CRISTO TAONG TAGAPAMAGITAN
Isa sa mga batayan ng mga INC 1914 at ng mga Muslim para patunugin na tao lang si Cristo ay ang nasa aklat ng 1 Timoteo 2:3-6 na ayon sa kanila sa talata na yan ay Taong tagapamagitan si Cristo at hindi siya ang Dios.
Pero pansinin natin ang talata na ito na ginagamit nilang batayan sa (1 Tim.2:3) "ito'y mabuti at nakalulugod sa paningin ng ating Dios na ating Tagapagligtas."ito palang Dios na ito ay isang Dios na Tagapagligtas si Cristo tinawag na Panginoon at Tagapagligtas.(Luc.2:11) kaya itong taong tagapamagitan na ito ay isang Panginoon na tagapagligtas.
Ito'y mabuti at nakalulugod sa paningin ng Dios na ating Tagapagligtas; Na siyang may ibig na ang lahat ng mga tao'y mangaligtas, at mangakaalam ng katotohanan. Sapagka't may isang Dios at may isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus, Na ibinigay ang kaniyang sarili na pangtubos sa lahat; na pagpapatotoong mahahayag sa sariling kapanahunan;(1 Tim.2:3-6)
Kung binanggit man sa talata na ito ang salitang "Isang Dios" hindi ito tumutukoy sa Absulute One na Dios sapagkat ang salitang "One God" o "isang Dios" na ginamit sa talata na yan sa Greek ang ginamit ay "heis" na tumutukoy sa "corporate One" or "United One" "Unified One" ginamit din ang "heis" sa mag-asawa na iisang laman.(Mat.19:6)at sa pagiging Isa ng Ama at ng Anak .(Juan 10:30) at sa pagiging isa ng mga Kristiano kay cristo.(Gal.3:28,Juan 17:21)
Ngayon duon sa iisang Dios may isang tagapamagitan na mamagitan sa mga tao at sa Dios (Ama) walang iba ang taong si Cristo Jesus ,...ngayon nabanggit dito na si Cristo Jesus ay tao dito ngayon nagkamali ng unawa ang mga INC 1914 at ang mga Muslim nung mabasa nila ang salitang "ang taong si Cristo Jesus" ang salitang "tao" sa talata na ito ang ginamit sa Greek ay "Anthropos" na meaning ay "man face" o "mukha ng tao" hindi ito nangangahulugan na nasa "mukha ng tao "(Man face) ay tao na sa kalagayan dahil may "mukha ng tao" pero hindi tao
Magbibigay tayo ng Halimbawa ang Apat na nilalang na buhay sa langit ang ikatlo sa mga ito ay "Kamukha ng isang tao"pero hindi ito tao . ang ginamit din sa Greek ay "Anthropos" nasa anyo ito ng tao pero hindi ito tao.
Kaya may nasa-anyo ng Tao pero hindi tao?
At sa harapan ng luklukan, ay wari na may isang dagat na bubog na katulad ng salamin; at sa gitna ng luklukan, at sa palibot ng luklukan, ay may apat na nilalang na buhay na puno ng mga mata sa harapan at sa likuran. At ang unang nilalang ay katulad ng isang leon, at ang ikalawang nilalang ay katulad ng isang guyang baka, at ang ikatlong nilalang ay may mukhang katulad ng sa isang tao, at ang ikaapat na nilalang ay katulad ng isang agila na lumilipad.At ang apat na nilalang na buhay, na may anim na pakpak bawa't isa sa kanila, ay mga puno ng mata sa palibot at sa loob; at sila'y walang pahinga araw at gabi, na nagsasabi, Banal, banal, banal, ang Panginoong Dios, ang Makapangyarihan sa lahat, na nabuhay at nabubuhay at siyang darating.(Apoc.4:6-8)
Ang isa pang Halimbawa ay diosdiosan na gawa sa kahoy na nililuk nasa anyo ng tao pero hindi tao?
Naguunat ang anluwagi ng isang pising panukat; kaniyang tinatandaan ng lapis; kaniyang inaanyuan sa pamamagitan ng mga katam, at kaniyang tinatandaan ng mga kompas, at inaanyuan ng ayon sa anyo ng tao, ayon sa kagandahan ng tao, upang tumahan sa bahay. Pumuputol siya sa ganang kaniya ng mga cedro, at kumukuha ng puno ng roble at ng encina, at pinatitibay sa ganang kaniyang sarili ang isa sa gitna ng mga punong kahoy sa gubat: siya'y nagtatanim ng puno ng abeto, at yao'y kinakandili ng ulan.(Isaias 44:13-14)
Ang isa pang nasa anyo-ng tao (man face) ay mga Anghel ng Dios maraming pagkakataon sa matandang tipan na nagpakita ito sa "anyo ng tao" (Genesis 18:1-8)
Kahit ang "Dios (Ama) na nakaupo sa kanyang Luklukan sa Langit ay nasa anyo o "wangis ng tao"
At sa itaas ng langit na nasa itaas ng kanilang mga ulo ay may kawangis ng isang luklukan na parang anyo ng batong zafiro; at sa ibabaw ng kawangis ng luklukan ay may kawangis ng isang tao sa itaas niyaon.(Ezekiel 1:26)
Kaya hindi nangangahulugan na nasa anyong anthropos (Man face) ang Cristong tagapamagitan ay tao na kalagayan nito kasi ang Dios (Ama) na nakaupo sa kanyang luklukan sa langit ay nasa wangis o anyo ng tao o "Anthropos"
Ngayon bakit nasa nasa Anyong tao (face of Man ) Anthropos si Kristo.
Ito ang patotoo ni Biblia
Mangagkaroon kayo sa inyo ng pagiisip, na ito'y na kay Cristo Jesus din naman: Na siya, bagama't nasa anyong Dios, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios,Kundi bagkus hinubad niya ito, at naganyong alipin, na nakitulad sa mga tao:At palibhasa'y nasumpungan sa anyong tao, siya'y nagpakababa sa kaniyang sarili, na nagmasunurin hanggang sa kamatayan, oo, sa kamatayan sa krus.(Filipos 2:5-8)
Na siya (si Kristo) bagamat nasa anyong Dios ,ay hindi inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios kundi bagkus hinubad niya ito at naganyong alipin na nakitulad sa mga tao at PALIBHASA'Y NASUMPUNGAN sa ANYONG TAO (Anthropos).naganap ito ng magkatawang tao ang Anak ng Dios .(Juan 1:1-3,14,18)
Tandaan rin natin na ang tao ay ginawa ayon sa larawan at wangis ng Dios samakatuwid ang wangis ng tao ay kalarawan at wangis ng Dios.(Genesis 1:26).
Ngayon paano itong "Bugtong na Anak ng Dios.(Juan 1:18,Juan 3:16) na isang Tao (Anthropos) naging tagapamagitan sa Dios sa mga tao ?
Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko. (Juan 14:6)
Paano naging Tagapamagitan si Cristo sa Dios at sa mga tao sa pamamagitan niya siya naging Daan ,katotohanan at ,ang Buhay para makaparoon ang mga tao sa Ama walang taong makakaparoon sa Ama kung hindi sa pamagitan niya.
ang ating Panginoong Jesu cristo inilagay ng Dios (Ama) na maging pampalubag loob upang maipakilala ang kanyang katuwiran sa hindi pagpansin sa mga kasalanan para ang mga tao ay muling mailapit o maipagkasundo sa Dios Ama na makapangyarihan sa lahat .
Palibhasa'y inaring-ganap na walang bayad ng kaniyang biyaya sa pamamagitan ng pagtubos na nasa kay Cristo Jesus: Na siyang inilagay ng Dios na maging pangpalubagloob, sa pamamagitan ng pananampalataya, sa kaniyang dugo, upang maipakilala ang kaniyang katuwiran dahil sa hindi pagpansin sa mga kasalanan na nagawa nang nagdaang panahon sa pagpapahinuhod ng Dios; (Roma 3:24-25)
Datapuwa't ang lahat ng mga bagay ay pawang sa Dios, na pinakipagkasundo tayo sa kaniya rin sa pamamagitan ni Cristo,..."(2 Cor.5:18)
Ang ating Panginoong Jesu Cristo ang magdadala sa atin sa Dios kaya siya ang tagapamagitan na magdadala sa atin sa Dios.
Sapagka't si Cristo man ay nagbata ring minsan dahil sa mga kasalanan, ang matuwid dahil sa mga di matuwid, upang tayo'y madala niya sa Dios; (1 Pedro 3:18)
Mumunti kong mga anak, ang mga bagay na ito ay isinusulat ko sa inyo upang kayo'y huwag mangagkasala. At kung ang sinoman ay magkasala, ay may Tagapamagitan tayo sa Ama, si Jesucristo ang matuwid: At siya ang pangpalubag-loob sa ating mga kasalanan; at hindi lamang sa ating mga kasalanan, kundi ng sa buong sanglibutan din naman.(1Juan 2:1-2)
Ang Ating Panginoong Jesu Cristo pala ang ating Tagapamagitan (Abugado) sa harapan ng Dios Ama sa ating mga kasalanan siya ang pampalubag loob sa galit ng Dios sa mga tao siya ang magsisilbing Tagapagtanagot sa atin sa harapan ng kanyang Ama sa langit para matamo natin ang pagpapatawad ng Dios sa ating mga kasalanan.
Kahit na ngayon, narito, ang aking saksi ay nasa langit, at siyang nananagot sa akin ay nasa kaitaasan.(Job 16:19)
Dahil si Cristo ang Tagapanagot at Tagapamagitan kanyang aalalayan o ipagtatanggol ang ating mga usap sa harap ng Dios (Ama)
Nalalaman ko na aalalayan ng Panginoon ang usap ng nagdadalamhati, at ang matuwid ng mapagkailangan.(Awit 140:12)
"I know that the LORD will defend the rights of those who are oppressed and the cause of those who are needy."
Huwag kang magnakaw sa dukha, sapagka't siya'y dukha, ni pumighati man sa nagdadalamhati sa pintuang-bayan: Sapagka't ipakikipaglaban ng Panginoon ang kanilang usap, at sasamsaman ng buhay yaong nagsisisamsam sa kanila. (Kawikaan 22:22-23)
Si Cristo ay panginoon at Anak ng Dios na mamagitan sa atin sa Dios Ama siya nasa wangis ng pagiging Antropos o (Tao) ngunit sa kalagayan ay tunay na anak ng Dios at tunay na Dios (1Juan 1:1,14,1Juan 5:20)
Comments
Post a Comment