sapagkat sa kanya ito nagmula ng kanya itong inihinga sa atin ng tayo ay nasa tiyan pa ng ating mga ina.(Ecle.11:5)ito ang ating espiritu
Itong espiritu ng isang Taong Matuwid ay bumabalik ito sa Dios sa "KAMAY NG DIOS AT NI CRISTO"
"Sa iyong kamay ay inihabilin ko ang aking espiritu; iyong tinubos ako, Oh Panginoon, ikaw na Dios ng katotohanan.(Awit 31:5)
Datapuwa't siya, palibhasa'y puspos ng Espiritu Santo ay tumitig na maigi sa langit, at nakita niya ang kaluwalhatian ng Dios, at si Jesus na nakatindig sa kanan ng Dios,At nagsabi, Narito, nakikita kong bukas ang mga langit, at ang Anak ng tao na nakatindig sa kanan ng Dios.Datapuwa't sila'y nagsigawan ng malakas na tinig, at nangagtakip ng kanilang mga tainga, at nangagkaisang siya'y dinaluhong;At siya'y kanilang itinapon sa labas ng bayan, at binato: at inilagay ng mga saksi ang kanilang mga damit sa mga paanan ng isang binata na nagngangalang Saulo.At kanilang pinagbatuhanan si Esteban, na tumatawag sa Panginoon at nagsasabi, Panginoong Jesus, tanggapin mo ang aking espiritu.At siya'y nanikluhod, at sumigaw ng malakas na tinig, Panginoon, huwag mong iparatang sa kanila ang kasalanang ito. At pagkasabi niya nito, ay nakatulog siya.(Mga Gawa 7:55-60)
For I am in a strait betwixt two, having a desire to depart, and to be with Christ; which is far better:(Phil.1:23)
We are confident, I say, and willing rather to be absent from the body, and to be present with the Lord.(2 Corintians 5:8)
Itong Kamay ng Dios at ni Kristo ito ang Juresdiction ng Dios. tinatawag rin itong Sinapupunan ni Abraham pag ang Tao namatay ang espiritu ng tao ay papailinlang sa taas at aakayin ito ng mga anghel na Tagasundo tungo sa sinapupunan ni Abraham sa Kaharian ng Dios.
"Mayroon ngang isang taong mayaman, at siya'y nagdaramit ng kulay ube at maselang lino, at sa araw-araw ay kumakain ng sagana:At isang pulubi na ang pangala'y Lazaro, lipos ng mga sugat, ay inilalagay sa kaniyang pintuan,At naghahangad na mapakain ng mga mumo na nangahuhulog mula sa dulang ng mayaman; oo, at lumapit pati ang mga aso at hinihimuran ang kaniyang mga sugat.At nangyari, na namatay ang pulubi at siya'y dinala ng mga anghel sa sinapupunan ni Abraham:(Luc.16-19-22)
Doon sa Sinapupunan ni Abraham Aaliwin duon ang kanyang espiritu sapagkat nandoon sa daku na yaon ang mga espiritu ng mga matutuwid na ganap na pinasakdal na ang mga pangalan nakatala sa Langit.(Heb.12:1,23) na pinahinga ng Panginoon sa ilalim ng Dambana ng mga marter kay Kristo (Apoc.6:9-11)?
"Datapuwa't sinabi ni Abraham, Anak, alalahanin mo na ikaw ay tumanggap ng iyong mabubuting bagay sa iyong pamumuhay, at si Lazaro sa gayon ding paraan ay masasamang bagay: datapuwa't ngayon, ay inaaliw siya rini, at ikaw ay nasa kahirapan.(Luc.16:19-22)
At sapagitan ng dalawa daku ay may bangin na naghihiwalay na anopat ang mga naduon ay hindi makakaparitu o makatawid at nandito ay hindi makakaparuon. itong dalawang daku na ito ay Temporary place ito na paruruonan ng mga espiritu hanggang sa maganap ang pagkabuhay na mag uli ng mga patay kung saan ibabalik ng Dios ang espiritu ng bawat tao sa kanilang mga katawan at silay mabubuo uli at mangabubuhay (Ezek.37:1-14).ito ay magaganap sa unang pagkabuhay ng mga patay.(Apoc.20:1-6)
At bukod sa lahat ng ito, ay may isang malaking banging nakalagay sa pagitan namin at ninyo, upang ang mga magibig tumawid buhat dini hanggang sa inyo ay hindi maari, at gayon din walang makatawid mula diyan hanggang sa amin.(Luc.16:26)
Ang kabilang daku naman ay ang daku na patutunguhan ng mga espiritung masasama? ito ang mga espiritu na hindi tinatanggap ng Dios sa kanyang KAMAY.
Sila ay paruruon sa Daku na tinatawag na Hades o Kadiliman sa Labas ito ay bilanguan ng mga espitung masasama na kung saan duon ay gagapusin sila at sa daku naroon pagtangis at pangangalit ng mga ngipin.
"Nang magkagayo'y sinabi ng hari sa mga naglilingkod, Gapusin ninyo ang mga paa at mga kamay niya, at itapon ninyo siya sa kadiliman sa labas; diyan na nga ang pagtangis at ang pagngangalit ng mga ngipin.(Mateo 22:13) na doon ay wala mang anomang ayos at ang liwananag duon ay gaya ng salimuot ng kadiliman.(Job 10:21-22) ang daku ng kahihiyan.(Awit 119:31,118)
Diyan na nga ang pagtangis, at ang pagngangalit ng mga ngipin, kung mangakita ninyo si Abraham, at si Isaac, at si Jacob, at ang lahat ng mga propeta sa kaharian ng Dios, at kayo'y palabasin.(Luc.13:28)
Kilala rin ito sa tawag na "Hades" isang daku ng Alab ng Init ng paghihirap ?
"At nangyari, na namatay ang pulubi at siya'y dinala ng mga anghel sa sinapupunan ni Abraham: at namatay naman ang mayaman, at inilibing.
At sa Hades na nasa mga pagdurusa ay itiningin niya ang kaniyang mga mata, at natanaw sa malayo si Abraham, at si Lazaro ay nasa kaniyang sinapupunan.At siya'y sumigaw at sinabi, Amang Abraham, maawa ka sa akin, at suguin mo si Lazaro, upang itubog niya sa tubig ang dulo ng kaniyang daliri, at palamigin ang aking dila; sapagka't naghihirap ako sa alab na ito. Datapuwa't sinabi ni Abraham, Anak, alalahanin mo na ikaw ay tumanggap ng iyong mabubuting bagay sa iyong pamumuhay, at si Lazaro sa gayon ding paraan ay masasamang bagay: datapuwa't ngayon, ay inaaliw siya rini, at ikaw ay nasa kahirapan.(Luc.16:23-25)
Ito rin ang bilangguan ng mga espiritu na pinaruonan ng Panginoon Jesus?
"Sapagka't si Cristo man ay nagbata ring minsan dahil sa mga kasalanan, ang matuwid dahil sa mga di matuwid, upang tayo'y madala niya sa Dios; siyang pinatay sa laman, nguni't binuhay sa espiritu; Na iyan din ang kaniyang iniyaon at nangaral sa mga espiritung nasa bilangguan, Na nang unang panahon ay mga suwail, na ang pagpapahinuhod ng Dios, ay nanatili noong mga araw ni Noe, samantalang inihahanda ang daong, na sa loob nito'y kakaunti, sa makatuwid ay walong kaluluwa, ang nangaligtas sa pamamagitan ng tubig:(1Ped.3:18-20)
Sa Dakung ito kinukulong ng Panginoon ang mga espiritu ng masasamang tao.ito rin ang naging kulungan ng mga anghel na hindi nag ingat ng kanilang sariling pamunuan kundi bagkus iniwan ang kanilang tahanan ay ginapus sila sa tanikala.(Judas 6)
Comments
Post a Comment