DIOS INARUGA NG TAO



Isa mga argumento na ginagamit ng mga INC 1914 at ng mga Muslim kaya hindi sila naniniwala na Dios ang ating Panginoong Jesu Cristo sa dahilan ayon sa kanila
Nung sanggol daw ang ating Panginoong Jesu Cristo ay Inalagaan o pinagselbihan siya ni Maria kaya daw hindi siya ang tunay na Dios sa dahilan daw ang tunay daw na Dios ay hindi Inaalagaan ng tao.

Una hindi natin tinatanggi na nung sanggol ang ating Panginoong Jesu Cristo ay naging tulad rin siya sa sanggol na kung saan inaalagaan siya ng kanyang ina sa laman na si Maria.

Si Maria po na kanyang Ina sa laman ang kumandili at umaroga sa ating Panginoon Jesu Cristo ng ito sanggol pa at sa kanyang kabataan sa madaling salita Pinagselbehan ni Maria ang ating Panginoon sa kanyang kabataan.

Nung magkatawang tao ang Anak ng Dios inihula na siya ay ipapanganak ng isang dalaga.(Isaias .9:6,Juan 1:1,14)at ito ay ang kanyang Ina sa laman na si Maria .(Lucas.1:43)


Dahil sa nagkatawang tao ang Dios o (Anak ng Dios) dumaan siya sa proseso ng pagiging tao siya ay ipinaglihi at ipinanganak at naging sanggol at lumaki na tulad sa tao .sa dahilan na bagamat siya ay nasa anyo Dios hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios (Ama) kundi bagkus hinubad niya ito at NAG -ANYONG ALIPIN na NAKITULAD sa MGA TAO 

Na siya, bagama't nasa anyong Dios, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios, Kundi bagkus hinubad niya ito, at naganyong alipin, na nakitulad sa mga tao:(Filipos.2:6-7)

Kaya dito maliwanag dumaan sa Proseso ng pagiging tao ang pagkakatawang tao na Anak ng Dios?Kung inaruga o inalagaan man si Cristo ni Maria ito ay bahagi ito ng paglilingkod ni Maria sa Dios

Sa dahilang ang pag-aaruga o  TO CARE ay isang anyo ng paglilingkod ? at ang naglilingkod ay nagseselbi ito sa pamamaraan ipinagagawa sa kanya ng kanyang pinaglilingkuran o panginoon

Halimbawa: Ang Panginoon at ang tagapaglingkod o alipin 

Gusto kumain ng kanyang Panginoon ,,,,ano ang gagawin ng tagapaglingkod natural pagsisilbehan niya ito ipagkukuha niya ito ng pagkain (Hindi nangangahulugan na walang kakayahan ang kanyang panginoon na kumuha ng pagkain (pero dahil ikaw ang tagapaglingkod nasa tungkulin mo na pag silbehan siya

Ganito rin po ang ginawa ni Maria nung sanggol ang Panginoong Jesu cristo inaruga niya ito bilang bahagi ng kanyang paglilingkod sapagkat siya ay alipin ng Panginoon . 

At sinabi ni Maria, Narito, ang alipin ng Panginoon; mangyari sa akin ang ayon sa iyong salita. At iniwan siya ng anghel.(Lucas.1:38)

At Tinanggap ni Maria ang responsibilidad na ito sa paglilingkod nung Inatasan siya na maging INA sa Laman ng Dios ANAK na nagkatawang tao .(Juan 1:1,18,14)

Dito pa lang ay alam na ni Maria na ang pinaglilingkuran niya at Kinakandili ay PANGINOON na sumasa bata.(Genises.21:20)

At ang Panginoon ni Maria na tinutukoy ay ang Panginoong Jesu Cristo?


"Sapagka't ipinanganak sa inyo ngayon sa bayan ni David ang isang Tagapagligtas, na siya ang Cristo ang Panginoon.(Lucas.2:11)


At sa kanyang pagkapanganak sa laman ay sinamba at pinaglingkuran  siya..."At nang makita nila ang bituin, ay nangagalak sila ng di kawasanggalak.At nagsipasok sila sa bahay, at nangakita nila ang sanggol na kasama ng kaniyang inang si Maria; at nangagpatirapa sila at nangagsisamba sa kaniya; at pagkabukas nila ng kanilang mga kayamanan ay inihandog nila sa kaniya ang mga alay, na ginto at kamangyan at mira. (Mateo .2:10-11)


Kaya hindi kabawasan sa pagiging Dios ng ating Panginoong Jesus ang arugain o kadiliin man siya ng tao sapagkat ang Dios Ama mismo kahit siya ang Makapangyarihang Dios sa Lahat ay nalulugod siya sa tao na IBIGIN siya.(Deuteronomio 6:5,Mateo 22:37) at PAGLINGKURAN.(Awit 100:2) kaluguran ito ng Dios sa kanyang puso na nakikita niya na ang kanyang LINGKOD ay nagmamahal sa kanya.(Mga Awit 31:33,1 Corinto 2:9)

Ang paglilingkod ni Maria sa Sanggol na si Jesus ay katuparan ng Pangako ni Josue na siya at ang kanyang boung Sambahayan ay MAGLILINGKOD SA PANGINOON.(Josue 24:15) Inaruga ni Maria ang PANGINOON na Nagkatawang tao bilang kanyang PAGLILINGKOD sa Panginoon.(Lucas.1:27-28,35,Juan 1:1-3,14,18)

At natupad ang Hula sa mga Awit na ang sabi:

Kayo'y mangaglingkod sa Panginoon na may takot, at mangagalak na may panginginig. Hagkan ninyo ang anak, baka magalit siya, at kayo'y mangapahamak sa daan, sapagka't ang kaniyang poot ay madaling magalab. Mapapalad ang nanganganlong sa kaniya.(Mga Awit 2:11-12)


Dinggin mo, Oh Israel: ang Panginoon nating Dios ay isang Panginoon: At iyong iibigin ang Panginoon mong Dios ng iyong buong puso, at ng iyong buong kaluluwa, at ng iyong buong lakas....."Ikaw ay matakot sa Panginoon mong Dios; at sa kaniya'y maglilingkod ka, at sa pamamagitan lamang ng kaniyang pangalan susumpa ka.(Deuteronomio.6:4-5,13) 

Si Abraham nga pinaglingkuran ang Panginoon na gaya ng naglilingkod sa tao hinugasan niya ang paa ng Panginoon at ipinagluto niya pa ito ng tinapay at guya at ito ay kanyang inihain sa Panginoon at ito ay kinain ng Panginoon. 

At napakita ang Panginoon sa kaniya sa mga punong encina ni Mamre, habang siya'y nakaupo sa pintuan ng tolda, ng kainitan ng araw. At itiningin ang kaniyang mga mata at nagmalas, at, narito't tatlong lalake ay nakatayo sa tabi niya: at pagkakita niya sa kanila, ay tinakbo niya upang sila'y salubungin mula sa pintuan ng tolda, at yumukod siya sa lupa. At nagsabi, Panginoon ko, kung ngayo'y nakasumpong ako ng biyaya sa iyong paningin, ay ipinamamanhik ko sa iyo, na huwag mong lagpasan ang iyong lingkod. Itulot mong dalhan kayo rito ng kaunting tubig, at maghugas kayo ng inyong mga paa, at mangagpahinga kayo sa lilim ng kahoy. At magdadala ako ng isang subong tinapay at inyong palakasin ang inyong puso; at pagkatapos ay magsisipagtuloy kayo: yamang kayo'y naparito sa inyong lingkod, At nagsipagsabi, Mangyari ang ayon sa iyong sinabi. At si Abraham ay nagmadaling napasa tolda ni Sara, at sinabi, Maghanda ka agad ng tatlong takal ng mainam na harina, iyong tapayin at gawin mong mga munting tinapay. At tumakbo si Abraham sa bakahan at nagdala ng isang bata at mabuting guya, at ibinigay sa alipin; at siya'y nagmadali, upang lutuin. At siya'y kumuha ng mantekilla, at ng gatas, at ng guyang niluto niya, at inihain sa harapan nila; at siya'y tumayo sa siping nila sa lilim ng punong kahoy; at sila'y nagsikain.(Genises.18:1-8)

Comments

Popular Posts