PANANALANGIN kay Maria at sa MGa SANTO na NAMATAY ay PAKIKIPAG-USAP sa PATAY

Ang Pananalangin sa kay Maria at sa mga Santo na matagal ng patay ay pakikipag -usap sa mga patay na ang kaugaliang ito ay ginagawa ng mga katoliko na kung saan tumatawag sila at dumadaing kay Maria at sa mga Santo. na ito ay tuwirang pagsalungat sa salita ng Dios na huwag sumangguni sa patay.




"At pagka kanilang sasabihin sa inyo hanapin ninyo silang nakikipagsangunian sa masamang espiritu at sa manghuhula ,na nagsisihuni at nagsisibulong ;hindi ba marapat sa sangunian ng bayan angkanilang Dios?dahil baga sa buhay ay sasangguni sila sa mga patay.(Isa.8:19)

Huwag makakasumpong sa inyo ng sinomang nagparaan sa apy ng ng kanilang anak na lalaki o babae,o nanghuhula o nagmamasid ng mga pamahiin oengkantador o manggagaway .O engkantador ng ahas ,o nakikipag sangunian sa masamang espiritu o SUMASANGGUNI sa PATAY.(Deut.18:10-11)

"At kaniyang pinaraan ang kanyang anak sa apoy ,at nagpamahiin at nagsanay ng panghuhula at NAKIPAGSANGUNIAN sa MASAMANG ESPIRITU ,at sa mga mahiko siyay gumawa ng maraming kasamaan sa paningin ng PAnginoon upang mungkahiin siya sa galit.(2 King's 21:6)

Bakit tayo Sasanguni sa Mga SANTO o kay Maria hindi naman sila Magliligtas sa Atin kahit Dumaing Pa tayo sa kanila hindi nila tayo maririnig sapagkat silay ay mga patay na.

"Sila'y patay ,silay hindi mabubuhay ,silay namatay silay hindi babangon kayat inyong dinalaw at sinira sila at pinawi mo ang lahat na alaala sa kanila.(Isa.26:14)

"Bagaman si Noe ,si Daniel ,at si Job ay nangandoon ,buhay ako sabi ng Panginoong DIos HINDI SILA MANGAGLILIGTAS ng mga anak na lalake o babae man ang kanila lamang ILILIGTAS ay ang kanilang sariling kaluluwa sa pamamagitan ng kanilang katuwiran.(Ezek.14:20)sapagkat hahatulan ng Dios ang may sala at wala siyang aariing walang sala.(Exo.34:7)

Kita mo HIndi sila Magliligtas Actually kahit nga si Amang ABraham ng Humingi sa kanya ng saklolo ang Mayamang Hangal sa Hades ng PAgdurusa hindi man lang ito sumaklolo para ibsan ang kahirapan ng mayamang hangal.(Luc.16:22-26)


At ang pagtakas ay mapapawi sa matulin; at ang malakas ay hindi makaaasa sa kaniyang kalakasan; ni ang makapangyarihan man ay makapagliligtas sa sarili;(Amos 2:14)
At sa pananalangin sa Dios hindi kailangan mamagitan si Maria o sino mang santo o santa para dinggin ang panalangin walang padreno -padreno sa langit at walang palakasan doon walang nilalang na pwede dumikta o pumigil sa gusto gawin ng Dios wala siyang sinasangguning nilalang.(Acts 11:17)

God is not partial to princes and does not favor the rich over the poor, for they are all the work of His hands.(Job 34:19 Holman Christian Standard Bible)

Gaya ng ating mababasa..."Sapagkat sino ang nakakaalam ng pagiisip ng Panginoon?o sino ang KANYANG NAGING KASANGGUNI.(Roma 11:34)

"Narito ,ang Dios ay gumagawa ng mainam sa kaniyang kapangyarihan ;sinong tagapagturo ang gaya niya?Sinong nagguhit sa kaniya ng kaniyang daan?O SINONG MAKAPAGSASABI ,IKAW ay gumawa ng kalikuan?(Job 36:22-23)

"Oo,mula ng magkaroon ng araw ay ako nga ,at walang sinomang makapagliligtas sa aking kamay ;akoy GAGAWA ,at SINONG PIPIGIL.(Isa.43:13)

Ngayon tinuturuan tayo na manalangin o dumaing sa pangalan ng Panginoong Jesu Cristo hindi sa Anomang pangalan ,hindi sa pangalan ni Maria o sa pangalan ng sino mang mga santo o santa kundi sa pangalan ng Panginoong Jesu Cristo.

Jesus said;

"And in that day ye shall ask me nothing .verily ,verily ,I say unto you .Whatsoever ye shall ask the Father in my NAME ,he will give it you.(John 16:23)

Si Maria at mga santo na nabuhay ng Una ay matagal na silang mga patay.(Heb.9:27)at ang patay ay wala ng Nalalaman sa mga nangyayari sa ilalim ng Araw.(Ecle. 9:5) hindi dapat naglalagak ang tao ng kanyang tiwala sa tao kundi mabuti na manganlong sa Panginoon.(Awit 118:8-9)

Kahit ang Panginoong Dios ay nagtuturo sa atin na huwag tayong magtiwala sa mga santo o maglagak ng ating mga tiwala sa kanila.

"If God places NO TRUST in his HOLY ONES.(Job 15:15)

Comments

  1. Bago ako magsimula ay tunghayan po muna natin ang maikling kasaysayan ng PAGLIKHA na nasasaad sa ANG KARUNGAN NG DIOS na walang iba kundi ang KARUNUNGANG HAYAG at KARUNUNGANG LIHIM. Ang dalawang karunungan ito ay sadyang magkakaiba ang bawat pinagmulan. Ang “Tago” ay nagsimula noong wala pa ang lahat ng bagay at ang“Hayag” naman ay nagsimula ng likhain ng Diyos ang tao sa mundo.

    Sa HAYAG NA KARUNUNGAN na matatagpuan sa Biblia ay ganito ang panimula: Genesis 1:1, 2 at 3, NANG SIMULA LIKHAIN NG DIYOS ANG LUPA AT LANGIT, ANG LUPA AY WALA PANG HUGIS O ANYO AT ANG WALANG HANGGANG KADILIMAN ANG SIYANG BUMABALOT SA KALILIMAN AT UMIIHIP ANG MALAKAS NA HANGIN SA IBABAW NG TUBIG”, SINABI NG DIYOS: MAGKAROON NG LIWANAG AT NAGKAROON NGA. Sa puntong ito mayroong bagay na hindi maipaliwanag, kasi maliwanag na sinabi na sa pasimulang likhain pa lamang ng Dios ang lupa at hangin ay mayroon ng lupa subalit ito’y wala pang hugis at ang hangin ay umiihip na sa ibabaw ng tubig. Sa madaling salita, sa Hayag na karunungan (biblia) hindi maipaliwanag ng lubusan ang tawag na simula nang ang mundo ay likhain ng Dios. Paano nilikha ang lupa, hangin at tubig? Ang mga ito ay hindi na binanggit sa Biblia. SA HAYAG NA KARUNGAN SA PAMAMAGITAN NG BIBLIA AY GANITO ANG NASASAAD: Ang Dios ay nag-iisa noong panahong wala pa ang lahat ng mga bagay, mga bagay na nakikita man at hindi. (Awit 93:2, Genesis 21:13, Isaias 57:15) Siya ang AMA ay isang Espiritù (Juan 4:24). Siya ay nag-salita (Juan 1:1) ang kaniyang pasimulang salita o ang unang tinig na nanulas sa kaniyang bibig ay naging isang umiiral na Dios (Juan 1:2). Ito ngang Tinig ay isang “Being” o Umiiral na Persona (Genesis 3:8). Pinauunawang ang salitang persona na ginamit ay isang salitang pang-ukol upang ipantukoy sa isa na pinag-uusapan. Ang Tinig o Salita ay isang buhay na Umiiral (Hebreo 4:12), Siya ang sa ngayon ay ang tinatawag na “ANAK”. Kung ang Tinig ng Ama ay naging isang Dios o Makapangyarihang umiiral na persona, Samakatuwid bagà ay dalawa ang Dios? Tunay na hindi! Ito ay sapagka’t ang Dios AMA ay pumaloob o puma-sa personang ito, alalaon baga’y sa ANAK (Juan 14:10). Kung kaya tumpak ang pagkasabi: ako at ang Ama ay iisa (Juan 10:30) Iisa sapagka’t sila ay nagkakalakip, gaya nang unang araw na lalangin ang tao; siya ay iisa sapagka’t hindi pa nahihiwalay mula sa kaniyang tadyang ang naging isang babae(Genesis 2:21, 5:2). Tunay nga ang pagka-sabi patungkol sa tao: sa wangis ng Dios siya nilalang (Genesis 5:1, 1:27) Subalit kumusta naman ang Espiritù Santo? Hindi bagà ito ay isa na tinutukoy na ikat-long persona ayon sa tradisyong turo ng pinaka-malaking bahagi ng sangka-Kristiyanuhan? Sapagka’t mapapansin sa talata ng (Mateo 28:19) na tila bagà may binabanggit na tatlo o talong persona na umiiral. Tangi pa roon, bagaman at ang Ama ay isang Espiritù ay tinukoy din na siya ay mayroong Espiritù (Isaias 61:1). Tunay nga na may isa pang umiiral na persona ang Espiritù Santo.(Genesis 1:2). Ngunit nangangahulugan ba ito na tatlo na ang Dios? Tunay na hindi! Sapagka’t kung mapapangsin ang sanaysay sa itaas ay pinatunayan ng Kasulatan na iisa ang Dios bagaman at tila bagà dalawa (ang Ama at ang Anak) ang nabanggit. Ngunit sa usapin tungkol sa Espiritù Santo bigyang pansin lamang ang demonstrasyon o paghahayag sa pamamagitan ng Bautismo na isinagawa ni Juan Bautista, dito’y mapapag-tanto na ang tatlong persona ay iisang Dios. Mapag-uunawa na tatlo nga ang persona o umiiral ngunit ito ay iisa. Gaya naman ng isang tao na kaniyang larawan, binubuo ng: espiritù, kaluluwà, katawan. Tatlo ang binabanggit subalit siya ay iisa (1Tesalonica 5:23).

    to be continued...

    ReplyDelete
  2. continuation...

    Sa KARUNUNGAN LIHIM ay ganito ang nasasaad: Bago likhain ng Dios ang sandaigdigan ay kanya munang inihanda ang Apat na Elemento na siyang magiging sangkap sa sanlibutan. Ito ay ang HANGIN, TUBIG, LUPA at APOY. Ang wika ng Dios ay : ACNA TURVATE SODEM AC SODEM TEASET BUITARAP ACME MIMJARUL LEGARA HAMUSA VINESA MATUMI EROP BUNSIRAP, nang ito’y masabi lumitaw ang lupa, lumalagablab ang init ng Apoy, umihip ang simoy ng Hangin at rumaragasa ang alon ng tubig. At muling nagsalita ang Dios ng “CREAVIT SECTIBUS CAELUM ET TERRAM” (ibig sabihin ay simulan ko nang gawin ang langit at ang sanlibutan) at nagsalita pa muli ang Diyos ng ganito: MANAOT LUMBRATE ACTIVE DENS MEAVITA DEUS SANCTE MEUS, nang matapos itong sabihin nagkabuklod-buklod ang lupa, tubig, apoy at hangin.

    To be continued...

    ReplyDelete
  3. Continuation...

    Muling nagsalita ang Diyos nang: MALQUE ATIM MIRBEATIM MACMITIM, at ang tubig ay nagkabuklod-buklod na magkakaiba ang lasa. Sang-ayon sa Biblia, sa aklat ng mga awit 90:2 ganito ang sabi: “WALA PA ANG MGA BUNDOK, HINDI MO PA NILALANG, HINDI MO PA NILILIKHA ITONG BUONG DAIGDIGAN, IKAW NOON AY DIYOS NA, PAGKAT IKAW AY WALANG HANGGANG,” madaling sabi, ang Dios ay walang simula at walang katapusan, kaya siya ay tinawag na INFINITO DEUS YESERAYE. Kung ganyan ang kalagayan ng Dios, mayroong tanong na ganito: Noong wala pa ang mundo saan nakatira at ano ang kalagayan ng Dios? Kung Biblia ang magiging batayan natin, walang malinaw na sagot na mababasa mo, subalit sa LIBRO NG KARUNGANG LIHIM ay mayroon at ito ang nakasulat sa Aklat ng Kalikasan: Noong wala pa ang mundo ang Dios ay naririyan na at siya ay nakatira sa kanyang kaharian na siya rin ang kanyang kapangyarihan na kung tawagin ay CIELO DE CHRISTILLENO na ang ibig sabihin ay “langit sa mga langit.” Bagamat wala pa ang lahat maliban sa Dios na nag-iisa, ang sinasabing langit sa mga langit kagaya ng kalawakan na hindi malalaman ang pinagmulan at ang hangganan nito. Ang sinasabing kalawakan ay isang puwang na lugar na walang nilalaman, subalit ito’y napupuno at nababalot ng isang liwanag na walang simula at walang hangganan. Ayon sa KARUNUNGANG LIHIM SA AKLAT NG KALIKASAN ay ganito: AZ ZAAX XAACZA ZAAX ZAAZ ZAXAZ JIY OAFI JAAIYEI ang ibig sabihin ang karunungan ng Diyos ay hindi kayang abutin ng kahit na sinong nilalang sa lupa kahit na sa isip lamang. Dumating ang panahon na ang makapangyarihang INFINITO DEUS YESERAYE ay nag-umpisa ng lumikha ng mga naisip niyang mga bagay tulad ng Langit na kanyang magiging luklukan, daigdig na magiging tuntungan ng Kanyang mga paa at iba-iba pang mga bagay sa kalangitan at sangsinukob. Una sa lahat ay lumikha ang INFINITO DEUS YESERAYE ng magiging katulong at kasama niya sa kanyang mga gagawin kaya’t nagsalita ng: AGAHAC JIRIUM JIURJITNUM JIURJITSUM JACJAHAHAC ROGOTAC YOPALUM MEDERAT INEHATISET CORPUS SIOMBENET, pagkasabi’y pinawisan siya sa kanang bahagi ng noo sa bandang itaas ng kanang kilay at ng haplusin ng kanang hinlalatong daliri at iniwisik ay naging LABING ANIM (16) na butil ng pawis at nang kanyang titigan ay lumabas ang liwanag sa kanyang mga mata at nagkaroon ng buhay ang 16 na mga espiritu o kanununuang matatanda na kahintulad ng kanyang anyo. Muling nag-isip ang INFINITO DEUS YESERAYE at nagsalita ng: LUCJINUM, pagkasabi’y pinawisan siya sa kaliwang noo sa bandang itaas ng kaliwang kilay at ng haplusin ng kanyang hinlalatong kaliwang daliri at iniwisik ay naging WALONG (8) BUTIL ng pawis at nang kanyang titigan ay lumabas ang liwanag sa kanyang mga mata at nagkaroon ng buhay ang 8 mga espiritu o kanununuang matatanda na kahintulad ng kanyang anyo. Sa kabuohan ay DALAWAMPU’T APAT (24) lahat ang mga kakasamahin ng INFINITO DEUS YESERAYE sa kanyang paglikha. Ganito ang nakasulat sa Biblia: Genesis 1:26, sinabi ng Dios: NGAYON LALANGIN NATIN ANG TAO AYON SA ATING WANGIS. Sa KARUNUNGAN LIHIM, ang 24 na kanununuang matatanda o 24 Ancianos ang kausap at kasama ng INFINITO DEUS YESERAYE ng likhain ang tao.
    Ayon sa Karunungan Lihim, ang pangalan ng INFINITO DEUS ng likhain niya ang 24 ANCIANOS o 24 na matatanda ay “MP” at ayon sa libro ng kalikasan: magiging mapalad ang sino mang mag-iingat ng pangalang ito dahil kilalanin siya ng Panginoon Dios sa panahong darating. Ito rin ang pangalang ibinigay ng Infinito Deus kay ADAN ng bumaba si ADAN sa kailaliman ng lupa at walang sinomang nakasupil sa kanya maging ang hari ng mga demonyo. Sang ayon naman sa mga matatandang Antingero ang sino mang magtaglay ng pangalang ito "MP" at itatoo sa katawan ay hindi kayang supilin o dili kaya'y kontrahin ng sino mang may taglay ding Agimat at Bertud dito sa lupa.

    To be continued...

    ReplyDelete
  4. Continuation...

    Ang 24 ANCIANOS na siyang pinakaunang pangalan ihinayag ng Infinito Deus (I.D.), maliban dito ay marami pang ibang pangalan na ginamit sa bawat paglalang. Isa sa mga tungkulin ng 24 Ancianos ay ang pagbantay sa mga oras sa bawat araw, ang pinakauna ay siyang nagbabantay sa oras ng Ala una, at hanggang sunod-sunod ang mga ito hanggang matapos ang eksaktong 24 oras sang-ayon sa kani-kanilang numero. Sila rin ang tagamasid ng lahat na ginagawa o gawain ng mga tao sa lupa ito’y maging tama man o mali, kaya ang mga kasalanan ng tao ay walang ligtas sa Panginoon dahil dito. Sa Apocalipsis ni Juan o Pahayag 11:16 ay nabanggit ang 24 Ancianos at sinasabi: “AT ANG 24 NA MATATANDANG NAKAUPO SA KANI-KANILANG LUKLUKAN SA HARAPAN NG DIYOS AY NANGAGPATIRAPA AT SUMAMBA SA KANYA.”

    To be continued...

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts