ANO ANG KAHULUGAN NA SI KRISTO ANG PANGANAY NG LAHAT NG MGA NILALANG



Ano  ang Ibig sabihin ng Colosas 1:15  na si Kristo "Ang Panganay ng lahat ng mga nilalang"

"Na siya ang larawan ng Dios na di nakikita, ang panganay ng lahat ng mga nilalang;(Col. 1:15)

Totoo ba na ang Kahulugan nito ay "Nilalang lang si Kristo at hindi kasama sa pagiging ka-manlalalang ng Dios.(Gen.1:16).

Ano ba ibig sabhin na si Kristo ay "ANG PANGANAY NG LAHAT NG MGA NILALANG. sa Greek ay "prototokos pas ktisis " hindi ito nanganaghulugan na si Kristo ay kasama sa mga nilalang o kauna-unahang nilalang.

Kasi ang kauna-unahan nilalang ng Dios sa pasimula ay ang mga Langit at ang lupa kung si Kristo ang panganay sa lahat ng mga nilalang lalabas nito na lumikha muna ang Dios ng Kristo bago niya nilikha ang mga langit at ang lupa.

"Nang pasimula ay nilikha ng Dios ang mga langit at ang lupa.(Gen.1:1)

Ano ba Biblical na Kahulugan na si Kristo "Ang Panganay ng lahat ng mga nilalang ito ang sagot ng Biblia?


"Sapagka't sa kaniya nilalang ang lahat na mga bagay, sa sangkalangitan at sa sangkalupaan, na mga bagay na nakikita at ang mga bagay na di nakikita, maging mga luklukan o mga pagsakop o mga pamunuan o mga kapangyarihan; lahat ng mga bagay ay nilalang sa pamamagitan niya at ukol sa kaniya; At siya'y una sa lahat ng mga bagay, at ang lahat ng mga bagay ay nangabubuhay dahil sa kaniya.(Col.1:16-17)


Ang Kahulugan pala na si Kristo "Ang Panganay sa lahat ng mga nilalang nangangahulugan pala ito na si KRISTO ang UNA sa lahat ng mga bagay sapagkat sa kaniya nilalang ang lahat ng mga bagay sapagkat siya ang ALPHA.(Apoc.1:11) 

Samakatuwid itinuturo sa atin na bago nilalang ang lahat ng mga bagay nauna si Kristo sapagkat lahat ng mga bagay nilalang sa pamamagitan niya at walang nilalang kung wala siya. sapagkat siya ang Kasama ng Dios sa pasimula.

"Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios.Ito rin nang pasimula'y sumasa Dios.Ang lahat ng mga bagay ay ginawa sa pamamagitan niya; at alin man sa lahat ng ginawa ay hindi ginawa kung wala siya. (Juan 1:1-3)

At siya (Si Kristo) ay hindi Nilalang kundi Kasama ng Dios na lumalang ng lahat ng mga bagay.

"Christ himself is the Creator who made everything in heaven and earth, the things we can see and the things we can’t; the spirit world with its kings and kingdoms, its rulers and authorities; all were made by Christ for his own use and glory.[Colossians 1:16 TLB]


Comments

  1. sa Genesis 1:26 sa tingin mo ba tatlo ang Creator jan? bakit di mo basahin ang 27?


    Genesis 1:27
    "God created man in His own image, in the image of God He created him; male and female He created them."

    His and he is singular

    sang ayon kaya jan ang mga propeta?

    Malachi 2:10
    10 Don’t you know that we all have God as our Father? Didn’t the one God create each of us? Then why do you cheat each other by breaking the agreement God made with your ancestors?

    one God the Father Created us.

    sang ayon kaya jan ang mga apostol


    1 Corinthians 8:6
    Contemporary English Version
    6 We have only one God, and he is the Father. He created everything, and we live for him. Jesus Christ is our only Lord. Everything was made by him, and by him life was given to us.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts