JESUS TINAWAG NA ANAK NG TAO

Bakit ang Panginoong Jesu Cristo ay Tinawag na Anak ng Tao?




Ngayon isa ito sa mga ginagamit ng INC ni Manalo para patunayan nila na hindi daw Dios ang ating Panginoong Jesu Cristo dahil daw siya ay tinawag na "ANAK NG TAO "

Ayon sa kanila ito daw katunayan na TAO lang daw si Cristo.."Ngayon alamin natin kung bakit sinasabi na ang ating Panginoong Jesu Cristo ay anak ng Tao .patunay ba ito na TAO ang kanyang likas na kalagayan.

Ito buod ng Talata kung bakit siya TINAWAG na ANAK NG TAO .

"Nang dumating nga si Jesus  sa mga sakop ng Caesarea ni Filipo ay tinanong niya sa kanyang mga alagad na sinasabi "Ano baga ang sabi ng mga tao kung SINO "ANG ANAK NG TAO?"(Mat.16:13)

Ano naman ang sagot ng mga Alagad ng Panginoong Jesu Cristo sa kanya?

"At kanilang sinabi anang ilan ,si Juan Bautista ,ang ilan si Elias ,at ang mga iba si Jeremias o isa sa mga Propeta .(Mat.16:14)

Paano tinugunan ng Panginoong Jesus ang sagot ng kanyang mga Alagad tungkol kung sino siya tungkol sa Opinyon ng mga tao kung Sino siya ?

"Kaniyang sinabi sa kanila datapuwat ,ano ang sabi ninyo kung Sino ako?at sumagot si SIMON Pedro at sinabi IKAW ang CRISTO ,ANG ANAK NG DIOS NA BUHAY.(Mat.16:15-16)

Sa Pananaw ng kanyang mga Alagad samakatuwid baga ay Si Simon Pedro ito palang ANAK NG TAO ay siya rin ang CRISTO ANG ANAK NG DIOS NA BUHAY ,samakatuwid itong Anak ng TAO ay hindi talaga ito basta tao lang sapagkat ito rin pala ang Anak ng Dios na buhay.

At ayon sa Banal na Kasulatan ang ANAK NG DIOS ay TINATAWAG NA DIOS.(Awit 82:6)

Ngayon Paano pinakilala ng Dios ang kanyang ANAK pinakilala niya ba ito na TAO lang ?

"But of HIS SON he says,Your Kingdom ,o God will last forever and ever its commands are always just and right.(Heb.1:8 TLB)

Pinakilala mismo ng Dios (o Ama ) ang kanyang Anak na DIOS   "O GOD" at patunay naroon na itong Anak mula sa pasimula?

"Before anything else existed ,there was CHRIST ,with God ,HE has always been alive and is HIMSELF GOD"..."And Christ became a human being and lived here on earth among us and was full of loving forgiveness and truth .and some of us have seen his Glory of the ONLY SON of The HEAVENLY FATHER.(John 1:1,14 TLB)

"Since was God's Children ,are human being made of flesh and blood HE became flesh and blood too by being born in HUMAN form for only as a human BEING COULD HE DIE AND IN DYING BREAK  the power of the devil who had the power of death.(Heb.2:14 TLB)

Ito Palang Anak ng Dios na kasama ng Ama sa pasimula ay nagkatawang tao o naging Tao kaya siya ay nagkaroon ng katawang Laman o katawang TAO na ito naman ang pinanganak ni Maria nung magkatawang Tao ito  tinawag na ANAK NG TAO .nakahula na kasi na itong PANGINOON na Anak ng Ama ay paroroon sa kanyang Templong laman at mananahan sa gitna ng mga tao.(John 1:18)?

"Narito aking sinugo ang aking sugo at siya'y maghahanda ng Daan sa harap ko at ang PANGINOON na iyong hinahanap ay biglang paroroon sa kaniyang TEMPLO.(Mal.3:1)

Ikaw ay umawit ,at magalak Oh anak na babae ng Sion sapagkat narito ako'y naparito at akoy tatahan sa GITNA mo sabi ng PANGINOON.(Zac.2:10)

"Gabriel appeared to Her (Mary) and said "Congratulations Favored Lady !THE LORD IS WITH YOU.(Luc.1:28 TLB)


Ito palang nasa sinapupunan ni Maria ay tinawag ng Anghel Gabriel na PANGINOON nung Batiin niya si Maria."THE LORD IS WITH YOU"

"Listen!The Virgin shall concieve a Child shall give birth to a SON ,and he shall be called "IMMANUEL" (meaning GOD is WITH US(Mat.1:23 TLB)

Ang totoo itong Anak ng Dios na Si Jesu Cristo Hindi siya talaga Taong -Tao sa kanyang kalagayan kundi siya ay ISANG GAYA NG TAO ayon sa pangitain. 

"Akoy nakakita sa pangitain sa gabi at narito lumabas na kasama ng mga alapaap sa langit ang isang GAYA NG ANAK NG TAO naparoon sa matanda sa mga araw at inilapit nila siya sa harap niya.(Dan.7:13)

At itong Gaya ng Anak ng Tao ito ang Panginoon ng sabbath na bumaba mula sa langit upang gawin ang kalooban ng kanyang Amang nagsugo sa kanya.(Juan 6:38,John 3:13)

"At sinabi niya sa kanila ang anak ng tao ay ang PANGINOON NG SABBATH.(Luc.6:5).

Ang Anak ng tao na tinatawag ay ang katawang laman  o ang kanyang katawang tao  na ipinanganak ni Maria .Ito ang tinatawag na Anak ng tao pero yong nasa loob ng katawang tao na yon ay isang Dios na Makapangyarihan.(Isa.9:6) 

Comments

Popular Posts