ANG IISANG DIOS AMA SA 1 CORINTO 8:6
Nguni't sa ganang atin ay may isang Dios lamang, ang Ama, na buhat sa kaniya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa kaniya; at isa lamang Panginoon, si Jesucristo, na sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa pamamagitan niya. (1Cor.8:6)
Paano ba ang tamang pag -unawa sa talata na ito ,una naniniwala naman tayo na may isang Dios lamang yon ang Ama,na buhat sa kaniya ang lahat ng mga bagay .
Itong isang Dios na "Ama" hindi lang ito tumutukoy sa Ama ng ating Panginoong Jesu Cristo.(1 Cor.1:3) na nasa mga langit.(Mat.6:9) kundi tumutukoy din ito sa Anak o sa ating Panginoong Jesu Cristo sapagkat ang Anak ay tinatawag rin na Makapangyarihang Dios at walang hanggang Ama.
"Sapagka't sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalake; at ang pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat: at ang kaniyang pangalan ay tatawaging Kamanghamangha, Tagapayo, Makapangyarihang Dios, Walang hanggang Ama, Pangulo ng Kapayapaan.(Isaiah 9:6)
Si Cristo ang isang bata na ipinanganak na kung saan ang pamamahala ay maatang sa kaniyang balikat at ang kanyang pangalan ay tatawaging Kamanghamangha , Tagapayo ,Makapagyarihang Dios ,at WALANG HANGGANG AMA.
Samakatuwid hindi lang ang Dios AMA ang tinatawag na AMA kundi tumutukoy din ito sa ANAK (JESU CRISTO).
Ito ang isang ISANG "AMA " (Echad -AB) sa Malakias 2:10
"Wala baga tayong lahat na isang(Echad) ama (Ab)? hindi baga isang Dios ang lumalang sa atin?
Sapagkat ang Panginoong Jesu Cristo ay naging Ama sa kanyang mga alagad at tinawag niya ang kanyang mga alagad na kanyang mga "anak".(Mat.9:22, Juan 13:33,Juan 21:5,Apoc 21:6-7)
Kung Paano may Isang Panginoon lamang si Jesu Cristo,pero pansinin natin na itong isang Panginoon hindi lang ito tumutukoy sa panginoong Jesu Cristo kundi ang Ama tinatawag ring Panginoon.(Luc.10:21) at maging Espiritu santo tinatawag rin na panginoon.(2 Cor.3:17) ito ang ISANG PANGINOON.(Zac.14:9)
Sa Kristiano-Ang AMA (Yahuwah) ay Panginoon , Ang ANAK (Jesu Cristo) ay Panginoon at ang Banal na Espiritu ay Panginoon rin .
kaya sa pagiging isang panginoon hindi ito iisa na "absulute" kundi iisang panginoon na "Unified One" o "Echad" sa Hebreo(Deut.6:4,Marcus 12:29) na binubuo ng Ama, Anak at Banal na Espiritu.(Mat.28:19)
Pag sinamba mo ang Ama nasasamba mo rin ang Anak o panginoong "Jesu cristo at ang Banal na Espiritu.? Ang Pagsamba sa Ama ay pagsamba sa Anak at sa Espiritu Santo ,at ang Pagsamba sa Anak ay pag-samba sa Ama at sa Espiritu Santo , at ang Pagsamba sa Espiritu Santo ay pagsamba rin sa Ama at Anak .(Mateo 4:10) sapagkat ang Panginoong Dios na sasambahin ay Ang Ama at ang Anak.(Awit 110:1,Heb.1:8-10) at ang Banal na Espiritu.(2Cor.3:17,Heb.3:7-11,9:14)
"Upang papurihan ng lahat ang Anak, na gaya rin ng kanilang pagpapapuri sa Ama. Ang hindi nagpapapuri sa Anak ay hindi nagpapapuri sa Ama na sa kaniya'y nagsugo. (Juan 5:23)
Ang pagpuri sa Anak ay gaya ng pag-puri sa Ama at ang hindi nagpupuri sa Anak ay hindi nagpupuri sa Amang nagsugo sa kaniya .
Ang pananalangin o pagsamo at pagdaing ay nauukol rin sa AMA.(Mat.6:9) sa ANAK.(Mga Gawa 7:55-60) at sa Espiritu Santo.(Judas 1:20)
Ang pananalangin o pagsamo at pagdaing ay nauukol rin sa AMA.(Mat.6:9) sa ANAK.(Mga Gawa 7:55-60) at sa Espiritu Santo.(Judas 1:20)
"..... at ang tumatanggap sa akin ay tinatanggap ang nagsugo sa akin. (Mat.10:40)
kaya pag tinanggap mo si Cristo maging ang Ama na nagsugo sa kanya natatanggap mo.
"At si Jesus ay sumigaw at nagsabi, Ang sumasampalataya sa akin, ay hindi sa akin sumasampalataya, kundi doon sa nagsugo sa akin. At ang nakakita sa akin, ay nakakita doon sa nagsugo sa akin. (Juan 12:44-45)Sumampalataya sa Dios Ama at sumampalataya rin sa Kanyang Bugtong na Anak na si Jesu Cristo.(Juan 14:1)
Sabi ng ating Panginoong Jesu Cristo ang sumampalataya sa kanya at hindi sa kanya sumampalataya kundi doon sa Ama na nagsugo sa kaniya at ang nakakita sa kanya ay nakakita duon sa Ama na nagsugo sa kaniya. (Juan 14:8-9)
"Sa kaniya nga'y kanilang sinabi, Saan naroroon ang iyong Ama? Sumagot si Jesus, Hindi ninyo nakikilala ako, ni ang aking Ama: kung ako'y inyong makilala, ay makikilala rin ninyo ang aking Ama. (Juan 8:19)
Ang kumikilala sa Anak o sa Panginoong Jesu cristo ay kumikilala sa kanyang Ama.
"Nang siya nga'y makalabas na, ay sinabi ni Jesus, Ngayon ay niluluwalhati ang Anak ng tao, at ang Dios ay niluluwalhati sa kaniya: (Juan 13:31)
Pag niluluwalhati ang Anak o ang Panginoong Jesu Cristo ang Ang Dios Ama ay niluluwalhati sa kaniya...ang Ama ay lumuwalhati sa pamamagitan ng Anak.(Juan 14:13)
Ang napopoot sa Anak ay napopoot sa Ama?
"Ang napopoot sa akin ay napopoot din naman sa aking Ama.(Juan 15:23)
Ang lahat ng sa Ama ay sa Anak rin?
"Ang lahat ng mga bagay na nasa Ama ay akin: (Juan 16:15,Juan 17:10)
Ang Pagsamba sa Anak o sa Panginoong Jesu Cristo ay sa ikaluluwalhati ng Dios Ama?
" Kaya siya naman ay pinakadakila ng Dios, at siya'y binigyan ng pangalang lalo sa lahat ng pangalan; Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang lahat ng tuhod, ng nangasa langit, at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa, At upang ipahayag ng lahat ng mga dila na si Jesucristo ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Dios Ama. (Fil.2:9-11)
Ang Tumanggi sa Ama at sa Anak ay Anti -Kristo?
"Sino ang sinungaling kundi ang tumatanggi na si Jesus ay siyang Cristo? Ito ang anticristo, sa makatuwid ay ang tumatanggi sa Ama at sa Anak. (1 Juan 2:22)
Ang naglilingkod sa Ama.(Mat.4:10) ay nagliligkod din sa Anak.(Efe.6:5-6) at sa Banal na Espiritu Santo.(Fil.3:3)
Ang naglilingkod sa Ama.(Mat.4:10) ay nagliligkod din sa Anak.(Efe.6:5-6) at sa Banal na Espiritu Santo.(Fil.3:3)
Comments
Post a Comment