JESUS MAY KINIKILALANG DIOS AT NAGPATIRAPA SA AMA
Kung Dios ang Panginoong si Jesu Cristo Bakit May Dios pa siyang kinikilala at tinatawag???
Ito ang malimit itanung ng mga INC ni Manalo at ng mga Muslim sapagkat nung mabayubay daw sa krus ang ating Panginoong Jesu Cristo may tinawag siyang Dios na ang Wika "Dios ko Dios Ko bakit mo ako pinabayaan.(Mateo.27:46) at sinabi pa daw ng ating Panginoong Jesus kay Maria Magdalena "Sabi ni Jesus, Huwag mo akong hawakan sapagkat hindi pa ako nakakapunta sa Ama. Sa halip, pumunta ka sa aking mga kapatid at sabihin mo sa kanila na aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, sa aking Diyos at inyong Diyos.(Juan 20:17) sabi nila ito daw ang patunay na may kinikilalang DIOS si Cristo kaya hindi siya ang Tunay na Dios.
Ito kanilang Logic "Na pag may kinikilala hindi na tunay yong Kumikilala???kaya sa kanila dahil may kinikilalang Dios at may Dios na tinatawag si Jesus "HINDI NA TUNAY NA DIOS si JESUS"
Ito logic ng mga taong hindi nag iisip!!!!Magbibigay tayo ng Halimbawa para lalong maunawaan !!!! susundan natin pangangatuwiran nila !!!!
Halimbawa: Si PEDRO ay isang ABUGADO kaya Attorney ang TAWAG kay PEDRO !!!! TAMA
Ngayon may kaibigan si PEDRO na ABUGADO rin si JUAN ,,,,,Tinawag ni PEDRO si JUAN na Attorney !!!!! nangangahulugan ba ito na HINDI na ABUGADO si PEDRO dahil may kinikilala pa siyang ABUGADO na bukod sa kanya at yon ay si JUAN ,,,Ganun lalabas ang Logic ng mga INC ni Manalo.
Kung tatawaging President ni Aquino si Obama,...Kabawasan ba ito sa pagiging President ni Aquino..mawawala ba ang pagka-president ni Aquino dahil tinawag nyang president si Obama. Ang DIOS na tinatawag ng CRISTO ay ang kanyang AMA.(2 Corinto 11:31)
Dito makikita natin ang kababawan ng ganyang argumento.
Ang Dios ay Hari.(Jeremias.10:6-7)...May tinawag ang Dios na kanyang HARI !!!! Nawala ba ang pagka-Hari ng Dios !!! HINDI NAMAN
Ito patunay na PWDE kumilala ang Tunay na HARI ng ibang HARI
"Gayon ma'y inilagay ko ang aking hari sa aking banal na bundok ng Sion. Aking sasaysayin ang tungkol sa pasiya: sinabi ng Panginoon sa akin, Ikaw ay aking anak; sa araw na ito ay ipinanganak kita.(Awit 2:6-7)
Dito makikita natin na tinawag ng Dios ang kanyang ANAK na "AKING HARI" nabawasan ba ang pagka Hari ng Dios ....HINDI NAMAN kahit sa langit Hari din si Kristo.(Mateo.25:34)
Kung may kilalanin PANGINOON ang PANGINOONG DIOS mababawasan ba ang kanyang PAGKA-PANGINOON !!!! HINDI NAMAN
Sinabi ng Panginoon sa aking panginoon, umupo ka sa aking kanan, hanggang sa aking gawing tungtungan mo ang iyong mga kaaway.(Mga Awit 110:1)
Dyan sa talata na yan PANGINOON din ang TAWAG ng DIOS sa PANGINOON ni DAVID ..Soo HINDI nakakabawas kung may ibang tatawagin ang Dios na PANGINOON na BUKOD sa kaniya
Ang Patunay ang TAWAG ng DIOS AMA sa kanyang ANAK ,,,,TINAWAG NIYA ITONG "OH DIOS"
Nguni't tungkol sa Anak ay sinasabi, Ang iyong luklukan, Oh Dios, ay magpakailan man; At ang setro ng katuwiran ay siyang setro ng iyong kaharian. Inibig mo ang katuwiran, at kinapootan mo ang kasamaan; Kaya't ang Dios, ang Dios mo, ay nagbuhos sa inyo, Ng langis ng kasayahang higit sa iyong mga kasamahan.(Hebreo.1:8-9)
Kung ang Dios Ama mismo may kinikilala at tinatawag na HARI, PANGINOON at DIOS ang kanyang ANAK...Ang Anak pa kaya ang HINDI TATAWAG sa kanyang AMA na .."AKING DIOS"
Kaya ang AMA ay nagsabi sa kanyang ANAK ..."Kaya ang Dios ,Ang Dios mo" at tinawag ng AMA itong Anak na Dios at Panginoon.
Nguni't tungkol sa Anak ay sinasabi (ng Ama), Ang iyong luklukan, Oh Dios, ay magpakailan man; At ang setro ng katuwiran ay siyang setro ng iyong kaharian.Inibig mo ang katuwiran, at kinapootan mo ang kasamaan; Kaya't ang Dios, ang Dios mo, ay nagbuhos sa inyo, Ng langis ng kasayahang higit sa iyong mga kasamahan.At, Ikaw, Panginoon, nang pasimula'y inilagay mo ang kinasasaligan ng lupa, At ang mga langit ay mga gawa ng iyong mga kamay:(Hebreo.1:8-10)
Maliwanag na hindi kabawasan sa Anak kung tawagin ng ANAK ang kanyang AMA na Dios sapagkat ang Ama rin tinawag rin ang ANAK na kanyang "HARI" , PANGINOON at DIOS kung paanong hindi kabawasan sa isang President ang tawaging president ang kanyang kapwa president.
Dahil ang Dios ay Dios ng MGA DIOS at PANGINOON ng mga PANGINOON.(Deuteronomio.10:17,MgaAwit 138:1) si Cristo ay DIOS AT PANGINOON na namamanginoon at dumidiyos sa kanyang AMA.(Mga Awit 136:1-2 ) sapagkat lalong dakila ang Ama kay sa kanya.(Juan 10:29,Juan 14:28)
Sapagka't ang Panginoon (o Ama) ay dakilang Dios, at dakilang Hari sa lahat ng mga dios ( samakatuwid sa Anak at sa Espiritu Santo), (Mga Awit 95:3)
Ngayon bakit nagpatirapa si Kristo sa Ama na kanyang tinatawag na Dios patunay ba ito na hindi siya "Dios"???????
Basahin natin ang nasabing mga talata:
At lumakad siya sa dako pa roon, at siya'y nagpatirapa, at nanalangin, na nagsasabi, Ama ko, kung baga maaari, ay lumampas (Mateo 26:39)
At siya'y humiwalay sa kanila na may agwat na isang itsang bato; at siya'y nanikluhod at nanalangin, Na sinasabi, Ama, kung ibig mo, ilayo mo sa akin ang sarong ito: gayon ma'y huwag mangyari ang aking kalooban, kundi ang iyo.(Lucas.22:41-42)
Ito ang sagot :
Ang pagpapatirapa ng Anak sa kanyang Ama ay hindi tumutukoy sa pagkakaiba nila ng Kalikasan
Kasi PWEDI gawin ang pagpapatirapa sa persona na magkatulad kayo ng kalikasan o kalagayan ??? Ang Halimbawa natin ay ang pagpatirapa ni Mephiboseth na Anak ni Jonathan kay Haring David ----SI MEPHIBOSETH AY TAO ---AT NAGPATIRAPA SIYA KAY DAVID NA TAO RIN ANG KALAGAYAN --PARIHO SILANG TAO
KUNG ANG ANAK NA TUNAY NA DIOS ANG KALAGAYAN.(1Juan.5:20) AY MAGPATIRAPA NA MAGBIBIGAY GALANG SA KANYANG AMA NA TUNAY NA DIOS RIN ANG KALAGAYAN.(Juan.17:1-3)----ANO ANG MASAMA AT NALALABAG NITO ---WALA????
At ang pagpapatirapa ng Panginoong Jesu Cristo sa Harap ng Ama ay hindi maituturing na PAG-SAMBA kundi ito ay isang Anyo ng pagbibigay galang o respisto na ibinibigay ng ANAK sa Ama nagluluwalhatian kasi ang Ama at ang Anak.(Juan 17:1)
Sapagkat hindi lahat ng naninikluhod o nagpapatirapa ay Sumasamba may pagpapatirapa na nagbibigay Galang halimbawa sa 2 Samuel 9:6
Ay ganito ang ating mababasa ....."At si Mephiboseth, na anak ni Jonathan, na anak ni Saul, ay naparoon kay David, at nagpatirapa sa kaniyang harap, at nagbigay galang. At sinabi ni David, Mephiboseth. At siya'y sumagot: Narito, ang iyong lingkod! "
Dito si Mephiboseth na ANak ni Jonathan ay pumaroon kay David at nagpatirapa kay David at nagbigay galang ----ito ay anyo ng pagpapatirapa na ginagawa ng Bayang Israel sa mga taong Mararangal na isang anyo ng pagpapatirapa na pagbibigay GALANG gaya ng ginawa ni Mephiboseth Kay David.
Hindi nagpatirapa si Mephiboseth kay David dahil "dios" si David ...alam ni Mephiboseth na tao si david gaya niya. pero dahil Hari si David ng Israel Nagbigay galang si Mephiboseth kay David. tulad nito ang ginawa ng ating Panginoong Jesu Cristo sa harap ng kanyang Ama siya'y nagpatirapa bilang TANDA ng kanyang Pag-galang sa kanyang AMa bilang Hari na dakila kay sa kanya na isang Anak na marunong magpakumbaba sa ka kanyang AMA.
Nang magkagayo'y sinabi ng hari kay Siba, Narito, iyo ang buong nauukol kay Mephiboseth. At sinabi ni Siba, Ako'y yumuyukod; makasumpong nawa ako ng biyaya sa paningin mo, panginoon ko, Oh hari.(2 Samuel.16:4)
At dahil ang Anak ay nagpatirapa sa Ama sa pagbibigay galang sa kanyang Ama tayong mga lingkod niya ay tinuturuan din ng AMA na LUMUHOD SA KANYANG ANAK.
Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang lahat ng tuhod, ng nangasa langit, at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa, At upang ipahayag ng lahat ng mga dila na si Jesucristo ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Dios Ama. (Filipos.2:10-11)
Kaya sa Ikaluluwalhati ng Ama ang pagsamba na gagawin mo sa kanyang Anak ..."Upang papurihan ng lahat ang Anak, na gaya rin ng kanilang pagpapapuri sa Ama. Ang hindi nagpapapuri sa Anak ay hindi nagpapapuri sa Ama na sa kaniya'y nagsugo. (Juan 5:23) at sa kanyang ANAK tayo TATAWAG
At kanilang pinagbatuhanan si Esteban, na tumatawag sa Panginoon at nagsasabi, Panginoong Jesus, tanggapin mo ang aking espiritu. At siya'y nanikluhod, at sumigaw ng malakas na tinig, Panginoon, huwag mong iparatang sa kanila ang kasalanang ito. At pagkasabi niya nito, ay nakatulog siya.(Mga Gawa 7:59-60).
ang
ReplyDeletebobo naman ng poster
dios pala yung may dinidios pa
ReplyDelete